Kasalukuyang nakaluhod si Adante sa harapan ng mga magulang niya at paulit-ulit na nakikiusap na tanggapin ang relasyon nilang dalawa ni Gwen. "Mahal ko po si Gwen at siya lang po ang babaeng gusto kong mapakasalanan." Ani ni Adante sa kaniyang mga magulang na ikinagulat naman nito at bigla na lang napatayo ang kaniyang ama. "What are you talking about? hindi ba't nagkasundo na tayong dalawa na si Hera lang ang babaeng nararapat para sa iyo?" galit na turan ng kaniyang ama at magkasalubong ang dalawa niyang kilay. "Patawarin niyo po ako, ngunit hindi ko iniibig ang babaeng iyon. Si Gwen lang po ang babaeng gusto kong makasama sa habambuhay," pagpupumilit niya na may pamumuo ng luha sa gilid ng kaniyang mga mata. Napatayo naman saglit ang kaniyang ina at siyaka siya sinampal ng malakas s

