A day after ng harapan nila Maxine at Dana ay pinag-piyestahan sa social media ang video na kuha sa kanilang engkwentro. Sa mansyon ng mga Sandoval ay maagang umalis ng kanilang bahay si Maxine papunta sa kanyang office. Magkasunod lang sila ng kanyang kapatid na si Marco na umalis din para makipagkita kay Ivan para sa kanilang balak na partnership sa itatayong Resort. Sa isang restaurant sa pasig nagkita ang magkaibigan. “Marco.” Tawag ni ivan pagpasok ng binata sa restaurant. Lumapit naman sa kanya ang binata. “Kamusta pare. Mukhang maganda ang mood mo ngayon ah?” Bati ni Ivan habang papaupo ang binata. “Well, everything goes well sa business at ang re-construction ng building sa Batangas kaya maganda ang mood ko ngayon.” Tugon naman nito. “So… Anong plano para sa partnership natin?” dugtong ni Marco.. “May magandang Location sa Pampanga. Perfect siya para sa balak nating resort. Along the Highway lang siya kaya madaling mapapansin ng mga tourist. Pwede natin puntahan para makita mo.” Ani Ivan at tumango naman siya. Tumunog naman ang phone ni Marco at may pumasok na message from Unknown number. Binuksan ito ng binata at nakita niyang isa itong clip video. “Ano yan pare?” napatingin naman siya ky Ivan. “It’s a clip video.” tugon niya. “Video ng ano? Saan ba galing?” “I don’t know!” sagot niya. “Open mo.” utos ni ivan at inopen niya ito. Nagulat si Marco ng i-play niya ang video at nakita si Maxine na sinusugod si Dana. “Oh no! Is that your sister? And Dana Dela Fuente? Bakit sila nag-aaway?” tanong ni ivan habang pinapanood ang video. Tahimik naman at di makapagsalita si Marco. Narinig naman ng dalawang binata sa kabilang table ang usapan ng dalawang babae. “Oh my god! Is that Maxine Sandoval, the Famous Designer and Dana Dela Fuente the famous model? ” tanong babae sa kanyang kasama. “Yeah! Gosh..Sa harap ng maraming tao akala mo ang babait at ang gaganda ng ugali. Pero ang totoo they’re all had bad attitudes. Sayang, gusto ko pa naman ang mga designs ng MS clothing. Ang sama naman pala ng ugali ni Maxine. Ang alam ko Anak siya ng isang business tycoon na si Mr. Antonio Sandoval.. Gosh! Nakakahiya siya.”tugon ng kasama nito. “Yes. Ang dinig ko. Masama talaga ang ugali niya at hindi daw talaga sila magkasundo ni Dana simula pa noon.” “Talaga ba? Pero totoo nga kayang inaagaw ni Dana ang Boyfriend ni Maxine?” “We’ll know about that soon. Pero ang alam ko. Dana has no boyfriend since birth at mailap siya sa mga lalake, ang dami na nga daw nanliligaw d’yan pero di niya pinapansin. I don’t think she’s seducing maxine’s boyfriend.” “Kung ganun, talagang war freak lang talaga si Maxine.. I can’t imagine how embarassed her family is dahil sa video na ito.” Dinig ni Marco at ivan na usapan ng mga babae at napatingin si Ivan sa kaibigan. “This is not good Pare. Trending na sa social media ang engkwentro ni Maxine at Dana. ” Sambit ni ivan at napabuntong hininga na lang si Marco. Habang si Dana naman ay kakababa lang mula sa living room ng inabutan niya ang kanyang kuya Daniel kasama ang kanyang ina at ama. “Kuya…bakit andito ka? No work?” sambit ng dalaga habang papalapit sa kanila at umupo sa tabi ng kanyang ina.” Nagtataka namang umupo si Dana sa kanila dahil lahat sila ay nakatingin sa kanya. “Why are you all looking me like that?” salubong ang kilay niya at inabot ni Daniel ang Cellphone niya para ipakita ang video. Kinuha naman ito ni Dana at pinanood. Nagulat lang siya at tumingin sa kanyang kuya. “What is this?” napabuntong-hininga naman ang kanyang mga magulang. “I think, we should be the one asking you that Dan… what is that?” tanong ng kanyang kapatid. “Well... Maxine and I are not in a good relationship.” “Because of that Alfred Montilibano?” papa said. Napalingon naman sa kanyang ama ang dalaga. “Of course not Pa. matagal na kaming hindi OK ni Maxine simula noong college kami.” Katwiran niya. “Then what is she talking about? Are you really having an affair with that guy?” ani Daniel. “No! What are you talking about kuya…You know me. I don’t associate with some random guys. And Alfred is just a friend.” “Oo nga naman anak. Kung meron mang mas nakakakilala kay Dana, tayo yon. Naniniwala akong walang relasyon ang kapatid mo sa lalakeng iyon. Right anak?” singit ng kanilang ina. “Yes Ma. Maxine is just making up stories. She’s crazy!” tugon ni dana. “Then what will you going to do? Kalat na sa social media ang video. This will affect our family business and your career Dana.” Ang kanyang kuya Daniel. Napabuntong hininga naman ang kanyang Ama. Maya-maya pa ay dumating si Dino at Diana at inabutan sila sa living room. “Good morning po Sir Ferdinand, Madam, Sir Daniel.” Bati ni Dino.. “Good morning.” Tugon naman ng mga ito. “Have a seat.” Yaya ng ina ni Dana sa kanya. “I know you already saw the video Dino. I want you to get rid of that video in all social media.” Utos ni Ferdinand Dela Fuente. “Yes sir. I’ll do it po. Sa ngayon ay kailangan po muna ni Dana magstay dito sa bahay dahil sigurado pong hahabulin siya ng mga reporters.” Ani ni Dino. “Yes... hindi ka muna lalabas ng bahay hangga’t hindi pa nabibigyan ng linaw ang issue. I need to talk to Tito Antonio about this.” Tugon naman ng kanyang kuya. “why would I need hide kuya? I didn’t do anything and hindi naman totoo ang sinasabi niya…Kung magtatago ako eh di mas lalong iisipin ng tao na I’m really having an affair with Maxine’s boyfriend. I need to clear my name not just hide here.” Napatayo naman ang dalaga. “Dan...kailangan muna natin mag-isip ng mabuti. Oo wala ka nga relasyon kay Alfred but you can’t stop people from what they think.” Her kuya said. “But kuya...” “No buts Dana. sumunod ka na lang. this is for your own good and for our family.” Napaupo naman ang dalaga sa sinabi ng kanyang kapatid. “Oo nga naman anak. Tama ang kuya mo. Ang mga ganitong problema ay hindi dapat dinadaan sa tigas ng ulo.” Mama said at nilingon siya ng dalaga. “Ako na ang kakausap ky Antonio tungkol dito.” At tumayo na ang kanyang ama para tawagan ang kanyang kumpare. Umuwi naman agad ng kanilang bahay si Marco para kausapin ang kanyang ama tungkol sa eskandalong ginawa ng kanyang kapatid. Pagdating niya sa kanilang bahay ay nadatnan niya ang kanyang mommy at daddy sa kanilang living room na parehong tahimik. “Dad, I need to talk to you.” Bungad ni Marco. Bumuntong-hininga naman ang kanyang ama at napahinto siya sa paglakad papalapit dito. “You knew already?” tanong niya sa ama. At tumango naman ang kanyang ina. Naupo siya sa tabi ng kanyang ama at pinag-usapan ang tungkol sa eskandalo at tinawagan ang daddy ni Alfred. Ilang oras ang lumipas at dumating na sa kanilang bahay si Maxine. She knew already about the video. Kaya alam niya kung bakit nakatingin silang lahat sa kanya. Lumapit siya sa mga ito at tumayo ang kanyang ama at sinampal siya. Nagulat naman si Marco at ang kanyang ina sa ginawa ng ama. Napatayo naman ang kanyang ina at lumapit kay Maxine.“What were you thinking Maxine? Hindi mo ba alam kung gaano kalaki ang eskandalong ginawa mo? Paano mo naaatim manakit ng ibang tao? Hindi ka namin pinalaki ng mommy mo ng ganyan!” Napatingin naman ang dalaga sa kanyang ama habang sapo ang kanyang pisngi. “Bakit dad…alam mo ba ang ginawa ng babaeng iyon? Inaagaw niya si Alfred.” sagot niya. “May pruweba ka ba na may relasyon silang dalawa?” “Ofcourse! I saw her in his restaurant and Alfred even attended the fashion show para lang Makita si Dana.. I’m not a fool dad.” Napailing naman ang kanyang ama. “You’re not a fool but you’re stupid Maxine. ang akala ko ay matalino kang bata. Alfred was there in the fashion show because you’re one of the designers. At ang sinasabi mong kasama ni Alfred si Dana sa restaurant niya ay kasama ni Dana ang pamilya niya. She’s not what you’re thinking.” Paliwanag ng kanyang ama pero mas lalo lang siyang nagalit. “Mas kinakampihan niyo pa ang babaeng iyon kesa sa akin?” “Wala akong kinakampihan. Gusto ko lang ipaliwanag sayo para maintindihan mo na mali ang ginawa mo.” Tugon ng kanyang ama. “Oh come on Dad. You don’t know her. She’s a b***h! At kaya niya mang-agaw ng pagmamay-ari ng iba. At hindi na ako magtataka dahil nagpapagamit naman talaga siya para lang sumikat.” Napatayo naman si Marco sa sinabi nito. “Enough Max…hindi maganda ang nanghuhusga ng tao lalo na pag wala ka naman talagang alam.” Singit niya. “Why kuya? Nakuha na rin ba niya ang atensyon mo?” lingon niya sa kanyang kapatid. “Don’t change the topic max. hindi ako ang pinag-uusapan dito.” “Huwag mong ibuntong sa kuya mo ang pagkakamali mo Maxine and stop insulting Dana.” Sambit ng kanyang ama. “Why dad? Why can’t I? Do you know that she’s always insulting me? She said I’m stupid. And she said it’s because of me that’s why Alfred don’t want me anymore! But it’s not. They teamed together to lie to me. And I won’t let this go. I will destroy that b***h! That low class b***h who likes to steal other people’s man.” singhal ni Maxine. At nakapameywang ang binata sa sinasabi ng kapatid. “Maxine, is talking bad to other people is something good people do?” Nainis naman si maxine sa sinabi ng kanyang kuya at itinapon ang kanyang purse. Nagulat naman ang kanyang ina. “Anak..Calm down.” Saway ng kanyang ina. “At anong gusto mong sabihin kuya? na masama ako? Ako pa ang mali samantalang ako ang agrabyado dito.” Sagot ng dalaga. “Yes,mali ang ginawa mo. In everything that you said, did you ask Alfred and Dana if it’s as you think it is?” lumapit naman sa kanya si Maxine na nanlalaki ang mata “Sapat na ang mga nakikita ko para malaman na totoo ang hinala ko. Pinagtutulungan nila akong lokohin. At hindi ko na kailangan pang tanungin si Alfred. At sigurado akong inakit na rin siya ni Dana sa kama kaya siya patay na patay sa babaeng iyon..” Huminga naman ng malalim ang binata. “Maxine! Enough.. kung ganyan ka mag-isip hindi na ako magtataka kung bakit iiwan ka ni Alfred para sa ibang babae.” Sigaw ng kanyang kuya at nagulat silang tatlo at natigilan si Maxine. “Enough! the two of you. At itigil mo na yang kahibangan mo Maxine. Tama ang kapatid mo. You should stop dahil walang mabuting naidulot ang mga ginawa mo.” Utos ng kanyang ama at nanginginig naman ang dalaga sa inis. At agad siyang tumakbo paakyat ng kanyang kwarto ang dalaga. Nakasunod lang silang nakatingin sa kanya at napapailing ang kanyang kuya. “I think I need to talk to Armando para makasal na sina Alfred at Maxine para hindi na lumala ang isyung ito.” Sambit ng kanyang ama. Nagwala naman sa kanyang kwarto si Maxine at napalabas sa kanyang kwarto si Ella ng marinig nito ang sigaw ng pinsan sa kabilang kwarto at nagtataka. “What’s wrong with her?” tanong ng pinsan at biglang sulpot ni Marco. “Don’t mind her.” Sambit ng binata at dumiretso sa kanyang kwarto. Buong araw namang di lumabas ng kanilang bahay si Dana hanggang sa dumating ang gabi at umuwi na sina Dino at Diana. Hindi naman makatulog si Marco ka kakaisip tungkol sa isyu. “Ano na kaya ang ginagawa ni Dana ngayon? Naaapektuhan kaya siya sa nangyari?” bulong ni Marco sa kanyang sarili. Pero bakit nakakaramdam siya ng Sakit kapag naiisip niya na may gusto si Alfred kay Dana. Ginulo naman niya ang kanyang buhok para itigil ang kanyang iniisip at pinatay na ang ilaw at nagsimulang matulog.