PROLOGUE
Umupo ako sa bench malapit sa fish pond at napakagat ako ng labi ng maramdaman kong umupo siya sa tabi ko. Amoy na amoy ko siya at parang naririnig ko ang bawat galaw niya. Tahimik lang siyan mula pa kanina kaya medyo kinakabahan ako.
" K-kamusta ka? Sila Newt at Brent ok lang ba? " Kita ko kasing may maliit siyang sugat sa gilid ng labi niya.
Hindi ito sumagot pero ramdam na ramdam ko ang malalim nitong paghinga.
" Alam kong inis kana sa akin sa kakahabol ko sa'yo. Wala eh nahulog na kaso hindi mo naman na salo. Sorry nga pala sa pagpapahirap sa'yo ha. " Natatawa kong sabi pero walang humpay naman na tumutulo ang luha ko. Mabilis ko namang pinunasan gamit ang mga kamay ko.
" Sorry kung mahal na kita. Hindi ko naman alam na mahuhulog ako ng ganito sa'yo. Akala ko simpleng paghanga lang pero hindi eh. Mas nakilala kita kasi nung hinahabol habol kita. " Napangiti ako ng maalala ang lahat ng tungkol sa kanya.
" Paborito mo yung adobong manok. Ayaw mo ng baboy dahil namatay noon ang alaga niyong baboy ni Stephen. Mas gusto mo ang sprite sa coke. Hindi nabubuo ang araw mo pag walang kape sa umaga. "
" Naalala mo noon. Yung inaya kitang kumain ng isaw at fishball. Fries lang yata yung kinain mo eh. Akala ko hindi ka sasama nun kasi nga hindi ka sanay sa mga ganun. " Hindi ko alam pero panay lang ang pag tulo ng luha ko.
Ganito pala kasakit kapag bibitiw kana.
" Sorry kung dun lang kita dinala ha. Sorry din kong mahal na kita. Hindi ko naman yun mapipigilan pero gagawin ko ang lahat para lang wag ka ng mahalin. Ang hirap mo palang mahalin. " Mapait akong tumawa. Tinignan ko siya at magkasalubong ang kilay nito habang nakatitig sa isang halaman.
" Sorry kung naging desparada ako. Don't worry titigil na ako. Mabuti na lang at nauntog itong ulo ko. Naalog yata ang utak ko kaya naman gagawin ko na ang tama. S-sana tigilan mo na ang pagyoyosi mo. Pasensya kana kong hindi na kita madadalhan ng breakfast every morning ha at sorry sa lahat. " Mahina kong tinapik ang likod niya at tumayo.
" Wag kang mag alala. Hindi na kita hahabolin gaya ng sabi mo pero pwede makahingi ng favor? Tigilan mo na ang pakikipag away ha. Sige, mauna na ako. " Tumalikod na ako at naglakad palayo sa kanya. Sa taong mahal ko.
" Jade. " Napatigil ako ng tawagin niya ako. Pinunasan ko muna ang luha ko at hinarap siyang nakangiti.
" Yes? "
" Damn it! "
Kinabahan ako ng mabilis siyang lumapit sa akin at agad na nanlaki ang mata ko ng hawakan niya ang magkabilang pisngi ko at naramdaman ko na lang ang pag lapat ng labi niya sa labi ko.