Sabay kaming napatayo ng may tumawag kay Steven. " Apo! " Para akong binuhusan ng tubig ng napagtanto ko kung sino ang tumawag sa kanya. Napalunok ako ng makita ang dalawang matanda na mukhang kararating lang mula byahe. " Lolo, lola. " Wala akong nagawa ng hawakan ni Steven ang kamay ko at lumapit kami sa kanila. Ito na nga ba ang sinasabi ko eh! " Hello po, I'm Alyana Jade Silva po. " Kahit nahihiya ay nagpakilala ako. Agad namang tinanggap ng matandang babae ang kamay ko sumunod rin ang asawa nito. " Girlfriend ko po. " Namula ng husto ang mukha ko ng ipakilala ako ni Steven bilang girlfriend. " Remember Jason, La? Kapatid niya. " Dugtong nito. Tumaas ang kilay ng matandang lalaki na ikinakaba ko ng husto. Mukha kasi silang strikto lalo na ang lolo. " Daughter of Senator Silva?

