Pag-uwi niya sa condo ay naligo siya at kumain. Pagkatapos ay bumalik siya sa kanyang kwarto para magpahinga. pagkaupo niya sa kama ay kinuha ang kanyang phone at nakitang naka-ilang tawag si Maxine sa kanya pati si Francis. Nagtaka siya kung bakit ang dami nilang missed calls. Binuksan niya ang message galing kay Francis at nanlaki ang kanyang mata ng Makita ang litrato niya na may kasamang babae na pumasok sa hotel. Bigla siyang napatayo at kinabahan. At doon lang niya naisip na kaya siya nagising sa hotel kanina dahil may kasama siyang babae doon kagabi? Napabagsak na lang siya ng upo sa kama sa pagkagulat. Sa sobrang kalasingan niya kagabi ay wala siyang maalala. Nagising na lang siyang walang kasama sa kwarto. And because of that scandal. their company is facing a lot of problems. The

