Iyak ako ng iyak habang nakasakay ng jeep. Lahat ng pasahero nakatingin sa akin. Pilit ko namang pinapatahan ang sarili pero hindi ko kaya. " Hija, may masakit ba sa iyo? Idadaan ka namin sa hospital. " Sabi ng katabi kong babae na may dalang batang lalaki. Kahit na umiiyak ay ngumiti ako at tinuro ang dibdib kong nasaan ang puso kong nasasaktan ngayon. " Kaya mo iyan. " Ngumiti ito at binigyan ako ng tissue. Ang batang lalaki ay nakatingin lang sa akin habang mahigpit na nakayakap sa Mama niya. " Salamat po. " Kinalma ko muna ang sarili bago pumasok ng bahay. Mukhang wala pa sila Mama dahil madilim pa ang bahay. Mukhang ginabi na naman sila sa market. Pumasok ako ng kwarto at nahiga sa kama. Pagod na pagod ako ngayong araw na'to gusto ko na lang na matulog. Maya maya pa ay tumunog y

