Sa loob ng buong linggo ay naghanap lang si Marco ng information tungkol sa babaeng kasama niya sa hotel noong gabing lasing siya. Pinuntahana niya ang hotel para tingnan ang surveillance camera pero hindi rin maklaro ang mukha ng babae na para bang alam na alam niya kung saan nakalagay ang CCTV at iniiwas ang mukha nito. Kahit ang mga empleyado ay hindi rin namukhaan ang babae dahil marami daw nag-check in nung gabing iyon. Kaya umuwi si Marco sa kanyang condo na matamlay at nawawalan na ng Pag-asa. Ilang araw na rin siyang hindi pumapasok sa company nila kaya si Maxine na muna ang umupo sa kanyang posisyon. Halos araw-araw ay umiinom siya para makalimot sa problema at pagkamiss sa kanyang asawa. Di na rin niya sinasagot lahat ng tawag sa kanya maging si Francis kaya sa sobrang alala ni f

