Hindi malaman ni Faith kung susundan niya ba ang nag wawalang si Valerie na ngayon ay palabas na ng pinto habang umiiyak at nag sisisigaw o mananatiling naka tanga. Naiwan naman sa loob ang may edad nang lalaki na tinawag na ‘father’ ni Valerie kanina, nanatili itong naka tayo habang masama nag tingin sa kanila ni Zack. Some part of her wanted to ask the old man what were they doing in Zack’s room, the party were clearly downstairs and the rooms in the house are private. Ngunit sa nararamdaman niyang pagkahilo dahil sa nainom na alak kanina ay pinili niya na lamang ang manahimik. “Look Mr. Servantes, it wasn’t my intention to let you witness all thi-“ “Don’t explain to him, Zack. He and his daughter should be the one explaining to you, now Mr. Servantes, if I might ask, ano ho ba ang

