Nung umuwi na si Steven ay agad akong pinalo ni Mama ng kanyang tsinelas sa pwet. " Ma, aray! " Mahina lang naman ang palo niya pero ang laki ko na para paluin niya. " Anong aray?! Bakit ikaw ang nanliligaw kay Steven? " Singhal niya. " Kasi gusto ko siya. " Alangan naman ligawan ko siya dahil trip ko lang. " Nay, ilayo mo ako kay Jade at makakalbo ko talaga siya. " Sabi ni Mama kay Nanay kaya naman agad akong hinawakan ni Nanay sa siko para dalhin sa kwarto ko. " Ma, malapit na akong sagutin nun kaya chill lang. " Nginitian ko siya. " Jade! " Sigaw niya. Mabilis akong pumasok ng kwarto habang tumatawa. Kinabukasan ay maaga na naman akong gumising. Paglabas ko ng kwarto ay nasa kusina na si Mama at nagluluto. " Good morning, Ma. " Bati ko ng makalapit ako sa kanya. Napa tingin ako

