Chapter Eleven: Goodbye _______________________________________ KUNG saan akala mo okay na ang lahat. Kung saan akala mo magiging masaya na kayong lahat. Ang lahat ng 'yon ay akala lang pala dahil dumating at bumalik na ang totoong nagmamay-ari sa kanya.. Isang linggo na ang lumipas at hindi man lang ako nagawang kausapin ni Mavien. Parati ko siyang nakikitang nakabantay sa ospital kung saan naka-confine ngayon si Samantha. Everytime I see his face with so much worry for her, I can't help but to get hurt. I don't know what to do anymore. Dahil alam ko unang-una palang wala na akong laban sa isang Samantha Imperial. But what should I do now? Lalo na't buntis pa ako. Natatakot din akong sabihin kay Mavien ang kalagayan ko. Ngayon pa't bumalik na ang babaeng mahal nito. Pinalis ko naman

