Chapter 15

2456 Words
Nakakunot-noo namang nakatingin si Dana sa binata. Nginitian naman siya nito pero blanko pa rin ang reaksyon ng dalaga habang nakatitig ito sa binata. Agad naman lumapit si Diana sa kanya. “Ano ka ba Dana..di mo na naman ba siya naaalala? Siya yung tumulong sayo sa batangas nong hinimatay ka sa daan.” Bulong nito kay Dana at biglang naalala nito ang nangyari at napatingin sa binata. “Sorry hindi agad kita nakilala.“ nakangiti namang sabi ni Dana habang nananatili lang nakatingin sa kanya ang binata kasama si Ella. “It’s ok..” tugon ni Marco. This is the second time na hindi niya ako naaalala. Baka dahil sa sobrang busy niya kaya madali lang siya makalimot ng itsura ng tao. Sa isip ng binata. “Ms. Dana pwede po ba akong magpa-picture sayo?” tanong ng dalagang si ella habang hawak nito ang kanyang cellphone. “Sure, sure.” Tugon naman ni Dana at napapatalon sa tuwa ang dalaga. “Kuya, pasuyo naman oh. Picture mo kami ni Ms.Dana..please!” suyo nito sa kanyang kuya at tumugon naman ito. Humawak sa balikat ni Ella si Dana at humawak naman si Ella sa beywang ni Dana at kinuhanan na sila ng binata ng litrato. “Kuya, kayo naman ni Ms. Dana..akin na ang phone at pipicturan ko kayo.” Bumitaw naman si Ella at kinuha ang kanyang cellphone at itinulak ang kanyang kuya. “Anong ginagawa mo?” bulong ng binata sa kanyang pinsan. “sige na kuya..dali na! Opportunity na yan na makapagpapicture ka sa kanya..dali na, wag na maarte.” Itinulak na ni ella ang kanyang kuya kaya wala na itong nagawa. Nakangiting nakatingin naman sa kanya si Dana at pilit na ngiti na lang ang binata dahil nahihiya ito sa ginawa ng pinsan. “Can i take a photo with you?” tanong ni marco sa dalaga. Tumango naman si Dana. “Yeah, Sure..” tumabi na rin si Marco kay Dana para magpapicture. “Kuya closer pls..”  utos ni Ella dahil masyadong malaki ang espasyo sa pagitan nila. Sumunod naman ito at lumapit ng konti kay Dana. “Closer pa kuya. Ang laki pa ng space sa pagitan niyo ang pangit tingnan sa picture.” Utos ulit ni Ella. Kinikilig namang nakatingin si Diana sa dalawa habang hawak nito ang Bouquet. Lumapit naman ulit si Marco at halos magkadikit na silang dalawa. Napatingin naman sa kanya si Dana at nilingon naman siya ni Marco kaya nagkasalubong ang kanilang tingin. Agad na nag click si ella ng kanyang phone para ma capture ang moment na yon na nagkatinginan ang dalawa. Kinikilig na kumukuha ng litrato si Ella sa kanila. Tumingin naman sila ng diretso kay ella para sa litrato. Ilang sandali pa ay lumapit na si Dino sa gawi nila at agad na ngumiti ng makilala si Marco. “Sir Marco.. I’ts nice to see you again. Nanood ka ba sa show? Mahilig ka rin pala sa mga ganitong events?” sambit ni Dino at kinamayan naman siya ni Marco. “Yeah.. sometimes. Ella wants to watch the fashion show kaya pinagbigyan ko na lang. Kakarating lang din kasi niya ng bansa.” Tugon naman ni Marco at inakbayan si Ella na ngumiti rin sa kanya. Nginitian din naman siya ni Dino at inoobserbahan ang dalaga. Mukhang girlfriend niya nga itong  kasama niya. ang sweet nila eh. Tsaka maganda naman ang babae kahit mukhang ang bata pa ng itsura.  Sa isip ni Dino..“Napakaganda naman ng girlfriend mo Sir Marco..” ani Dino at nagkatinginan sina Ella at Marco. Natigilan din si Diana at Dana sa sinabi ni Dino. Bigla namang napangiti si Marco sa sinabi nito. “Ella is not my Girlfriend. She’s my cousin.“ paliwanag ng binata at napanganga naman si Dino at napatingin naman si Dana at Diana sa binata. “Ohhh..I’m sorry. I thought she’s your girlfriend.” Paumanhin naman ni Dino at ngumiti naman si Ella.  “By the way.. aalis na ba kayo? Sabay na kayo sa amin. Magce-celebrate kami sa Bar ng kaibigan ko para sa success ng show.” Yaya ni Dino kina Ella at Marco. Natuwa naman si ella sa narinig. “Sure..sasama kami ni kuya. Di ba kuya?” sabay tingin naman ni ella sa pinsan at ngumiti naman ito. “Sige ba..” tugon ni Marco at napatingin naman siya sa dalaga. “So, shall we?” yaya ni Dino at lumapit na siya kay Dana para alalayan ito. “Si Allison?” tanong ni Dana. “Nauna na sila sa Van, naghihintay na sila doon. Let’s go.” Tinungo na nila ang parking area at kasunod lang nila ang magpinsan. Pagdating sa Parking area ay bumaba si Allison ng makita ang binatang kasama nila Dino at sinalubong sila. “Bakit magkasama kayo Mare?” bulong ni Alli  at nilingon ang binata para ipakilala sa kanya si Alli. “Siya nga pala Sir Marco. Siya si Allison, kaibigan namin ni Dana. Siya ang designer ng Imperial Clothing line na sinuot ni Dana kanina at siya rin ang may-ari.” Proud namang pagpapakilala ni dino sa kaibigan. “Nice meeting you Ms. Allison. You’re designs are all amazing. Congratulations.” Bati naman ni Marco habang kinamayan si Allison at tinugon naman iyon ni Alli na nakangiti. “Thank you sir and nice meeting you too.” Tugon ni alli. “Marco na lang itawag niyo sa akin. Masyado namang formal ang Sir Marco.” Sambit ng binata habang nakatingin sa kanila. “And this is my Cousin Ella.” Dugtong naman ng binata at nginitian sila ni ella. “Hi ella.. ang ganda mo naman.” Puri ni alli dito. Lumapad naman ang ngiti ni ella ng puriin siya ni alli. “sasama ba kayo sa amin? Tara..” tanong ni Alli. “oh yes. I invited them.. tara na at mukhang naiinip na si Madam.” Bulong ni Dino kay Alli at narinig iyon ni Marco kaya napalingon siya sa katabi ni Diana na si Dana habang nakatingin sa kanyang phone at walang kibo. Nagtaka si marco sa reaksyon ni Alli na nagmadaling sumakay sa van na mukhang nataranta. Nilapitan naman ni Dino si Dana at inaya na sumakay sa van. Pagsakay ng dalaga sa van ay binalingan ni Dino ang binata. “sunod na lang kayo sa amin? May sasakyan ba kayong dala?” he ask Marco. “Yes. I have my car. Sunod kami sa inyo.” Sagot naman ni Marco at agad din silang sumakay at umalis ng building. Umalis na rin ng building si Maxine at Dumiretso sa Condo ng kanyang kasintahan para kausapin ito. Habang si Alfred naman ay bumabiyahe na pabalik ng kanyang condo. Pagdating niya sa kanyang unit ay nagulat siya ng madatnan si Maxine na nakaupo sa Couch at may hawak na baso ng wine. “What are you doing here Max? Akala ko ay nasa venue ka pa.” Tanong ng nobyo at lumapit sa kanya. “Umalis na ako doon dahil nasusuka na ako sa tanawin.” Tugon naman nito na hindi tumitingin sa kanya at ininom ang laman ng hawak niyang baso. Napakunot noo naman ang binata. “What are you saying?” tanong ulit nito habang nakatayo sa gilid ng couch. Nilingon naman siya ni Maxine at ibinato ang hawak nitong baso at nabasag sa sahig. Napapikit na lang ang binata. “Really alfred? You didn’t know?” pasigaw namang sabi ng dalaga. “You think i didn’t saw you? The way you looked at Dana? Alfred.. andun ako. Ako ang girlfriend mo pero mas ginusto mo pang panoorin si Dana kaysa ang kamustahin ako. Do you like her?” nanginginig at naiiyak na si Maxine habang kaharap ang kanyang nobyo. “Max, you’re drunk.” Pigil naman ng binata. “NO Alfred..hindi ako lasing at alam ko ang sinasabi ko. answer me Alfred. Do you like her?” hindi naman agad nakapagsalita ang binata sa tanong ng kanyang nobya. Ilang sandaling natahimik ang binata at nakatitig lang sa nobya. “Silence means Yes.” Sambit ng dalaga sabay tulo ng kanyang luha. “Damn you, damn you Alfred..why are you doing this to me?” galit na galit na pinahahamaps ng dalaga ang kanyang nobyo at pinipigilan naman siya ng binata. “stop it Max.” Saway ng binata pero patuloy pa rin ang dalaga. “I said stop it!” sigaw ng binata habang hinawakan ng malakas ang dalawang kamay ng dalaga. Nagulat naman si Maxine sa pagsigaw ng kanyang nobyo at napahinto dahil ito ang unang beses na sinigawan siya ni Alfred. “Stop this Max.. lasing ka na. Ihahatid na kita sa inyo. Mag-usap na lang yao ulit kapag hindi ka na lasing.” Sabay bitaw ng binata sa kamay nito at tumalikod na paharap sa pinto. “NO! I’m not going home until you’re not telling me the truth.” Sagot naman ng nobya pero hindi nagsalita ang binata. “Fine. Ayaw mo akong sagutin? Sige.. tingnan natin. I will make that woman’s life miserable for taking my property.” Dugtong ng dalaga at nagsalubong ang kilay ng binata sa sinabi ng dalaga at hinarap siya. “Property? I’m not your property Max? Are you really that desperate to beat Dana, that’s why you’re using me as an excuse?. I know you don’t like her and you hate her Max. I can see it through your actions... You know what? Let’s give ourselves space because it’s too suffocating for us if we always fight Max.” Di na napigilan pa ni Alfred ang kanyang inis sa nobya. “Are you breaking up with me?” napatingin naman ng diretso sa kanya ang binata. “It’s just Cool-off Max.. we need this para makapag-isip tayo ng maayos. Di na healthy ang relationship kung lagi tayong ganito.” Sagot naman nito. “Tara na..ihahatid na kita sa inyo.” Napaluha naman ang dalaga sa sinabi nito. “Cool-off? Why alfred? Para malaya kang makipaglandian kay Dana? Para hindi kita mapakialaman sa mga gagawin mo? NO! I won’t let that happen. And whoever dares to seize you, i will kill them.” Galit namang sambit ni Maxine at napalingon sa kanya ang binata na salubong ang kilay at napapanganga. “Are you crazy? You know what, Let’s end this Max. I’m tired of your behavior.. you’re really pushing me to like Dana than you.” Galit na ang binata at di na ito makapagpigil sa ugali ng kanyang nobya. “So, you’re admitting that you like her?.” Napahawak naman ang isang kamay ng dalaga sa kanyang noo at ang isa ay sa kanyang beywang at tumawa ng malakas. “You like her?..yeah..i’m right..you like her. Fine!” tumalikod ang dalaga para kunin ang kanyang purse sa couch at lumapit sa nobyo. “You will regret this Alfred.” Bulong nito at agad na lumabas ng kanyang unit. Naiwan namang nakatayo lang ang binata at hindi na nilingon pa ang umalis na nobya. Napa-upo na lang siya sa couch at napahilamos sa kanyang mukha. * Isang oras din ang binyahe ng convoy nila Dino at Marco ng makarating sila sa Bar ng kaibigan ni Dino. Agad silang bumaba at dumiretso na sa loob. Sinalubong naman sila ng kaibigan nitong si Abbi. “Dino.. mabuti naman at bumalik kayo dito. Matagal na rin nung huli kayong pumunta dito ng grupo mo.” Salubong nito at humalik kay Dino. “Pasensya ka na. Alam mo naman masyadong busy. Siya nga pala may bago kaming kasama. Bagong kaibigan. Si Marco at Ella.” Tugon ni Dino. “Marco, ella. Siya si Abbi bestfriend ko since Highschool.” Pakilala naman nito kay Abbi at nagkamayan sila. “sige pasok na kayo at pinareserve ko na ang spot niyo sa taas.” Yaya naman ni abbi at pumasok na kaming lahat. Dumirertso na kami sa sinabi ni abbi na spot at umupo. Si Dino na ang nag-order ng food at drinks. Parehong pahaba ang magkaharap na upuan sa table nila at tabing umupo si Ella kay Dana at sa gilid naman ni ella si Marco. Masayang nag-uusap naman si Ella at Dana habang si Marco naman ay kinakausap ni Alli. Kanya-kanya namang biruan ang iba nilang kasama. “Dito ka rin ba nakatira sa Manila?” tanong ni alli sa binata. “Yes. Sa Marikina ang bahay namin.” Sagot ng binata at nagtaka si Alli bakit ang sabi ni Dino ay taga Batangas ito. “So, taga marikina kayo? Nabanggit sa akin ni Dino na sa batangas ka nila nakilala sa mismong bahay mo.” “Oh yes. May penthouse ako sa batangas. I build it 6 yrs.ago. minsan ay doon ako nagpapalipas kapag gusto ko mag-unwind. Pero taga Marikina talaga kami.” Paliwanag naman nito. “Ganoon ba? kaya naman pala. Parang ngayon lang kita nakita sa mga events. Madalas ka ba manood ng fashion show?” usisa ni Alli. “Hindi naman masyado. Ngayon lang din ako nagagawi sa mga ganitong shows simula lang nang umuwi ako dito sa pilipinas.” “Galing ka ng ibang bansa? So, kakabalik mo lang pala dito?” si alli. “Yes. I stayed in Italy for 10 yrs. doon na ako nag-aral ng High school at college. Pero umuuwi din naman ako dito sa pilipinas twice a year.” “Wow. May negosyo ka ba doon?” napapangiti naman ang binata sa sunod-sunod na tanong ni Alli. “Naku, pasensya ka na kung ang kulit ko.” hiyang nakangiti naman si Alli. “No, it’s ok.. actually, my family runs a hotel and resort in Italy kaya tumira ako doon to manage our business. Pero sa ngayon ay ang katiwala namin ang kasalukuyang nagma-manage dun dahil may mga ibang works na kailangan asikasuhin dito.” Tumango-tango naman si Alli. “Businessman ka pala.” Tugon nito at tumnago naman si Marco. Maya-maya pa ay bumalik na sa kanilang pwesto si Dino na may kasamang lalake. “Hi everyone.” Bati ng binata. “Hi.” Sagot naman ng mga ito maliban kina Ella at Marco pati na rin si Dana na nakatitig lang sa binata. “Hi Dana..it’s been a while..kamusta?” bati naman nito sa Dalaga pero kunot-noo lang ito sa binata. “Who are you? Do i know you?” tanong nito at napatingin kay Dino ang binatang kasama nito na nagtataka. “Ahhhh Dana.. don’t you remember Tristan? Siya yong partner mo sa music video sa EZ entertainment.” Paliwanag naman ni Dino at napatingin si Marco kay Dana na mukhang hirap na alalahanin ang kasama ni Dino na lalake. Ganito ba talaga siya lagi? Hirap makaalala ng mukha ng tao? Tanong ni marco sa kanyang isip habang tinitingnan ang dalaga. “Ganoon ba? i’m sorry di kita agad nakilala.. ok naman ako. Ito busy sa career. Ikaw?” pagkukunwari ni Dana na naalala na niya ang binata pero ang totoo ay hindi niya ito maalala. “Ganoon pa rin. Nasa entertainment pa rin. Sana magkatrabaho pa tayo ulit” tugon naman ng binata. “Yeah.. sana nga. Are you alone?” tanong ni Dana. “NO. I’m with my Friends.” Tumango naman si Dana at tipid na ngiti. “So, paano balik na muna ako sa table namin. Dumaan lang ako to say “Hi.”. “ Paalam ng binata. “Ok.” Tugon naman ni Dana at nagpaalam na ito sa mga kasama nila. “Ahhh..Alli, pwede ba akong magtanong?” bulong ni Marco at napatingin naman si Alli sa kanya. “Madalas bang ganyan si Dana? I mean..bakit madali siyang makalimot sa mukha ng mga tao. Kasi ako dalawang beses na kami nagkikita pero di niya ako naalala agad kapag nagkikita kami ulit.” Curious na tanong ni Marco.
Free reading for new users
Scan code to download app
Facebookexpand_more
  • author-avatar
    Writer
  • chap_listContents
  • likeADD