Chapter Twelve: Doc Rylie _______________________________________ "MANG PILO, magkano po ba ang pakwan niyo dito?" tanong ko sa nagtitinda ng pakwan dito sa palengke. Anim na buwan na ang lumipas simula ng nanirahan ako rito sa Negros. Malaki na ang tiyan ko ngayon. Plano kong magpa-ultrasound sa susunod na linggo upang malaman ang gender ng anak ko. If it is a girl, I want to name her Eira Tazzle Montenegro. If it is a boy, I'll name him Marco Sandros Montenegro. Matagal narin pala akong hindi nakapa-check-up sa OB dahil malayo ang ospital sa bahay na tinutuluyan ko at nahihirapan na akong lumabas, mag-a-apat na buwan na yata no'ng huli kong check-up. Walang nakakaalam kung saan ako pumunta. Even my parents don't have any idea where I am right now. Tumatawag lang ako minsan sa kanila

