Chapter Nine: Pregnant _______________________________________ TWO DAYS had past after what happened between us in that restaurant. Sa dalawang araw na 'yon ay hindi man lang ito nagpakita sa akin. I guess this is it! We're over. We're totally over. "Anak, hindi ka ba kakain ng dinner?" Mom asked habang paakyat ako ng hagdan patungo sa kwarto ko. Natigilan naman ako at agad na lumingon sa kanya. Nakita ko siyang may hawak na isang platter ng ulam. Umiling naman ako sa kanya. "Hindi na, Ma. Busog pa ako. Matutulog nalang po ako sa kwarto," nakangiting sagot ko. Tumango naman sa akin si Mama at naglakad nalang patungo sa dining area. Alam kong kahit hindi umiimik sina Mama at Papa dito sa bahay ay alam kong alam nilang hindi ako okay ngayon at naiintindihan nilang kailangan ko ng spac

