April Lacsamana KINABUKASAN, pagising ko ay agad kong tinignan ang cellphone ko upang tignan kung may mensahe si Hero nugnit bagsak ang balikat ko dahil wala man lang text si Hero sa akin. Bumangon na lamang ako at agad na inayos ang higaan ko at saka inasikaso ang sarilli ko, habang naliligo ako ay naisipan kong abangan na lang si Sir JL, sa sarilli niyang parking area wala mang kasiguraduhan kung babalik na ba siya ngayon sa trabaho pero magbabakasakali pa rin ako. Pagkatapos kong maligo ay nagbihis na rin ako at inayos ang sarilli ko, nang matapos ako ay agad na rin akong lumabas sa aking kwarto at bumaba upang makapag almusal na ako. "Good morning po, Ma," bati ko agad kay Mama nang matungo ko na ang aming hapag kainan. "Good morning, Pril halika na't kumain," aya naman agad sa aki

