April Lacsamana Peterson Nagising ako nang maramdaman kong may humalik sa noo ko dahilan para mapamulat ako, mukha agad ng asawa ko ang aking nasilayan abot tenga ang ngiti nito at muli pa ako nitong hinalikan sa aking noo. "Bakit gising ka na? Anong oras na ba?" sunod-sunod kong tanong sa kanya sa paos kong boses. Natanaw ko kasi mula sa bintana ng aming kwarto na may kadiliman pa ang langit. "5 am pa lang matulog ka muna ulit, sweetheart. Susunduin ko na kasi ngayon sina Mommy, at Daddy sa Airport," tugon niya, at muli ako nitong hinalikan sa aking noo at labi bago tuluyang umalis. Umidlip na muna ulit ako dahil inaantok pa talaga ako. Sa aking muling pagising ay may sigla na ulit akong simulan ang aking gawain sa araw na ito agad na akong bumangon mula sa aming kama, at inayos ko sa

