Chapter Fourteen: Not Giving Up _______________________________________ KAAGAD na nagtungo ako sa kusina upang maghanda ng makakain. Halatang-halata ang pamamaga ng mata ko dahil sa pag-iyak na ginawa ko kagabi. I know I broke Mavien's heart pero 'yon ang alam kong tamang gawin. "Good morning! Mabuti at gising ka na. Kumain ka na." Nanlaki ang mga mata ko nang madatnan si Mavien na naghahain ng pagkain sa ibabaw ng mesa. This is ridiculous! Paano siya nakapasok sa pamamahay ko? Naka-lock naman ang pintuan sa bahay. Gosh! Bakit ko ba nakalimutan na may pagka-akyat-bahay ang isang 'to! "Ano'ng ginagawa mo dito, Mavien?" inis na tanong ko. Akala ko ba malinaw na sa amin ang gusto kong mangyari! I don't want him here! Mas lalong kumunot ang noo ko nang makitang bagong gupit ito at wa

