Chapter 2

1345 Words
Chapter Two: Can't Tell _______________________________________ Napaawang ang mga labi ko nang makita si Mavien na kampanteng-kampanteng nakaupo sa harap ng drawer ko. I look at my wrist watch and it's already quarter to 10 in the evening. Ano na naman kaya ang ginagawa niya rito? Gabing-gabi na. "Jusko ko naman, Mavein! Ano na naman ang ginagawa mo rito?" nangangalaiting tanong ko. Kahapon nandito rin siya at dito na nga 'to natulog. At ngayon naman ay nandito na naman ulit siya. Siguro kung hindi lang pinuna ni Tita Belle sa akin ang tungkol dito hindi ko papansinin ang pagpunta niya palagi sa bahay. Kailangan niyang sanayin ang sarili niyang hindi na ako ang kasa-kasama niya at kailangang ganoon din ako sa kanya. "Mabuti naman at dumating ka na. Kanina pa ako naghihintay dito," ungot niya. Naglakad naman ako patungo sa kama at inilapag ang bag na dala-dala ko. Lumapit ako nang tuluyan sa kinaroroonan niya. "Bakit ka na naman nandito?" inis na tanong ko. Ngumuso naman siya at nangalumbaba. "Pinapaalis mo na ako?" parang batang tanong niya imbis na sagutin ang tanong ko. "May sinabi ba akong ganoon? Oh siya sige, umalis ka nalang." "Sungit nito. Meron ka ngayon no'?----aray naman." Napahawak naman siya sa ulo niya. Pinalo ko nga sa ulo. Kung anu-ano kasing pinagsasabi, eh! Lakas ding mangbasag trip, eh. "Hala, sige, alis na!" inis na utos ko sa kanya. Pumadyak-padyak naman siya na parang bata. "Kararating mo pa nga lang, eh, pinapaalis mo na agad ako," he hissed. Mariing napapikit naman ako nang dahil sa sinabi niya. Kung ganito lang din pala ang mangyayari, sana hindi ko nalang siya naging bestfriend. Sakit sa ulo, eh! "Umalis ka na sa kwarto ko kasi kakain na sabi ni Mama," inis na singhal ko. Nanlaki naman ang mga mata niya sa narinig. Tumayo naman siya agad at walang pasabi na hinablot niya ang kamay ko. "Bakit hindi mo naman kasi agad sinabi. Tara na! Kumain na tayo," nakangiting saad nito at hinila niya ako palabas ng kwarto. See!? At home na at home talaga ang kumag na 'to. Feeling niya siya ang nagmamay-ari ng bahay namin. Lupa lang ang kanya. Lupa! Ang yaman-yaman niya dito pa nakikikain sa 'min. "Hi! Tita Sandra, Tito Leo. Makikikain lang po muna ako dito," nakangiting usal nito nang makarating kami sa dining room. Napairap nalang ako nang makita si Mama at Papa na tumawa lalo na't umupo agad si Mavien sa palaging inuupuan nito. "Ano'ng muna? Eh, araw-araw ka na ngang kumakain dito!" I hissed. "Tita, saan niyo po ba ipinaglihi 'tong si Bogs?" Napakunot naman ang noo ko nang tanungin niya si Mama nang ganoon. Naguguluhang tumingin naman si Mama sa kanya. "Sa sampalok. Bakit, hijo?" tanong naman ni Mama. Tumangu-tango naman si Mavien na para bang may nalamang kung anong bagay. "Uh, kaya naman po pala ang sungit-sungit niya. Sampalok pala pinaglihi niyo sa kanya. Akala mo may pms------aray." Sinipa ko nga ang binti niya. Mapang-asar talaga at ako palagi ang pinagtritripan. Bumaling siya sa akin at pinaningkitan ko lang siya ng mga mata. Narinig ko namang tumawa si Mama at Papa kaya mas lalo akong nainis. "Sa susunod nga magdala ka ng bigas mo rito. Mamumulubi kami kapag dito ka palagi kumakain, eh," inis na bulyaw ko sa kanya. Parang batang nag-thumbs-up naman siya sa akin at ngumiti. My Gosh! Wala na bang papangit sa pagmumukha niya? "Yes, Bossing! Areglado!" I rolled my eyes at binalingan nalang ulit ang pagkain sa pinggan ko. Kahit na nasisiyahan ako kapag nandito siya, kailangan ko nang sanayin ang sarili ko na hindi maramdaman ang presensiya niya lalo na't aalis na ako sa susunod na linggo. "Kamusta na ang proseso ng mga dokumento para sa pag-alis mo, anak?" Napahigpit ang pagkakahawak ko sa kubyertos nang marinig ang tanong ni Papa. Binalot ng kaba ang dibdib ko. Papa naman.... Bakit kailangan mo pang e-open-up ang topic na 'yan? Hindi ko pa nga nasasabi sa mokong na 'to na aalis ako. "Aalis ka? Saan?" tanong naman agad ng katabi ko. Nagpakawala naman ako ng isang malalim na buntong hininga. Binigyan ko nang makahulugang tingin sina Mama at Papa. Napatango nalang ang mga ito nang makuha ang ibig kong sabihin. Kaagad na ibinaling ko naman ang tingin ko kay Mavien. "Oo," sagot ko. "Aalis kasi ako sa Friday papuntang Sta. Rosa, Laguna. Inutusan kasi ako ng Boss ko na e-submit 'yong mga dokumento na ipapasa sa main office ng kompanya," I half lied. Hindi pa ngayon. Hindi pa niya puwedeng malaman 'to ngayon. Nakahinga naman ako nang maluwag nang tumango siya sa akin at binalingan ang pagkain sa pinggan niya. "Uh, ganoon ba? Akala ko kung saan ka na pupunta. Hindi mo naman ako iiwan dito, 'diba?" Nagkatinginan naman kaming tatlo nina Mama at Papa habang si Mavien naman ay maganang kumakain ng pagkain na nasa pinggan nito. "Kumain ka na nga lang diyan," kunyaring inis na sabi ko sa kanya. Nang natapos kaming maghapunan ay umakyat agad ako sa kwarto ko. Sumunod naman sa akin ang lalaking 'to. Haysss, minsan talaga parang asong buntot ng buntot sa akin ang isang 'to, eh. Nang tuluyan na kaming makapasok sa loob ay isinara ko ang pinto at hinarap ko siya. "Mavien, hindi ka pa ba uuwi?" tanong ko sa kanya. Umiling lang siya sa akin at naglakad patungo sa kama ko. Ibinagsak niya ang malaking katawan niya doon. Sumunod naman ako sa kanya at tumayo sa gilid ng kama. "Mamaya na. Ayoko pang umuwi sa bahay, eh. Ilang araw ka ba doon sa Laguna?" Nag-iwas naman ako ng tingin sa kanya. Naglakad ako patungo sa harap ng drawer at umupo sa kaharap na silya nito. "Ewan ko," sagot ko. "Siguro mga dalawang araw." "Dalawang araw? Are you kidding me?!" he asked horrified. Napabalikwas pa 'to nang bangon mula sa pagkakahiga niya sa kama. "Mavien, ang dami ko pa kasing aasikasuhin doon kaya ako matatagalan. Dalawang araw lang naman." "Then, what about me?" he asked confused. Mariing napapikit naman ako. Imbis na sagutin ang tanong niya ay iba ang sinabi ko. "Mavien, pwede bang huwag ka nalang ulit pumunta bukas dito sa bahay." "Bakit??" Nagpakawala naman ako nang malalim na buntong hininga. I think I need to say this to him, right now. Kailangan ko lang namang ipaintindi sa kanya ang lahat. "Naisip ko lang naman na siguro kailangan na nating sanayin ang sarili nating hindi tayo naka-depende sa isa't-isa. What I mean is, I think it would be better if we start to parted ways." Napatayo naman ito at nakakunot ang noong bumaling sa akin. "Ano'ng ibig mong sabihin?" nakakunot ang noong tanong niya. "Hindi na tayo puwedeng magkita at hindi na ako puwedeng pumunta dito sa bahay niyo kahit kailan?" "Hindi naman sa ganoon, Mavien. Ang sa akin lang naman ay 'yong once a week o 'di kaya ay twice a month lang tayo magkita." "Are you insane?" he hissed. Nanlalaki ang mga mata niya na para bang hindi makapaniwala sa sinabi ko. Na para bang nakapagsabi ako ng isang nakakahindik na pangyayari. "Mavien...." "No!" Humiga siya sa kama at tinalikuran ako. Tigas ng ulo! Paano ko ngayon sasabihin sa kanya ang pag-alis ko? Nakakainis naman, eh! Bahala na nga. I need to tell him everything right now because I don't want to leave him hanging. "Mavien, ang totoo niyan kasi------" Hindi ko nagawang ituloy ang sasabihin ko nang makarinig kami nang katok mula sa pinto. Bumukas 'yon at bumungad sa harap namin si Papa. "Mavien, hijo, nasa baba ang Kuya Niro mo. Sinusundo ka na yata. Brothers Code daw sabi niya," Dad said. Nanlaki naman ang mga mata ni Mavien sa narinig. "Sige, maiwan ko muna kayo," dugtong ni Dad bago tuluyang umalis. "s**t! Don't tell me nagpapakalasing na naman si Kuya Reigan," bulong niya na narinig ko. Kaagad na binalingan naman niya ako. "Scarlet, ano.... bukas nalang ulit tayo mag-usap. May gagawin pa kasi kami ng mga Kuya ko, eh." "Pero, Mavien----" hindi ko naman natuloy ang sasabihin ko dahil kumaripas na agad siya ng takbo palabas ng kwarto ko. - ♡lhorxie
Free reading for new users
Scan code to download app
Facebookexpand_more
  • author-avatar
    Writer
  • chap_listContents
  • likeADD