Walang tigil sa pag iyak si Faith habang inaayos ang kanyang mga gamit. Hindi na rin siya nag abala pang tiklupin ang kanyang mga damit at basta niya na lamang itinapon iyon sa loob ng malaki niyang maleta. Pakiramdam niya ay natutuyo na ang kanyang lalamunan dahil sa pag iyak isama pang tila lalo lamang lumala ang nararamdaman niyang pagkahilo. “Bwisit na alak naman kasi, kung alam ko lang na lalayas pala ako rito ngayong gabi sana hindi nalang ako uminom ng madami!” Malakas ang tinig na paninisi niya sa alak na alam niya namang walang kinalaman sa lahat ng nangyayari. “Ginamit? Ginamit para matigil ang walang kwentang kasalan na ito pala ha? Bwisit ka! Ang sarap sarap mong balatan ng buhay at pahiran ng tinadtad na bawang at sili!” Galit niyang sabi na lalo lamang nag palakas ng ka

