From: Boyfriend ❤ Good morning baby. Siomai! Nagpagulong gulong ako sa kama ng mabasa ang text ni Steven. Ki aga aga naman kong magpakilig ang isang to. To: Boyfriend ❤ Good morning rin babylabs ?? Maiinis na naman siya dahil tinawag ko siyang babylabs. Ayaw niya kasi pag babylabs ang tawag ko sa kanya, pangjeje raw. Arte! " Jade, anong oras na! " Napa upo ako ng maayos sa kama ng marinig ang sigaw ni Mama sa labas ng kwarto. Mabilis kong inayos ang kama ko at lumabas para tulungan si Mama na gumawa ng puto. " Ma, dalhan ko na puto si Steven ha. Lagyan ko lang ng maraming cheese kasi gusto niya yun. " Sinabi ko na sa kanila ni Nanay kagabi na kami na ni Steven. Syempre masaya si Mama kaso itong si Lola medyo nag aalangan pa. Kesyo nag aaral pa raw ako, panu pag nabuntis ako. Si Lo

