Pagkalipas ng dalawang linggo ay naiwan ulit sina Ella at Dana sa penthouse dahil pumunta na ng construction site si marco. sinamahan sila ni Manang mamasyal malapit sa ilog. Sobrang natutuwa at nag-eenjoy ang dalawa sa ganda ng lugar. Bumaba pa sa ilog si Ella at nagpakuha ng litrato kay Dana. hanggang sa makarating sila sa isang taniman ng gulay. “Ang ganda naman po dito. Kaninong taniman po ba ito manang?” tanong ni Dana. “Kay Sir Marco po mam. Si archie ang nag-aalaga ng mga tanim na gulay ni sir.” tugon naman niya. “Kung ganun..lahat ng gulay na hinahatid sa penthouse ay galing dito?” tanong ulit ni Dana. “Opo mam.” At nginitian siya ni manang. Manghang-mangha naman si Ella. “Hindi ko alam na may mga tinatagong katangian din pala si kuya.” Sabay nguso niya. hindi na sila pumasok sa ta

