April Lacsamana "Kain na po tayo," aya ko kay Mama at sinikap kong ngumiti sa harapan niya kahit na punong-puno ng pag-aalingan ang puso't isip ko. Tahimik lang kaming dalawa ni Mama habang kumakain pinapakiramdaman namin ang bawat isa, tanging kalansing lang mula sa aming mga ginagamit na kubyertos ang maririnig sa buong paligid. Hanggang sa matapos sa pagkain ay tahimik pa rin kami ni Mama. "Alis na po ako, Ma," paalam ko kay Mama sabay tayo mula sa silya. "Anak, ano ba talaga ang gagawin mong paraan?" nag-aalalang tanong na naman ulit sa akin ni Mama. "Anak kinakabahan ako sa maari mong gawin," muling turan nito sa nag-aalala pa ring boses. Kaya agad ko itong nilapitan at hinawakan ko agad ang kanyang dalawang kamay. "Ma hindi ako mapapahamak, magtiwala lang kayo sa akin," pangun

