Chapter 20

2300 Words
Kinabukasan ay ang launching na ng Jewelry Fashion Show ni Abigael at kasali si Dana at Kamila sa models. Dumalo din sina Marco at Maxine. Ganoon din si Alfred dahil kapatid nito si Abigael. Nasa dressing room na rin sina Dana at dino para Mag-ayos. “Ohhh Dan..you look so beautiful. You look so expensive with that necklace.” Puna ni dino at napalingon naman si Kamila. “Huwag ka masyadong dumikit sa mga cheap dahil baka masira ang make-up mo at kailangan mo pang magpaganda ulit.” Dugtong pa niya. “Bakit di mo na lang pagandahin ang ugali mo at hindi yung nang-aagaw ka ng boyfriend ng iba. Ganyan ba talaga kakapal ang mukha mo?” Sagot ni kamila. Lalapitan na sana ni Dana si kamila pero pinigilan ni Dino. “Don’t come near her Dan.. dahil baka makagat ka ng aso d’yan na tahol ng tahol.” Dino said at nagbago ang ekspresyon ng mukha ni kamila at iniwan siya ni Dino at Dana pero sinundan niya rin ang mga ito. “Kalmado ka lang at tahimik dahil takot kang lumabas ang totoong kulay mo. Right Dana?” nilingon naman siya nito. “Well, happens to be that i’m not faking it like someone.” Sumbat niya kay kamila at tumawa naman si Dino. “Kita mo? Pati pag-insulto niya graceful pa din. Deserving to be a number 1.” Dagdag ni Dino. “Graceful? Graceful katulad ng pang-aagaw mo ng boyfriend?” at tinaasan niya ng kilay si Dana. Lumapit naman sa kanya ang dalaga. “Actually, not just stealing a boyfriend. Kahit ang trabaho mo kaya kung agawin. I even stole your expensive presenter job. Pero sa ngayon, wala akong magandang maaagaw sayo. so i don’t want to waste my time talking to you.” Sumbat ni Dana at napanganga naman sa inis si kamila sabay talikod ni Dana sa kanya. Tawang-tawa naman si Dino sa kanya. “Ano ka ngayon?” bulong ni dino sa kanya at nilingon niya itong nanginginig sa galit pero tinatawanan lang siya ni Dino at agad na tumalikod. Sa labas labas naman ay nagsisidatingan na ang mga bisita kasama sina Maxine at Marco. Magkasunod lang silang dumating nina Alfred at agad siyang nakita ng nobya. “Hi honey..” bati nito sa nobyo at sabay na humalik. Agad naman siyang kumabit sa balikat ng binata. “Marco..” pansin ng binata. “you heard about the video right?” tanong ni Marco kay Alfred. “Yes. This is why i want to talk to your sister Marco.” Sagot nito at napatingin sa kanya ang dalaga at nag-iba ang expression ng mukha nito. “Good. But not here.. sa bahay na kayo mag-usap bukas because this is your sister’s event.. for now kailangan niyo munang magpakitang Ok kayo ni Maxine.” Utos ni Marco at sumang-ayon naman ang binata. Ilang sandali pa ay nagsimula na ang show. Palakpakan naman ang mga bisita sa magagandang collection ng jewelry. Maganda ang Mood ni Maxine dahil kasama niya ang kanyang nobyo pero bigla itong nasira ng lumabas si Dana sa runway at tutok na tutok si Alfred. Natulala naman si Marco sa paglabas ni Dana. He’s been consistently like this sa tuwing nakikita niya ang dalaga hanggang sa huminto ito sa kanilang harapan ay di pa rin natitinag ang tingin nito. Hinampas naman ni Maxine ang braso ni Alfred kaya napalingon ito sa kanya. “What?” tanong ng binata. “Stop staring at her. Give me some respect alfred. And look at the people around us. They’re watching you while staring at her.” Sambit ni maxine at pasimpleng tiningnan ni alfred ang paligid at totoo nga ang sinasabi ng kanyang nobya kaya kunwari siya ngumiti at hinalikan niya sa ulo ang dalaga. Pilit na ngiti naman si maxine sa kanya. At nang pabalik na ng backstage si Dana ay di inaasahang nahulog ang isang light mula sa taas at sentrong tumama sa likod si Dana. Napasigaw naman ang mga tao ng matumba si Dana at agad na tumayo at tinakbo ni Marco ang dalaga. Napatayo din si Alfred at tumakbo papunta dito. “Oh my god!” sigaw ni dino at tumakbo din papunta kay Dana. Agad namang binuhat ni Marco ang dalaga pabalik sa backstage at sumunod si Alfred. Naiwan si Maxine pero agad din siyang sumunod sa mga ito. Pinahiga naman ni Marco si Dana sa mahabang couch sa dressing room at namimilipit ito sa sakit. “Dan..are you alright?” tanong ng binata at lumuhod sa gilid niya si Alfred. Saka dumating si maxine at dino. “Dana..ok ka lang ba? dadalhin ka namin sa hospital.” Tanong naman ni alfred. “My back’s hurt!.” Sagot ni Dana. “You should go to the hospital. Come, i’ll take you.” at agad na hinawakan ni Alfred ang braso ni Dana para itayo pero hinawakan ni Marco ang kamay niya para pigilan at biglang nagsalita si Maxine. “Is that your duty alfred?” sabay namang napalingon si Alfred at Marco. “You were supposed to be with me, i’m your girlfriend but look at you. Running like a runner towards her. Are you that worried about her huh alfred?” sigaw ni maxine. “Max.. stop shouting! Come and we talk outside.” Pigil ni Alfred dahil alam niyang susugurin na naman niya si Dana. “No! Why do we need to talk outside?” hinatak naman ni Alfred is Maxine at wala na itong nagawa. “Alfred.. let me go!” sigaw ng dalaga at Namimilipit naman sa sakit sa kanyang likod si Dana kaya binuhat na siya ni Marco palabas para dalhin sa hospital at sumunod naman si Dino. Dinala naman ni Alfred si Maxine sa isang kwarto. “Come here!” utos ni alfred. “Let me go! You’re hurting me.” Saka siya binitawan ni Alfred. “Why are you dragging me here? Are you afraid that i curse you and that woman infront of others?” “No Max.. I brought you here for you to calm down and listen to me.” “Listen to you? For what? My eyes already saw it alfred. You just came here to see her and not to be with me.” Singhal ng dalaga sabay sampal kay alfred. Nagulat naman si Maxine sa kanyang ginawa at akmang hahawakan si alfred pero umiwas ang binata. “alam mo ba kung bakit maraming naghihiwalay? Dahil sa kulang sa tiwala ang kanyang partner.katulad mo mas pinipili mong sundin ang walang kwenta mong instinct kaysa ang tanongin ako kung ano ang totoo.” “why do i need to ask you? i can see what you’re doing.” “I’m here to help my sister’s jewelry launching.” Sagot ng binata at tumawa naman si maxine. “Wala ka na ba mas magandang rason kaysa d’yan alfred?” di naman agad nakapagsalita si Alfred nang dumating ang staff ng event. “Excuse me po sir Alfred. Hinahanap po kayo ni Ma’am Abigael kailangan niyo daw po siyang tulungan na ihinto ang Show dahil sa aksidenteng nangyari.” Sambit nito at agad na sumunod si Alfred sa staff at naiwan mag-isa si Maxine.  Dali-dali namang dinala nila Marco at Dino si Dana sa hospital. Pagdating nila ay agad niyang dinala si Dana sa emergency room. Abot-abot naman ang kaba at takot ni Dino sa nangyari kay Dana. Pagkalipas ng isang oras ay lumapit na sa kanila ang Doctor. “Doc kamusta po si Dana?” alala ni Dino. “She’s okay now. May konting galus lang sa kanyang likod pero ginamot na namin. At namaga ang kaliwang bahagi ng kanyang likod dahil sa lakas ng impact ng nahulog sa likod niya. Sa ngayon ay pinainom muna namin siya ng Pain reliever para hindi niya maramdaman ang sakit nito. Kailangan lang natin siya ipa X-RAY para masigurado nating walang na damage sa spinal niya.” tugon ng doctor. “Yes Doc. Please Do all the examinations para masiguradong safe si Dana.” singit naman ni Marco at napatingin sa kanya si Dino. “Okay. Don’t worry! For now, excuse me. Dadalhin muna namin siya sa X-ray room.” At tumango naman ang dalawa. Naghintay ulit sila ng ilang oras bago lumabas ang Doctor sa kwarto kasama si Dana na naka wheel chair. Agad naman silang lumapit. “Doc. How is she?” dino ask. “She’s Okay. Wala namang napinsala sa Spinal niya. luckily ay hindi ito tumama sa sentro ng kanyang likod. Kailangan niya lang uminom ng gamot at pahidan ang kanyang namagang likod para mawala ang pamamaga. And She can go home.” Sambit ng Doctor at nakahinga naman ng malalim si Dino. “Thank you Doc.” Pasalamat ni Dino at tumango lang ang doctor at tumalikod na din. “Thanks God you’re fine. Pag nagkataong may nangyari sayo ay papatayin ako ng papa mo.” Dino said while holding her hand. “I’m Okay now. Isa pa it was an accident. Wala namang may gustong mangyari yon.” Tugon niya at nilingon si Marco. “Thanks for helping me Marco.” Gulat naman ang binata dahil naalala siya ng dalaga. “You remember me?” nakangiting tanong nito. “Oo naman. Bakit naman kita hindi maaalala?” napakamot naman ng kanyang ulo ang binata. “Wala naman. Ahmmm..Kamusta na ang pakiramdam mo?” “Medyo mabigat lang ang likod ko. siguro dahil sa pamamaga. Kailangan ko lang ito ipahinga.” Sagot naman ng dalaga. “I’m glad you’re okay. So, tara? Ihahatid ko na kayo para makapagpahinga ka sa bahay niyo.” Yaya ni Marco. “Huwag na Marco nakakahiya na sayo. tinulungan mo na kaming dalhin si Dana dito sa hospital at sobrang nagpapasalamat ako sayo. isa pa andito na rin kasi ang driver ko. ako na lang ang maghahatid kay Dana sa bahay nila dahil kailangan ko pang magpaliwanag sa papa niya. sigurado akong sa mga oras na ito ay alam na ng papa ang nangyari kay Dana.” Sambit ni Dino. “Ganun ba? okay..mag-iingat kayo. Sige mauna na ako. Pagaling ka Dana.” Paalam ni Marco pero bigla siyang tinawag ng Dalaga. “Marco wait!.” At napalingon naman siya. “Birthday ko sa Thursday. Join us! I’m having a Lunch date with friends. Karina and Francis is coming.” Nakaramdam naman ng saya ang binata sa pag-imbita sa kanya ng dalaga. “Sure..i’m coming.” Nakangiti nitong sagot sa dalaga. “Sa Star Bright hotel sa Ortigas ang venue. See you!” Dugtong ni Dana. Tumango naman ang binata. “Ok. See you!” saka siya tumalikod at nauna ng umalis. Naiwan namang nakatingin sa papaalis na binata si Dana at Dino. Gulat naman si Dino ng makita niyang nakangiti si Dana habang nakatingin sa binata. “Ahemmm! Para saan yang ngiti na yan?” napahinto naman ang dalaga sa pag ngiti. “Wala..let’s go! I want to go home.” Pag-iwas niya at itinulak na rin ni dino ang kanyang wheelchair papunta sa exit. Pagdating sa bahay ng mga Dela Fuente ay inalalayan ni Dino si Dana papasok sa kanilang bahay at nadatnan nilang nag-aantay ang kanyang mga magulang. Patakbo naman siyang sinalubong ng kanyang ina “My god anak. Kamusta? May masakit ba sayo? na-injured ka ba?” taranta ng kanyang ina. “Ma..i’m okay! Medyo masakit lang ang likod ko at namaga ng konti. Pero wala naman po na damage sa spinal ko.” tugon ni Dana. At lumapit naman ang kanyang ama. “Mabuti naman kung ganun. O sige na umakyat ka na sa kwarto mo at nang makapagpahinga ka.” Utos ng kanyang ama at agad siyang inalalayan ng kanyang ina at ni Jelly. “Sir i’m so sorry po sa nangyari kay Dana.” Sambit ni Dino at tinapik siya ng matanda sa kanyang balikat. “It’s Okay. Hindi talaga maiiwasan ang mga ganoong aksidente. Isa pa wala naman may gusto no’n. Huwag kang humingi ng paumanhin. Alam ko namang hindi mo hahayaang masaktan ang anak ko. malaki ang tiwala namin sayo.” naiiyak naman si Dino sa sinabi nito. “O siya..Umuwi ka na rin at nang makapagpahinga ka. Alam kong pagod ka na rin. Salamat sa paghatid sa anak ko.” utos ng matanda at tumugon naman siya. “Sige po sir. Excuse me po.” Saka lumabas si Dino at diretso ng umuwi sa kanyang bahay. Kakarating naman ni Marco sa kanilang bahay ng madatnan niya ang kanyang Daddy,si maxine at si Ella sa living room. “So how was being a savior kuya?” tanong ni Maxine habang nakatingin sa kanyang kuko at napatingin sa kanya si Marco. “What do you mean Max?” umupo naman ng tuwid ang dalaga. “Awww! hindi ba’t ang bilis mong tinakbo si Dana kasama si Alfred?” napatingin naman sa kanya ang kanilang ama sa sinabi nito. “Well dad. Kuya run fast to saved Dana nang mahulugan siya ng light kanina sa event. Mabuti na lang at hindi siya namatay doon on the spot. Sabagay! Mahirap nga palang mamatay ang masamang damo.” Napaupo naman ng maayos ang matanda at nagsalubong ang kilay ng kanyang kuya. “Max.. bakit ganyan ka? Someone almost got killed tapos ganyan ka pa magsalita? Para kang bata kung mag-isip.” napalingon naman sa kanya si Maxine. “Well is she dead?.” tugon ng dalaga at nagpa meywang ang binata na nakatingin sa kapatid. Gulat naman si Ella sa inaasal ng kanyang pinsan. “You’re too much Maxine..bakit ganyan ka sa kapwa mo? Mataas naman ang pinag-aralan mo pero bakit ang kitid ng utak mo?” napatayo naman si Maxine sa sinabi ng kanyang kuya. “Are you insulting me because of that woman?” tumayo naman ang kanilang ama para awatin ang dalawa. “Enough! Both of you.. bakit ganyan kayo mag-usap? Para kayong hindi magkapatid. At sa harapan ko pa mismo. Hindi na kayo nahiya sa akin. At ikaw Maxine..hindi kita pinalaking Masama sa kapwa mo..hindi mo na nirerespeto ang kuya mo.” Singhal ng kanyang ama at naiiyak namang tumakbo sa kanyang kwarto ang dalaga. “Maxine..maxine!” tawag ng kanyang ama pero hindi niya ito pinakinggan. Napabuntong hininga na lang na naiiling ang binata sa inaasal ng kanyang kapatid. “Sorry dad.” Sambit ni marco at tumango naman ang kanyang ama. “sige na pumanhik ka na rin sa kwarto mo at ng makapagpahinga ka na. Ikaw rin Ella, umakyat ka na rin.” Utos ng matanda at agad din silang sumunod. Napaupo naman ang matanda at namroblema kay Maxine.“Kailangan ng makasal nina Alfred at Maxine sa lalong madaling panahon para matigil na ito.” Bulong nito sa kanyang sarili.  
Free reading for new users
Scan code to download app
Facebookexpand_more
  • author-avatar
    Writer
  • chap_listContents
  • likeADD