Pag gising ko kinaumagahan mahapdi pa ang mga mata ko dala ng kaiiyak kagabi. Mabuti na lang at hindi nahalata ni Mama na umiyak ako. " Jade, gising na. " Sabi ni Nanay at kinatok ng dalawang beses ang pinto ng kwarto ko. " Sandali lang po. " Inayos ko muna ang kama at lumabas ng kwarto. Nadatnan ko ang kapatid kong hinihilera ang kanyang laruan sa sala. Si Nanay naman nasa sofa nanunuod ng tv. " Nakapag luto na ang Mama mo. Maaga rin siyang umalis papuntang market. " Lumapit muna ako kay Kyle at hinalikan siya sa ulo. Pagpasok ko ng kusina ay matamlay akong kumuha ng plato at baso. Konti lang ang kinain ko dahil wala akong gana. Pagkatapos ay naligo ako at nag ayos. Palabas na sana ako ng bahay ng tawagin ako ni Nanay. " Bilhan mo ng paracetamol mamaya si Kyle. Medyo mainit kasi na

