Bigla namang natahimik si Alli at sinulyapan muna niya si Dana bago sagutin ang tanong ni Marco. Lumapit naman siya ng konti sa binata. “Atin-atin lang ito ha. Huwag mong ipagsasabi. Okay?” tumango naman ang binata. “Alam mo kasi Dana has a Prosopagnosia..Prosopagnosia is a neurological disorder characterized by the inability to recognize the faces of familiar people. It’s also known as face blindness or facial agnosia.” Paliwanag ni Alli. Nanliit naman ang mata ng binata at nangunot ang noo nito sa sinabi ni alli. “Inborn na ba yan sa kanya?” curious naman ng binata. “Hindi. When Dana is 10 yrs. old naaksidente sila ng kanyang kuya while travelling papuntang Pampanga sa hometown ng mama nila. Ilang taon din bago siya gumaling dahil sa Injury na natamo niya sa kanyang ulo at sa sobrang trauma niya. She got that Prosopagnosia from her Traumatic brain Injury. Kaya huwag ka magtaka kung sa susunod na araw ay di ka na naman niya maaalala.” Paliwanag ulit ni alli at napasulyap naman sa gawi ni Dana ang binata. Kaya pala di niya ako maalala. Nakaramdam naman ng awa ang binata sa dalaga. “Pero kung palagian ka niyang makikita ay madali ka lang niyang mare-recognize.. minsan lang kasi kayo nagkikita kaya di ka niya maalala agad.” Dugtong naman ni Alli at napalingon sa kanya ang binata at nginitian ito. “Siya nga pala Marco.. may girlfriend ka na ba? naku..sorry, masyado na akong mausisa.” Ani Alli. “NO. Ok lang.. wala pa akong girlfriend. I mean hindi pa ako nagkaka girlfriend.” Sagot naman ni Marco at napaubo naman si Alli sa iniinom nitong juice dahil sa narinig sa binata at nilingon niya ito. “Seryoso? Sa guapo mong yan? Anong nangyari?” tanong nito. “Well, maybe because i’m busy kaya hindi ko nabibigyan ng time ang mga ganyan. Or baka hindi pa dumarating ang right girl for me.” Sambit ng binata habang nakatingin sa beer sa kanyang harapan. “Until now?” silip naman ni Alli sa kanya at sinulyapan siya ni Marco at sandaling natahimik. “I Think i found the right one.” Sagot ng binata at nilingon si Dana. Kinilig naman si Allison sa Paglingon ng binata sa kanyang kaibigan. Hindi rin naman kasi maipagkakaila ang taglay na kaguapohan ng binata. Ang matikas nitong katawan, ang kanyang magagandang mata, mapulang labi, matangos na ilong at dimples na nagpapadagdag sa kanyang kaguapohan. Samahan mo pa ng kanyang killer smile. Ilang sandali pa ay dumating na ang inorder nilang pulutan. Nagsimula naman silang mag-inuman at magsayawan. Pati si Ella ay nakikisabay na rin sa kanila. Napansin naman ni Marco na hindi umiinom si Dana at nakatingin lang sa kanilang mga kasama na nagtatawanan. Sumasabay din naman siya sa kanilang kwentuhan pero madalas ay tahimik lang siya. Ilang sandali pa ay tumayo ang dalaga at pumunta sa balkonahe sa taas. Nakatingin sa malayo at nilalanghap ng dalaga ang malamig na simoy ng hangin. Sumunod naman si Marco sa dalaga at hindi sila napansin ng kanilang mga kasama dahil busy ito sa kanilang kwentuhan at tawanan. “Hindi ka ba nag-eenjoy sa loob?” tanong ni Marco at napalingon sa kanya ang Dalaga. “Ikaw pala..hindi naman. Gusto ko lang lumanghap ng hangin. Medyo mainit sa loob.” Sagot naman ng dalaga. “Ikaw bakit andito ka? Hindi ka ba nag-eenjoy sa loob?” dugtong nito. Tumabi naman sa kanya ang binata at nakatingin sa magandang tanawin. Nasa taas sila kaya nakikita nila ang buong siyudad. “I’m in dubai last 3 weeks noong fashion show ni Karina. Don’t you remember me?” tanong ni Marco habang nakatingin sa malayo at sinulyapan siya ni Dana na parang nagulat. “Really? Nagkita ba tayo doon?” tanong ng dalaga. “Actually yes. But we didn’t get to know each other dahil sa di inaasahang pangyayari sa dressing room.” Nanlaki ang mata ni Dana ng mapagtantong...iyon yong time na nagkasagutan sila ni Patsie sa dressing room. Biglang nakaramdam ng hiya ang dalaga. “So, you saw us fighting?” mahinang tanong niya. “Yes. Accidentally. But don’t worry wala namang ibang nakaalam non.” Pagsisiguro ng binata. “Paano ka nga pala napunta sa dressing room?” biglang na curious ang dalaga. “I’m with Francis..francis is my friend and he invited me to Karina’s Fashion show.” Paliwanag naman niya at napangiti si Dana. “Nakakahiya nakita mo pa talaga kami sa ganoong sitwasyon.” Patawang sabi ni Dana. “if you don’t mind..Bakit nga pala kayo nag-aaway ni Patsie.? I mean, hindi ba kayo firends like samantha and other models.? Ang alam ko kasi ay magkakaibigan ang mga models kasi laging nagkakasama sa mga shows.” napalingon naman sa kanya ang dalaga. “Kilala mo si Patsie?” humarap naman sa kanya ang binata. “Yes. I know her. But we’re not close.. bihira lang din kasi kami magkita.” Sagot nito. “Ohhhh.. what a small world.. Actually, I, patsie and her Friend Maxine were rivals since college until now.” Nagsalubong naman ang kilay ni Marco ng marinig ang pangalan ni Maxine. Alam niyang magkaibigan si Patsie at Maxine kaya alam niyang ang kapatid nito ang tinutukoy ng dalaga. “Maxine? Maxine Sandoval?” tanong niya sa dalaga. “Yes. That b***h Maxine Sandoval.. i don’t know kung anong problema niya sa akin at lagi niya akong inaaway. Wala naman din akong pakialam sa kanya.” Natahimik naman ang binata sa sinabi nito. Why did maxine hate her? Sa isip niya. nilingon naman siya ni Dana. “but don’t mind it. Change topic na lang. Ayoko rin pag-usap ang tungkol sa kanila dahil nasisira ang mood ko.” sambit ni Dana at ngumiti ng tipid sa binata. Nakatingin lang si Marco sa dalaga habang napapaisip. She hates my sister at kapag nalaman niyang magkapatid kami ay siguradong hindi na niya ako kakausapin pa. Sa isip ni Marco. “May problem ba? is there something sticking on my face?” napatigil naman ang binata sa kanyang pag-iisip ng magtanong ang dalaga. “Nothing. May bigla lang akong naisip.” Tugon ng binata. Ilang oras din silang nagkwentuhan pa ng dalaga hanggang sa sumapit na ang alas dos ng madaling araw at lasing na ang mga kasama nila sa loob ng pumasok sila. “Oh my god! They’re all wasted. Paano uuwi ang mga ito?” sambit ni Dana at nilingon ni Marco ang kanyang pinsan na lasing na rin. At napapailing na lang siya. Lumapit naman sa kanila si Abbie. “Ako na ang maghahatid sa kanila dahil hindi na rin nila kayang magmaneho sa ayos nila. Sumabay ka na lang ky Marco pauwi Dan. Okay lang ba sayo Marco?” si Abbie. “Oh yeah Sure..ako na maghahatid sa kanya.” Tugon naman ni Marco. Kinuha na ni Dana ang kanyang gamit at pinasan na rin ni Marco ang kanyang pinsan na sobrang lasing na. Sa backseat na niya pinahiga si Ella at sa frontseat na si Dana. Nilingon naman ng dalaga ang lasing na si Ella. “Ang lakas pala uminom ng pinsan mo.” Pansin ng dalaga at sinulyapan siya sandali ni Marco. “Yeah.. ganyan talaga siya pero minsan lang niya yan nagagawa dahil pinapagalitan siya ng parents niya.” napangiti naman si Dana. “Strict ang parents..” tugon ni Dana at pareho silang tumawa. Napatingin naman ang binata sa dalagang nakangiti. It’s the first time i saw her laughing..she’s even more beautiful. Mabilis nilang narating ang bahay ng dalaga at nagpaalam na ito. “Thanks for the ride Marco.” “You’re welcome.. go in now.” Tugon ng binata. “It’s ok.you should go first.” Si dana. “Go in first.” Pilit ni marco at napangiti ang dalaga. “Okay. Ingat kayo.” Tumalikod na rin ang dalaga na nangingiti at pumasok na sa gate. Pinapasok muna ni Marco ang dalaga sa kanilang bahay bago siya umalis. Nakangiti naman habang nagmamaneho ang binata dahil nakasama nito ang dalaga. Pinagbuksan naman ni Jelly ng pintuan si Dana. “Thanks Jelly.” Nakangiti naman habang paakyat sa hagdan si Dana at nagtataka si Jelly sa kanyang Amo. “Mukhang ang saya niya ngayon.” bulong ni Jelly sa kanyang sarili at pumasok na sa kanyang kwarto. Pagpasok naman ni Dana sa kanyang kwarto ay naupo siya sa kanyang kama na nakangiti. Maya-maya pa ay hinawakan niya ang kanyang mukha. “Stop this dana..” tumayo na rin siya at nagpasyang maligo at ng makapagpahinga na. Pagdating naman ni Marco sa kanilang mansyon ay dahan-dahan niyang pinasan si Ella papunta sa kwarto nito. Tinulungan siya ng kanilang kasambahay na palitan ng damit ang dalaga at agad na siyang tumungo sa kanyang kwarto. Napahiga siya sa kanyang kama at nakangiting iniisip ang masayang usapan nila ng dalaga. Sandali pa siyang nakangiti ng maisipan niyang maligo na. Pagkatapos niyang maligo ay bumaba siya sa kitchen para kumuha ng tubig ng madaanan niyang bukas ang ilaw sa Dining area. Sinilip niya kung sino ang tao doon at nakita niya ang kapatid niyang si Maxine na nagpapakalasing. “It’s nearly morning at umiinom ka pa din. May problema ba?” tanong ng binata sa kanyang kapatid. Napa-angat naman ng tingin si Maxine sa kanyang kuya. “Alfred don’t love me anymore kuya..” tugon ng dalaga na umiiyak at nakatingin lang sa kanya ang kapatid. “Hindi pa rin ba kayo nag-uusap?” natatawa namang umiiyak si Maxine. “I saw him. Staring at someone else. And he likes her kuya.. he told me that he liked that woman.” At ininom ulit nito ang baso ng wine na hawak nito. “Someone else? Who do you mean?” tanong ng binata. “That Dana Dela Fuente kuya.. Alfred likes her.” Nagulat naman si Marco sa sinabi ng kapatid. Kaya pala iba kung makatingin si Alfred kay Dana dahil may gusto ito sa kanya. Hindi naman impossible ang magkagusto kay Dana dahil sa taglay nitong kagandahan. Pero hindi pwedeng si Alfred dahil nobyo siya ng kanyang kapatid. Bigla nitong naalala na hindi maganda ang relasyon ni Maxine kay Dana at mas lalong lalaki ang away nila ngayong gusto ni Alfred si Dana.. hindi pwede ito. Sa isip ni Marco. Iinom pa sana si Maxine ng pigilan siya ng kanyang kuya. “Enough Max. Matulog ka na. Bukas na tayo ulit mag-usap.” Utos ng kanyang kuya pero nagpupumilit pa rin ang dalaga. “I said enough Maxine..” napatingin naman sa kanya ang dalaga at inis na tumayo. Tinawag naman ni Marco ang kanilang kasambahay para tulungang umakyat sa kanyang kwarto si Maxine at agad namang tumugon ang kanilang kasambahay. Kumuha naman ng tubig na maiinom si Marco sa fridge at napasandal sa corner ng table. Hindi pwedeng mangyari ito. Alfred is hurting my sister and he likes Dana.. I’m not gonna let this happen.. babasagin ko ang pagmumukha ni Alfred kapag sinaktan niya ang kapatid ko. at hindi ako papayag na agawin niya si Dana.. i won’t let this happen. Never!. Sa isip ni Marco habang iniinom ang kanyang tubig. Kinabukasan paggising ni Marco ay agad siyang bumaba para mag-almusal at nadatnan niya sa Dining ang kanyang mga magulang pero wala pa si Maxine at Ella. Siguro ay natutulog pa rin ang mga ito sa sobrang kalasingan. Lumapit naman sa table si Marco at humalik sa kanyang mommy. “Good morning beautiful. Good morning dad.” at umupo sa kabilang side ng table. “You don’t need to be charming with me marco. Are you thinking of covering up your wrong doings right?” mom said at napatingin ako sa kanya habang nagsasandok ng kanin. “What did i do wrong mom?” pagkukunwari niya. “No need to pretend to be innocent anak. Yesterday night, what time you came back with ella?” singit ni Dad. “Well.. it’s not late dad. It’s just 2am.” Pangiting tugon naman ni Marco at nagulat ang kanyang mommy. “2am? and you still say it’s not late? At dinamay mo pa ang pinsan mo.” Mom scold me. “Ok, ok mom. I’m sorry. It’s just nearly morning. Napasarap lang ang inuman kasama ang mga kaibigan namin.” Depensa ng binata at napapailing lang ang kanyang ama at galit na ang mukha ng kanyang ina. “Dad! Please help me.” Lingon nito sa kanyang ama. “Don’t ask help to me marco. No matter what i’m siding with your mom. Baka malintikan pa ako sa mommy mo.” Tugon ng kanyang ama at napasimangot ang binata. “Your dad and I agreed already. That we must take care of you once and for all. At your age, you can have wife and children already and stop fooling around anak.” Sambit ng kanyang ina at napatingin siya rito. “Mom.. you want me to get married?” Napahinto naman siya sa pagsubo. “Ofcourse! You’re not getting any younger Marco.” Tugon ng ina. “Then, you have a bride for me already?” tanong nito dahil kung irereto nila ito sa ibang babae ay hindi ito papayag. “Ofcourse we have. I’m going to ask Ferdie for his Daughter to be my daughter in law by myself. Me and your mom like that woman and you can trust that you will like her too.” Dugtong ng kanyang ama at may lihim na saya sa kanyang puso dahil ang babaeng gusto niya ay gusto rin ng kanyang mga magulang. “Mom, dad.. no need to do that. Just let me find my bride to be. please! just leave it to me.” Pakiusap naman nito para hindi mahalata ng mga magulang ang kanyang plano. “Ok. I will be giving you 100 days to find a bride. Kapag wala kang maiharap sa amin ay kami na ang maghahanap ng mapapangasawa mo.” Kondisyon naman ng kanyang ama at sumang-ayon naman siya. “Ok dad.” Sagot niya sa ama kahit na hindi siya sigurado sa loob ng 100 days na iyon. I’m dead! sa isip nito at nagpatuloy na sa pagkain.