Chapter Eight: Tired _______________________________________ "MAMA, Papa, aalis na po ako. May lakad po kami ngayon ni Mavien," I said while plastering a smile on my face. Humalik ako sa pisngi nina Mama at Papa. Mababakas ang disgusto sa mga mukha nila. "Hindi ka man lang ba rito maglu-lunch, hija?" nag-aalalang tanong ni Mama. Umiling nalang ako sa kanya. "Hindi na, Mama. Sabay po kaming kakain ni Mavien." Nabaling naman ang tingin ko kay Papa at sumimangot lang siya sa akin. Alam kong nagtatampo ngayon si Papa nang dahil sa ginawa kong desisyon ngunit pilit niyang iniintindi kung bakit ko 'to ginagawa. "You know what, Scarlet, if he really loves you he wouldn't do such thing like this. This is ridiculous! He is changing you which normally not in your usual self," lintantya ni Pap

