Chapter 14

2502 Words
10am ng tumawag si Dino sa akin para gisingin ako. Napadilat naman ako sa tunog ng cellphone ko at sinagot. “Yess..” habang nakapikit pa ako. “Wake up sleeping beauty..remember, bawal tayo ma-late. Bumangon ka na d’yan at dadaanan kita at baka ma-traffic ka na naman sa daan. Kailangan mo pa magpaganda.” Utos nito. “Ok..sige na..” pinutol ko na rin ang tawag at dahan-dahang bumangon. Tumayo na rin ako at nag exercise ng kaunti bago ako naligo. Pagkatapos kong maligo ay nagsuot na ako ng damit at hindi na ako naglagay pa ng kolorete sa mukha. Kinuha ko na ang gamit ko at bumaba na dahil nagtext na si Dino na malapit na sila sa bahay. Pababa na ako ng hagdan at nakita ko sila mama na naghahanda na ng Lunch.. “Anak, aalis ka na ba? hindi ka ba muna kakain?” tanong ni mama. “Hindi na ma. Doon na lang kami kakain sa event. Baka ma-traffic po kasi kami. Mauna na po ako.” Paalam ko at humalik na ako kila mama at papa saka tinungo sa door. Sakto namang kakarating pa lang ng sasakyan ni Dino. Sa mansyon naman ng mga Sandoval ay maagang umalis si Maxine para mauna sa venue para asikasuhin ang mga designs niyang gagamitin ng ibang model pati na rin ni Kamila. Si Marco naman at Ella ay naghahanda na rin para sa show mamaya. Pagdating nila Dana sa venue ay dumiretso na sila sa Dressing room at nadatnan na nila doon ang mga models. Tinungo naman ni Dana ang kanyang pwesto kung saan nakalagay ang kanyang mga gagamiting dress. Andoon din si Allison at Diana na nagbabantay sa kanyang gamit. Sa kabilang dressing room naman naka pwesto si kamila kasama si Maxine. Bago inayusan si Dana ay kumain muna siya dahil wala itong breakfast at lunch. Eksaktong 3pm ay inayusan na si Dana ganoon din ang ibang models. Saglit na tumayo muna ang dalaga para tumungo sa Comfort room. Pagkalabas ni Dana sa comfort room ay bigla siyang pinatid ni Kamila at muntik ng matumba. “Ooopss sorry!” pang-iinis naman ni kamila. magsasalita sana si Dana pero hindi niya natuloy dahil biglang may dumating na babae para gumamit ng comfort room. Sumabay naman si kamila pumasok sa babae at inabangan na lang siya ni Dana sa pintuan ng dressing room dahil dadaan din naman si kamila doon papunta sa kanilang dressing room. Pabalik na ng kanilang dressing room si kamila ng harangin siya ni Dana. “Are you playing with me?” i ask “What is it Dana?” pagkukunwari naman ni Kamila at saktong may dalawang model na lumabas sa kwarto nila Dana. “You kicked me intentionally, i’m not a fool.” Inis kong sabi sa kanya. “It was an Accident Dana. Sorry about that.” Malumanay namang sabi ni Kamila dahil may ibang taong nakakarinig sa kanila. Napatawa naman si Dana sa sinasabi ni kamila at lalong nainis lang ito. “Ohhh Stop pretending. you make me want to vomit.  Hindi bagay sayo.” napataas naman ang isang kilay ni kamila at napatayo ng tuwid. Lumapit naman ang dalawang modelo kay Dana.. “Dan...Calm down. Let’s talk nicely. May ibang taong nakatingin.” Sambit ng kasama nitong modelo. Napatingin naman sa modelo si Dana.. “How can i calm down? She played me. What if I fall down and break my bones? Who will take responsibility?” napatingin lang sa kanya ang modelo. “You didn’t break any bones Dana. So stop overreacting. Kung nakatingin ka lang sana sa dinadaanan mo.” Kamila said and she rolled her eyes na siyang nagpagigil kay Dana. “She is right, Dana..” biglang singit naman ni Maxine na nasa likod ni Dana  at napalingon naman siya dito. agad na lumapit naman si kamila kay Maxine. “Ohhhh..no wonder the puppy dares to act because the mother is barking behind it.” Nainis naman si maxine sa sinabi ni Dana. Ngumiti ito at kunwaring hindi naapektuhan. “Don’t be so quick to cast blame Dana. Kamila said that It was an accident. Do you want everybody to think that you made a mistake because of your negligence?” nakangiting sabi naman ni maxine dahil may mga taong nakatingin sa kanila. “Ooohh Maxine.. Stop acting like you’re a good person. I know you. You will use dirty methods just to get revenge. And you Kamila, watch your move because you’re in a wrong way. And you won’t like it when I get angry.” Huling sabi ni Dana at umalis na kasama ang dalawang modelo. Naiwan lang na nakatingin ang dalawa na inis na inis. Padabog namang pumasok sa dressing room si Maxine kasunod nito si Kamila dahil hindi man lang ito nakapuntos kay Dana. Si Marco naman at ella ay naghahanda na para sa pagpunta sa show. Suot ni Ella ang pinahiram ni Maxine sa kanya na white beaded dress at si Marco naman ay naka terno maroon Suit na lalong nagpalutang sa taglay nitong kaguapohan. “Nakss! Ang guapo mo naman kuya sa suot mo.” Puri ni ella. “Ok ba? bagay ba sa akin?” tanong naman ng binata. “Ok na ok kuya. Mas lalo ka ngang gumwapo. Naku, pag nakita ka ng mga girls siguradong pag-uusapan ka nila.” Sagot ni ella at napangiti naman ang binata. “Let’s go. It’s already 5:30 PM at baka ma-traffic tayo.” Yaya ng binata sa pinsan at umalis na rin sila. Paalis na rin ng kanyang condo si Alfred para pumunta sa Show para suportahan din ang kanyang girlfriend na si Maxine at the same time ay para makita na rin si Dana.. nagsisiratingan na rin ang mga bisita at media sa venue at busy na rin lahat ng staffs ng events. Naka-ready na rin ang lahat ng Models. “Naku Mare..nakakatuwa naman ang daming dumalo sa event.” Sambit ni Dino kay allison habang nakasilip sila sa backstage. Maya-maya pa ay dumating na si Alfred at sinalubong ng kanyang mga kakilalang businessmens. “Mare.. hindi ba’t siya ang boyfriend ni Maxine? Bakit magkasama si Dana at yang lalake na yan sa picture? ” tanong ni Allison at napatingin naman si Dino. “Oo nga..sandali, paano nga ba sila nagkakilala ni Dana? Naku, masamang pangitain ito.” Sambit naman ni Dino at napapatingin lang si Allison kay Dino. Nahagilap naman ni Dino na may dumating na binata na may kasamang babae. “Sandali..mukhang familiar sa akin ang lalakeng naka Maroon suit.” Napapaisip naman si Dino kung saan nga ba niya nakilala ang binata. “Ay oo nga pala. Naalala ko na..siya ang lalakeng nagligtas kay Dana sa Batangas..bakit siya nandito? Akala ko ba ay taga batangas siya?” taka naman ni dino at napapatingin lang sa kanya si Allison. “Pero in fairness Mare ah..ang guapo at ang hot.” Pansin naman ni Allison sa binata at napalingon sa kanya si Dino at itinuon ulit ang pansin sa binata. “Sabagay, tama ka. Guapo nga siya at ang hot. Idagdag mo pa Mare..mukhang ang yaman. Nung sinundo namin si Dana sa bahay niya..naku, ang laki Mare..” dugtong naman nito. “Talaga Mare? Bakit di niya na lang kaya niya ligawan si Dana? Total e pareho naman silang mayaman at may sinabi ang mga itsura.. kaya lang...sino yang kasama niyang babae?” tanong ni Allison. “Oo nga..baka girlfriend niya. pero parang ang bata pa ng itsura.” Napapaisip naman silang dalawa ng biglang lumapit sa kanila si Chloe. “huyy..anong ginagawa niyong dalawa d’yan? Mag prepare na kayo. Within 30mins. Ay mag-uumpisa na tayo.” Paalala ni Chloe at agad na bumalik sa dressing room si Dino at Allison para paghandain si Dana. Ilang minuto pa ay nagsiupo na rin ang mga bisita sa kanilang mga upuan at nag-umpisa na ang show. Unang lumabas ang mga designs ng KZ couture, SLM FASHION kasunod niyon ang designs ni Maxine. Tuwang-tuwa naman si Marco at Ella sa mga designs ni maxine. Magaganda ito at elegante. Palakpakan naman ang ibang bisita sa bawat labas ng mga nag-gagandahang models. At ang huli ay ang designs ng Imperial Clothing line na pag mamay-ari ni allison.  Nakasilip naman sa gilid ng stage si Maxine para tingnan ang designs ni Allison kasama nito ang kanyang assistant. Palakpakan din ang mga bisita sa artistic at modern filipina designs ni Allison. “kuya...excited na akong makita si Dana..” masayang bulong ni Ella sa kanyang pinsan. “Hintayin mo lang at makikita mo rin siya.” Tugon naman ni Marco. Di naman mapakali sa kanyang upuan si Ella at lalo siyang na speechless ng lumabas na si Dana sa runway at napanganga ang dalaga ng makita niya ang kanyang idolo.. nilingon naman siya ng kanyang pinsang si Marco habang nakatitig lang ito sa naglalakad sa runway na modelo at bigla itong naiyak ng huminto sa harapan niya sa Dana. Nasa gilid lang sila ng runway kaya kitang-kita niya ang kanyang Idolo. Natawa naman ang kanyang pinsan na si Marco at reaksyon ni Ella. Nahagilap naman ni Maxine si Alfred na nakangiting nakatitig kay Dana. Napakuyom na lang ito ng kamao sa galit at bumalik sa backstage. Tumingin naman sa dalaga ang binatang si Marco and just like the first time he saw her. He’s still speechless sa angking ganda ng dalaga at napapangiti siya nang maisip niya nagkatabi silang matulog. “Uy kuya..mas malala ka pa pala sa akin e. Gandang-ganda ka sa kanya noh? Tulala ka e. Ako nga na babae din natotomboy sa kanya, ikaw pa kaya na lalake..tsaka tingnan mo nga lahat ng lalake na andito sa event natutulala at nakangiti ky Dana..” sambit ni Ella at napatingin naman si Marco sa mga tao at totoo nga ang sinasabi ng kanyang pinsan pero natigilan siya ng mahagilap niya si Alfred na nakangiting nakatitig din kay Dana..sa kabilang parte ay may inis siyang naramdaman sa paraan ng pag-ngiti nito sa dalaga. Napatingin naman si Ella sa tinitingnan ni Marco. “Kuya..hindi ba’t yung lalake na sa harapan natin ang Boyfriend ni ate maxine?” curious ni Ella. “Yes.” Sagot naman ng binata. “Mukhang gandang-ganda rin siya sa tanawin ah.” tukso naman ni ella at bigla siyang napatigil ng lingunin siya ng binata. Pagbalik ni Dana sa backstage ay napatingin si Alfred sa kanyang harapan at nakita si Marco. Tumango lang ito at tipid na ngumiti. Tumagal ang Fashion Show ng isang oras at kalahati at lumabas na rin lahat ng models suot ang kani-kanilang finale dress at ang finale walk ay si Dana. Palakpakan naman ang mga bisita at sobrang amazed sa mga magagandang gawa ng mga designers. Bumalik na rin ang mga models sa backstage at ang mga bisita naman ay nag-uusap usap tungkol sa mga designs. Pagpasok ni Dana sa kanilang dressing room ay kasunod nito si Allison at dino. Si Ella naman ay nagpupumilit na magpasama sa kanyang kuya Marco sa Dressing room para magpa-picture kay Dana. Sa dressing room naman ay inabangan ni Maxine si Dana sa pintuan at hinarang. Napahinto naman si Dana at napatingin kay Maxine katabi nito ang kanyang assistant at si kamila. “Ano na naman ba ang drama mo?” i ask. “oohooh.. masyado ka namang mayabang Dana. Naging finale ka lang akala mo naman ang galing-galing mo na. Hindi naman kagandahan ang performance mo kanina.” Pang-iinis ni Maxine. Napatawa naman si Dana at napakamot ng kanyang ulo. “You know what maxine, kung wala kang magawa sa buhay mo. Ayan oh si Kamila pagsasampalin mo para may mabalingan ka ng galit mo..huwag ako ang pagtripan mo dahil wala akong panahon sayo and i don’t need your opinion.” taray ko sa kanya at pareho lang silang inis ang itsura sa akin. “Let me tell you this. I’m pretty sure that Mr. Alvarez wants my dresses and not the one you wore. So don’t be too confident.” Dugtong naman ni Maxine. Si Mr. Alvarez ang may-ari ng biggest Entertainment Company sa bansa. Isa siya sa mga biggest donor sa Charity Event. Nakatitig lang sina Dana kay Maxine na nakangisi na may dalang pang-iinis ng biglang pumasok si Chloe. “Dana..you are so beautiful. Everybody is praising you. Mr.Alvarez was also praising you and the dresses you wore. Please get changed. The reporters and Visitors are waiting to take photos with you.” Sambit ni chloe na nagpagulat kay Maxine at Kamila. Nakangiting nakatingin naman si Dana kay Maxine habang nakataas ang kilay nito. It’s a victory for Dana against Maxine. “Let’s go Allison. Dino.” Yaya ni Dana sa dalawa at pumasok na sa dressing room. Naiwan namang inis na inis si Maxine. Paglabas ni Dana sa stage ay sinalubong siya ng mga reporters para kuhanan siya ng litrato kasama ng ibang malalaking tao sa industriya. Nakatingin naman sa malayo si Ella sa kinaroroonan ni Dana. Maya-maya pa ay bumaba na si Dana sa stage at hirap itong humakbang baba at mabilis siyang inalalayan ni Alfred. Nagulat naman si Dana ng makita niyang inabot ni Alfred ang kanyang kamay. Inabot na rin ito ni Dana ng walang malisya. Nakita naman ni Maxine ang ginawang yon ni Alfred pati si Marco ay napatayo ng tuwid sa nakita. At napansin niyang humakbang papalapit sa kanyang nobyo si maxine pero mabilis siyang pinigilan ni Marco. “Max NO. Not here.”  Napatingin naman sa kanyang kuya ang galit na galit na dalaga. Huminto rin naman ito at sinunod ang kanyang kuya. Di na nakapagpigil si Maxine sa nakikita at agad siyang tumalikod at umalis sa venue. Naiwan naman si Marco na nakatingin sa dalawa. “Congrats Dana.” Bati ni Alfred dito. “Thanks. Mabuti nakapunta ka dito. Are you here to support Maxine?” natigilan naman ang binata sa sinabi ng dalaga pero agad ding ngumiti. “Yeah..” pilit na ngiti naman si alfred. Napansin naman ni Alfred na nakatingin sa kanila si Marco kaya nagpasya na siyang magpaalam kay Dana. “Sige mauna na ako. Congrats ulit Dana..hope to see you again soon.” Paalam ng binata. “Sige..thank you.” Nakangiti naman si Dana sa kanya. Napataas naman ng kilay si Marco nang makitang nginitian ng dalaga si Alfred.. “may pangiti-ngiti pa siya.” Bulong ng binata at napatingin sa kanya si Ella. “Ano yon kuya?” tanong nito. Napalingon naman sa kanya ang binata. “Wala..sabi ko uwi na tayo.” Akma naman aalis na si Dana ng biglang tumakbo si Ella papalapit dito. Nagulat naman si Marco sa ginawa ng pinsan. “Ella....” tawag nito pero huli na dahil nakalapit na si ella kay Dana. Napailing na lang ang binata. “Hi miss Dana..” nakangiting bati naman ni ella sa dalaga. Napahinto naman sa paglakad ang dalaga at napatingin sa kanya. “Hello..ang cute mo naman.” Sambit ni dana at halos mangiyak-iyak si ella sa sinabi nito. Bigla namang nag-alala si Dana sa naging reaksyon ng dalaga. Parang naiiyak ito at nanginginig. Ibinigay ni Dana ang hawak nitong bouquet ng flowers kay Diana at hinawakan ang naiiyak na dalaga. “Are you okay?” tanong ni Dana kay Ella habang hawak nito ang kanyang kamay. Muntikan namang himatayin si Ella sa paghawak sa kanya ni Dana. “Oh my God!.” Gulat ni Dana. mabuti na lang at naalalayan siya agad ni Marco na biglang lumapit sa likod ng pinsan. Napatingin naman si Dana sa binata at napanganga naman si Diana. “Hindi ba’t ikaw si Mr. Delicious?Yung sa batangas?” tanong ni Diana at nilingon ni Dana si Diana saglit at tumingin ulit sa binata.
Free reading for new users
Scan code to download app
Facebookexpand_more
  • author-avatar
    Writer
  • chap_listContents
  • likeADD