Steven's POV "Bro, duwag kaba?" Natatawang tanong ni Tyler sa kaibigan naming si Jason. Pawisan pa kaming tatlo ngayon dahil kagagaling lang namin sa training at ito na naman kami, parang mga tanga na sinusundan ang kapatid ni Jason. "Gago, alam mo namang ayaw niya akong makita kaya mabuti na ang ganito." Ngumiti ito pero bakas sa kanyang mukha ang kalungkutan. Tatlong taon na naming ginagawa ang pagsunod sa kapatid niya at masasabi ko na magaling kaming magtago dahil hindi man lang kami nakita ng kanyang kapatid. Minsan naman hindi ako nakakasama sa kanila dahil kay Kristina, nagagalit na kasi siya dahil wala na raw akong oras para sa kanya. "You're stalking her for years, dinamay mo pa kami." Kumento ko habang nakatingin sa kanyang kapatid. She's wearing their school uniform, white

