Chapter 3

1009 Words
Chapter Three: Work _______________________________________ NAIA 2 Centennial Terminal, Airport NAGPAKAWALA ako nang malalim na buntong hininga habang pinagmamasdan ang buong paligid na kinaroroonan ko. Hinawakan ko nang mahigpit ang maliit na kulay pink na maleta na dala-dala ko. This isn't the first time na nakapunta ako dito sa Manila pero pakiramdam ko ang bigat-bigat ng loob ko. And I already know why, kasi hindi ko kasama ngayon si Mavien. Well, siguro nasanay lang ako na kasama siya palagi kaya ganito pero sabi ko nga kailangan ko nang sanayin ang sarili ko. Sinimulan ko nang hilahin ang aking maleta at naglakad palabas ng airport para maghanap ng taxi na masasakyan. Ngunit hindi pa nga ako nakakadalawang hakbang nang marinig kong may tumawag sa pangalan ko. "Scarlet, hintay!" sigaw nito. Kaagad na nilingon ko naman ang pinanggalingan ng boses. Hindi naman ako nahirapan dahil nakita ko agad siyang tumatakbo patungo sa kinaroroonan ko habang suot-suot ang bagpack nito sa likod. Nanlaki naman ang mga mata ko pagkakita sa kanya. "Mavien, ano'ng ginagawa mo rito?!" gulat na tanong ko. Hinihingal naman ito na sumagot. "A..akala ko 'di na kita maaabutan. Tara na," nakangiting aya niya at kinuha ang maleta ko. Akmang hihilahin na niya ang maletang hawak-hawak ko nang pinigilan ko agad siya. "Ano'ng ginagawa mo dito?!" I hissed when I regain my senses back. Nawala naman ang ngiti sa labi niya at napalitan ito ng kunot na noo. Hinintay kong sumagot siya ngunit hindi nangyari. Tinitigan lang niya ako nang mariin na para bang sinasabi niya na, 'Hello, okay kalang?' Nagpakawala nalang ako nang malalim na buntong hininga at mariing pumikit. "Sinundan mo ba ako hanggang dito, Mavien?! Akala ko ba nagkaka-intindihan na tayong dalawa," I said in irritation. Hindi man lang siya nag-abalang sumagot at mariing tinitigan ako. I groaned in frustration. "Mavien!" inis na sigaw ko. Hindi na ba siya sasagot!? Magtititigan nalang ba kami dito? Mukhang nagulat naman siya sa pagsigaw ko at para bang natauhan ito. "Uh, ano.. hindi, uh!" nauutal na sagot nito. Tinignan ko naman siya nang masama. Napakamot naman ito sa ulo. "Hindi naman talaga!" giit niya. "Nagkataon lang kaya na kailangan kong e-check 'yong main branch ng kompanya ko dito sa Laguna. Atsaka, inutusan kasi ako ni Dad na magtungo sa M Construction para e-monitor ang kompanya. Alam mo namang nasa hacienda ngayon si Kuya Reigan, 'diba?" "Ang Kuya Niro mo ngayon ang nandoon sa kompanya. Atsaka, akala ko ba wala kang balak na makialam sa M Construction dahil ang pinagtutuunan mo ng pansin ay 'yong M Software. At talagang sabay pa ang flight nating dalawa!" "Bakit ba!? Shareholder din naman ako ng M Construction. Atsaka, ayaw mo nun, magkasama parin tayo rito. Blessing in disguise na kaya 'yon! Kaya, tara na!" usal niya sabay hila sa akin. "Mavien!" I hissed. Pero mukhang hindi naman siya nakikinig dahil hila lang siya ng hila sa akin hanggang sa makarating kami sa nakaparadang kulay itim na SUV. Bumukas ang bintana ng sasakyan. And there I saw Niro Montenegro smiling from ear to ear. "Ang tagal niyo!" reklamo niya. Ngumiti naman sa kanya si Mavien. Umirap naman ako. "Hi, Kuya," bati niya sa kapatid sabay bukas ng pinto sa likod. Binalingan naman niya agad ako. "Pasok na," utos ni Mavien sa akin. Tinignan ko naman siya nang masama. He pouts out of frustration. "Pasok na kasi, eh. Ang dami pang arte!" I sigh in defeat. I guess I don't have any choice. Ayoko naring makipagtalo pa sa kanya dahil sa huli alam kong wala rin naman akong magagawa. Nakarating kami sa apartment na sinabi ko kay Niro kung saan ako bababa at pakiramdam ko sa buong durasyon ng biyahe ay sumakit ang ulo ko sa pakikinig ng mga sinasabi ni Mavien tungkol sa mga plano niyang pasyalan habang nandito siya sa Manila. Pakiramdam ko wala siyang planong asikasuhin ang mga importanteng bagay na dapat na gagawin niya rito at para bang bakasyon yata ang pinunta niya at hindi trabaho dahil sa pinagsasabi niya sa akin. May hawak-hawak pa siyang listahan ng mga lugar na pupuntahan niya. "Punta ulit tayo sa Tagaytay. Noong huling punta natin doon sa Sky Ranch lang tayo gumala. Ang sabi nila maganda rin daw doon sa Picnic Groove," wika niya sa hindi matapos-tapos na suggestion niya. Hindi naman ako umimik. Kaagad na binuksan ko ang pinto ng sasakyan at tinungo ang maleta kong inilabas ni Niro mula sa likod ng sasakyan. "Maraming salamat sa paghatid." Ngumiti lang si Niro bilang ganti. Ngunit ang mas ikinagulat ko ay nang biglang magsalita si Mavien mula sa likod ko. "Ito na ba 'yong titirhan natin?" he asked while looking at the small apartment right infront of us. "Ano'ng natin? Ako lang ang titira rito, Mavien." Gumuhit ang gulat sa mukha niya na ikinatawa ng kapatid niya. "Huh? Rerentahan ko rin ang sa kabilang apartment." "Ano'ng rerentahan?! May kanya-kanyang condo unit kayong pagmamay-ari dito sa Sta. Rosa ng mga kapatid mo. Kaya bakit ka pa mag-re-rent ng apartment?!" "Para mas madali? Kapag pupuntahan na natin 'tong mga lugar na isinulat ko?" parang batang tanong niya at ipinakita pa sa akin ang papel ng listahan niya. Mas lalong lumakas ang tawa ni Niro na dinig na dinig naming dalawa. Nagpakawala naman ako nang malalim na buntong hininga. "Mavien, nandito ako para sa trabaho at hindi para magbakasyon," paalala ko sa kanya. Ngumuso naman siya na para bang aapela pa sana kung hindi lang nagsalita ang Kuya Niro niya. "Scarlet is right, Mavien. She's not here for vacation because this is work related," pahayag niya at bahagyang ngumisi. "And I don't think mauubos niyong puntahan lahat ng lugar na nasa listahan mo lalo na't aalis na papuntang Japan si Scarlet next week," dugtong niya at nakangising bumaling sa akin. "Right, Scarlet?" Pakiramdam ko nanlamig ang buong katawan ko nang dahil sa narinig. Hindi ko alam ang gagawin ko. Para akong umaapak sa karayom habang tinitignan ang anyo ni Mavien. Nanlalaki ang mata nito na parang naguguluhan. Hindi alam kung anong paniniwalaan. What the hell, Niro Montenegro! - ♡lhorxie
Free reading for new users
Scan code to download app
Facebookexpand_more
  • author-avatar
    Writer
  • chap_listContents
  • likeADD