Seryoso namang inabot ni Marco ang kanyang laptop at nagbukas ng kanyang email. Habang si Dana naman ay nagbabasa ng libro. Ilang sandali pa ay inabot ni Dana ang kanyang dalang canned juice at hirap siyang buksan ito. Napansin naman ni Marco ang ginagawa niya kaya kinuha niya ang hawak ni Dana at binuksan saka ibinalik sa kanya. Napatingin lang sa kanya si Dana at uminom. Pagkatapos ilapag ni Dana ang hawak niya ay tinitigan niya si Marco. dahan-dahan naman lumingon si Marco sa kanya dahil ramdam niya na nakatingin sa kanya si Dana. at nginitian siya ni Dana at nagpa cute eyes. napalunok naman at umiwas ng tingin si Marco sa kanya. “I don’t mind you’re looking at me like that during the day, but don’t do it at night. I’m much healthier than you think.” Wika ni Marco at sinusulyapan si Dan

