Chapter 1

2774 Words
Chapter One: Definition of Love _______________________________________ MONTENEGRO Mansion is breathtakingly beautiful and one of the biggest mansion here in Rancho del Rio who owned by Montenegro. Unang kita mo palang sa lugar na 'to, it shout how filthy rich the Montenegro is. Ito 'yong lugar na kahit ilang ulit ko nang napuntahan ay hindi parin nagsasawa ang mga mata ko sa kakatingin sa ganda nito. Samahan pa nang napakalawak na garden na meron sila at 'yong napakalaking fountain na nakatirik sa harap ng main door ng Mansion. But what excite me more ay 'yong butterfly garden na meron sila sa likod ng bahay. A hundred different kinds and colors of butterfly was inside that certain garden. And it was like a paradise. This whole place is a paradise. "Nandoon sa kwarto niya si Mama puntahan mo nalang. Doon lang ako sa garden dahil dumating na kasi si Kuya Reigan." Napatango nalang ako sa sinabi sa akin ni Mavien. Hindi na naman kailangang ihatid pa niya ako doon dahil kabisado ko na ang buong mansion. Palagi kasi kaming tumatambay dito ni Mavien noon kapag walang pasok sa school. And everytime I am here, hindi ko talaga mapigilang magkaroon ng goosebumps. This place shows how rich they are and how far we are from them. But what's good about them is that they were all down to earth. Hindi sila mga matapobre sa mga katulad namin. And they all have a good heart. They help a lot of people through their charities. Nang makarating ako sa harap ng pintuan ng kwarto nina Tita Belle at Tito Alvaro ay nagpakawala muna ako ng isang malalim na buntong hininga bago kumatok. I knocked the door three times bago tuluyang pumasok. Nahagilap naman agad ng paningin ko si Tita Belle na kampanteng nakaupo sa sofa ng living room ng kwarto nito. Yup, ang bawat kwarto sa mansyon ng Montenegro ay may kanya-kanyang living room maliban doon sa Main Living Room nila sa baba. At oo ganito sila kayaman na halos ang banyo palang nila ay kasing laki lang nang bahay namin. "Good afternoon po, Tita Belle," I greeted. She just smiled at me. Iminuwestra niya ang upuang nasa harap niya. "Have a sit, hija," nakangiting saad nito. Umupo naman agad ako sa upuang nasa harapan ni Tita Belle. I swallow the lump on my throat. Gosh, she's so gorgeous! Kahit may edad na siya ay hindi parin kumukupas ang ganda niya. Inayos ko naman ang salamin ko. "Tungkol po saan ang pag-uusapan natin, Tita Belle?" tanong ko. Kahit na mayroon na akong hint kung ano ang sasabihin niya. "I heard Sanitachi Corporation in Japan offered you a job. Hindi rin naman ako magtataka kung bakit because you have the skills, knowledge and potential as an IT Specialist." Nahigit ko ang hininga ko nang dahil sa sinabi ni Tita Belle. I knew it! They already know. Alam ko namang wala akong kawala sa mga ganitong bagay pagdating sa kanila, they're powerful. "Yes po, Tita Belle. And I accepted the job. Next week na po ang alis ko," pag-amin ko. There's no point in denying dahil alam ko namang kahit ito ay alam na nila. "Does my son know about this?" seryosong tanong niya sa akin. Umiling naman agad ako. "Pero sasabihin ko naman po sa kanya. Naghahanap lang po ako nang tamang pagkakataon. Hindi naman po 'yon mahirap dahil maiintindihan naman po siguro ni Mavien 'yon." Narinig kong nagpakawala nang malalim na buntong hininga si Tita Belle bago bumaling sa akin. "I don't think it would be a good idea if you're going to leave. Mavien is very dependent on you, Scarlet. Nakikita ko iyon sa kanya simula palang noon. Ni walang araw nga na hindi ka niya palaging pinupuntahan sa inyo. Kahit marami siyang ginagawa buong maghapon ay pupuntahan ka parin niya kahit sa gabi para lang makita ka. It's like hindi kompleto ang araw niya kapag hindi ka niya nakikita." It's true. Simula nang maging mag-bestfriend kaming dalawa, wala talagang araw na kinaligtaan si Mavien na hindi kami nagkikita. Kapag busy siya sa buong araw, nagugulat nalang ako kapag gabi na nandoon na siya sa kwarto ko at wala namang ibang ginagawa 'yon kundi ang asarin ako. Hindi ko naman pinapansin ang mga bagay na 'yon kasi parang naging daily routine ko na rin palagi na nakikita ang pagmumukha niya araw-araw. "Hindi naman po siguro big deal ang pag-alis ko, Tita. Nakasanayan lang po talaga ni Mavien na puntahan ako palagi dahil alam niyo naman pong malakas mang-asar ang isang 'yon at ako palagi ang pinag-tri-tripan." Umiling naman si Tita Belle na para bang hindi kumbinsido sa sinabi ko. "I don't think so. Kung hindi ko lang siguro alam na mahal ni Mavien si Sam iisipin ko pang mahal ka ng anak ko." Nanlaki naman ang mga mata ko nang dahil sa sinabi ni Tita Belle sa akin. Umiling naman ako. Although it's so good to hear pero ayokong umasa sa bagay na 'yon. "Po? Hindi po!" I said. "Mag-bestfriend lang po talaga kami ni Mavien at malabong mangyari po 'yon." "Siguro nga. Ngunit hindi na ba talaga magbabago ang desisyon mo, hija?" she asked. "Kung tatanggapin mo lang sana ang offer naming trabaho sa 'yo sa kompanya. We can bigger your salary para huwag kalang malayo kay Mavien." "Pasensya na po, Tita. Pero buo na po ang desisyon ko. And I think it's time for us to try to live on our own without relying from each other para po matutunan din naming maging independent sa isa't-isa." I heard Tita Belle sigh in defeat. Tumayo siya kaya ganoon din ang ginawa ko. Isang tipid na ngiti ang ibinigay niya sa akin. "If that's what you want," malambing na sambit niya. "But please, tell my son about your decision." Napatango naman ako sa sinabi ni Tita Belle. I bid my goodbye before I went to the door. "And Scarlet...." Natigilan naman ako sa pagpihit ng pinto nang marinig ang pagtawag ni Tita Belle sa akin. Napalingon naman ako sa kinaroonan niya at nakita ko siyang ngumiti sa akin. "Just remember, what Mavien's want Mavien's get." Kiming ngumiti naman ako kay Tita Belle dahil sa sinabi niya dahil alam ko naman 'yon at sanay na ako doon. "Not just Mavien, Tita, but your entire son," I said to her. Yup, all of them! Lahat ng anak ni Tita Belle ay mga ganoon. I don't think it so creepy pero 'yon talaga ang pilosopiya ng magkakapatid. Wala pa silang bagay na hindi nakukuha na gusto nila. They always get what they want. Napailing nalang ako nang marinig ang tawa ni Tita Belle. Sure thing, she spoiled his son a lot. Lumabas na ako ng kwarto ni Tita. Hindi ko naman inaasahang nakasalubong ko si Niro. Halata rin ang gulat sa mukha nito pagkakita sa akin. May ngising sumilay sa mga labi nito. "It's been months since the last time I saw you, Scarlet. At wala paring pinagbago, you're still pretty." I just rolled my eyes nang dahil sa sinabi ni Niro sa akin. I don't know if that's an insult or a compliment dahil alam kong wala pa ako sa kalingkingan ng mga babae niya. "Yeah right, Atty. Nicholas Alvaro, A.K.A "Niro" Montenegro," sarcastic na sabi ko. He laughed and show his evil grin. "You're so mean. I'm just praising you, Scarlet," natatawang usal nito habang naglalakad kami pababa ng hagdan. "Yeah right, praise yourself," I said to him. Minsan kasi talaga ay hindi kapani-paniwala ang mga sinasabi niya. Napasinghap ako nang hinila niya bigla ang braso ko nang makarating kami sa unang palapag ng bahay. Inilapit niya ang mukha niya sa tenga ko at bumulong. "I know you love my brother." I can feel his breath hitching through my ears. Promise, swear to God, nagsitindigan ang balahibo ko nang dahil sa sinabi niya. Kung nakakamatay lang siguro ang pagmumura, patay na siguro ako ngayon dahil sa mga murang naiisip ko sa utak ko. Aapila na sana ako nang hindi ko na nagawa dahil may biglang humablot ng braso ko at itinulak palayo sa akin si Niro. Napatulala naman ako. "What do you think you're doing, Kuya Niro?" galit na tanong ni Mavien dito. Nagkibit-balikat lang si Niro at ngumisi sa kapatid nito. "Having fun," he teased. Nakita kong umigting ang panga ni Mavien at kinuyom nito ang kamao. Akmang susugurin niya ng suntok ang kapatid pero pinigilan ko agad ang braso niya. "Calm down, Mavien," pagpapakalma ko sa kanya. Hinaplos ko ang braso niyang sobrang tense. "Leave my bestfriend alone, Kuya Niro," galit na sabi nito sa kapatid. Narinig ko namang humagalpak ng tawa si Niro. "O'common, dude!" Niro exclaimed. "Hindi sa lahat ng oras magkasama kayo ni Scarlet. She has a life of her own. Balang araw magkakalayo rin kayo." "Hindi ako iiwan ni Scarlet! She won't leave me!" Mavien hissed. Impit na napamura naman ako sa isip ko nang dahil sa narinig. This is worst. Binalingan ko naman si Niro na nakangising nakatingin sa akin. I knew it! He knew this as well. "Are you sure? Hindi mo ba talaga iiwan ang kapatid ko, Scar?" mapang-asar na tanong niya. Kung nakakamatay lang ang tingin baka patay na ngayon si Niro sa mga titig ko sa kanya. Napalunok naman ako nang makita kong nakatingin sa akin si Mavien at naghihintay sa magiging sagot ko. "I'm tired. Gusto ko nang umuwi," I said instead and walk away from them. Hindi ko kayang sagutin 'yon. Knowing that what he said is true. Iiwanan ko naman talaga si Mavien dahil aalis ako. "Hindi naman mangyayari ang sinabi ni Kuya, 'diba? Hindi mo naman ako iiwan, 'diba?" Napapailing naman ako nang marinig ang sinabi niya habang nakasunod siya sa akin. I sigh and stop myself from walking just to face him. "Mavein," I said frustrated. I guess this is the right time to tell him the truth. Ipapaintindi ko sa kanya nang husto kung bakit kailangan naming magkalayo. Hindi naman kami mawawalan ng komunikasyon sa isa't-isa. We can still call each other or Skype pero minsanan nalang siguro. I face him straight through his eyes. And I'm about to uttered some words when he talk already. "Sabihin mo sa akin na hindi mo ako iiwan at hindi ka magbabalak umalis o lumayo manlang sa akin. Sabihin mo sa akin 'yon, Bogs!" Nalaglag ang panga ko nang makita ko ang mukha niya. He's trembling. Pakiramdam ko umurong ang lakas ng loob ko. What the hell!!!! ********** KANINA pa nakakunot ang noo ko habang pinagmamasdan si Mavien na nakahiga sa kama ko. Nang inihatid niya ako kanina dito sa bahay galing sa kanila ay akala ko uuwi na ito pero hindi pa pala dahil walang pakundangan na naglakad ito papasok sa loob ng bahay namin at dumiretso sa kwarto ko. "Mavien, wala ka pa bang balak umuwi sa inyo?" hinaluan ko ng inis ang boses ko. It's already past 10 in the evening. Magtatatlong oras na siya dito. Umiling lang ito at mas lalo pang yumakap sa unan ko. "Umuwi ka na!" I hissed. Gabi narin kasi at nag-aalala rin naman ako para sa kanya. Sasakay pa kasi ito ng yate papunta sa kabilang isla, ang Montenegro Island Estate, na pinanggalingan namin kanina. Kahit na malapit lang ito sa Rancho Del Rio na pagmamay-ari rin nila ay hindi ko parin mapigilang mag-alala lalo na't gabi na pero imbis na sundin ang sinabi ko ay bumangon lang siya at agad na hinila ako upang mapahiga din ako sa kama katabi niya. "Mavien, ano ba!" impit na tili ko. He just embraced me and buried his face on my neck. "Can I sleep here?" he asked. Nanlaki naman ang mga mata ko nang dahil doon. "No!" I hissed at pilit na kumawala sa yakap niya pero hindi parin niya ako pinakawalan hanggang sa ako na 'yong tumigil sa kakapiglas sa kanya. "Umuwi ka na, Mavien!" "I'm scared," malumanay na usal nito. Ano? Takot siyang bumiyahe pauwi dahil gabi na? "Takot ka palang bumiyahe ng gabi edi sana umuw-------" "I'm scared if the day will come that you're going to leave me," he said terrified. I can almost feel him shaking. "I...I think I'm going to go crazy if it does really happen," dugtong nito. "Mavien..." I heaved a sigh. I really want him to understand that there are things that can never be remain constant. "Ayoko, Scarlet," usal niya at humigpit ang pagkakayakap niya sa akin. "Alam mo ba, nang sinabi sa akin ni Kuya Niro na balang araw ay magkakalayo tayo, I felt suffocated. Pakiramdam ko nanginig ang kalamnan ko at nanghina ako. Ni kahit kailan hindi nga pumasok 'yon sa isip ko. And when he said those things, it was like a bomb for me who crashed my whole being." I can feel the fear in his voice. "Mag-bestfriend tayo. 'Diba 'yong mag-bestfriend hindi nang-iiwan. 'Diba, Scarlet?"tanong nito. Nagpakawala naman ako ng isang malalim na buntong hininga. Hindi ko alam kung paano sagutin ang tanong niya. Thank God at biglang tumunog ang cellphone niya. Nang marinig ko ang ringtone nito, alam ko nang si Samantha ang tumatawag. That ringtone is specifically made for Sam only. He made it different from others so he could easily identify if it was his girlfriend who is calling. I thought he's going to answer the call but he didn't hanggang sa tumigil na ito sa kakatunog. "Mavien, tumatawag si Sam," puna ko nang muling tumunog ang phone nito. "Hayaan mo na. Titigil din naman 'yan sa pagtawag," parang wala lang na sabi niya na para bang sanay na sanay na ito sa ganoong setup. Tumigil na sa kakatunog ang cellphone niya. Ilang minuto na ang lumipas at hindi na naulit 'yon. "See?" usal niya na para bang tama 'yong sinabi niya kanina. "Ano? Edi tawagan mo na ngayon 'yon," saad ko sa kanya. Umiling naman siya at mas lalong humigpit ang pagkakayakap niya sa akin. "She already knows it." Kumunot ang noo ko nang dahil sa narinig mula sa kanya. I gave him an "enlighten me please look" na mukhang nakuha naman niya ang ibig kong sabihin. "Alam na niya na kapag sa ikalawang tawag niya na hindi ko pa nasasagot 'yon ay tayong dalawa ang magkasama kaya bawal akong abalahin," parang wala lang na paliwanag niya. Nalaglag ang panga ko nang dahil sa sagot niya. "Ano?! Pero girlfriend mo 'yon!" I hissed. Grabe, I can't believe he's saying this things right now. "But you are my bestfriend," he said as a matter of fact. Pilit ko namang kinakalas ang kamay niyang nakayakap sa akin but he didn't let me go. "Mavien, you should call her. Baka may importanteng sasabihin 'yon kaya siya tumatawag sa 'yo." "Oh, common, Scarlet. Mangangamusta lang 'yon. I'll call her tomorrow." Kumunot naman ang noo ko. "Why not call her today?" I asked annoyed. He groaned in frustration and let go of me. "Why are you making it a big deal?" he asked irritatingly. "I told you already, Scar. She already knew it! Kapag hindi ko masasagot ang tawag niya sa ikalawang pagkakataon I'm spending my time with you," he explained. "And it was okay with her?" Kumunot ang noo niya sa tanong ko sa kanya. Gosh! Kung ako ang sa lugar ni Sam, I would be freaking mad at him. Selfish may it seem but that's what would probably I felt. "Of course! Why wouldn't she be?" he asked na para bang hindi niya maintindihan kung bakit ko tinatanong 'yon. "Mavien, tinanong mo manlang ba si Sam kahit minsan kung talaga bang okay lang 'yon sa kanya?" "Why would I ask her? Seriously, Scarlet? It doesn't matter. I already told her about that. What matter is that she already know what to do." Mariing napapikit naman ako nang dahil sa sagot niya. "Mavien, do you really love her?" I asked seriously. Mas lalong kumunot ang noo niya na para bang hindi niya maintindihan kung bakit ko tinatanong 'yon. Dahil kapag ako 'yong nagmahal I wouldn't wait a seconds just to hear the voice of the man I love. "Of course! What's not to love about her?" He asked amazingly. "Bakit mo ba tinatanong 'to? You know it already. Sam is the woman I dream to spend my life with for a lifetime. She's perfect and that's what I love about her." I sigh because of what he said. It hurts hearing all those things from him. I knew it already from the start. I guess everyone has its own definition of love... And I guess for Mavien, love means for him is PERFECTION... While me... love means is HIM.... >>>>>>>>>>>>>>>>>>>>>>>>>>>> - ♡lhorxie
Free reading for new users
Scan code to download app
Facebookexpand_more
  • author-avatar
    Writer
  • chap_listContents
  • likeADD