Nakipag ayos na ako kay Daddy. Iyak lang kami ng iyak habang nag-uusap kaming dalawa. It's time narin siguro na magkaayos kami dahil nga nasa iisang bahay kami. " I love you Alyana. " Nakangiti ito pero namumula naman ang mata. " I love you too, Dad. " Ganti ko at niyakap siya. Maya maya pa ay nakisali narin ng yakap si Jason. Napatingala ako. I wish you're here Mom. I miss you. We miss you. Nagsimba kami kinabukasan. Merong chapel sa subdivision at nakapalibot ang mga bodyguards kahit na alam kong hindi makakapasok sina Santiago dito. Pagkatapos ay binisita namin si Mommy. Ito ang unang pagkakataong kumpleto kaming dumalaw kay Mommy. Kitang kita ko ang saya sa mata ni Daddy at alam kong si Mommy ang pinakamasaya ngayon dahil maayos na kaming lahat. Nakakagaan sa loob. Parang naging

