Pagkatapos naming kumain ay tumayo ang binata para sagutin ang kanyang cellphone. “Yes, sorry dad.. Hindi na ako ako natuloy umuwi kagabi dahil may konting emergency lang. Yeah, I’m going home today.. ” sambit ng binata at dinig din ni Dana. “He’s going home to where? Di siya nakauwi dahil sa akin? Ako ang emergency?” bulong ni Dana sa kanyang sarili. Tumayo naman ako agad at lumapit sa kanya. “Sorry.. Dahil sa akin naabala ka. ” humarap naman siya sa akin. “It’s Ok. Mabuti nga at nakita kita kung hindi baka may nangyari na sayong masama.” He said and I was touched. Buong buhay ko siya pa lang ang nakita kong lalake na may malasakit sa akin bukod sa papa at kuya ko. Nanatili lang akong nakatingin sa kanya. Maya-maya pa ay nakarinig kami ng busina ng sasakyan sa labas ng kanyang bahay at agad na pinagbuksan ni Manang vivian. Patakbo namang papasok sa bahay ng binata si Dino kasama si Diana. “Dana.. Oh my god! Are you ok?” tanong ni Dino habang tinitingnan ang katawan ni Dana kung may mga sugat ito. “I’m ok now. Don’t worry! Thanks to him. ” sabay tingin ko naman sa lalake. At napatingin naman si Dino at Diana. “Oh my Delicious.. ” sambit ni Diana ng mapatingin siya sa lalake at hinampas ni Dino ang balikat nito at napahawak siya rito. “Umayos ka! Nakakahiya ka.. ” saway ni Dino kay Diana.. “Thank you sir for Saving Dana. Tatanawin namin na malaking utang na loob ang pagtulong mo sa kanya.” Dino said. At ngumiti naman ito. “It’s my pleasure.. Next time ay mag-iingat lang dahil baka sa susunod ay hindi na swertehin. ” napatingin naman ako sa kanya. So, ang ibig niyang sabihin maswerte ako dahil siya ang nagligtas sa akin? Kapal naman nito.. “Paano mauna na kami dahil may video shoot pa kasi si Dana.. This is my calling card, you can call me pag may kailangan ka nang makabawi man lang ako sa tulong mo sa alaga ko. ” inabot naman ni Dino ang calling card nito at kinuha ng binata. “Ano nga pala ulit ang pangalan mo sir?” dugtong ni Dino at napatingin naman ako. “Just call me Marco.” tumango naman si Dino habang nakatingin ako sa kanya. “Thanks you ulit Sir Marco. Mauna na kami. ” paalam ni Dino at hinawakan ako sa braso. “Thanks Marco. And sorry sa nangyari.” I said and he smiled at me. He has a beautiful smile and gosh, he’s more handsome with his dimples. Hinatid naman niya kami sa labas hanggang sa sasakyan. Si Diana na ang nagmaneho ng kotse ko. Sa sasakyan na ako ni Dino sumakay. Umalis na rin kami agad sa bahay ni Marco. Habang nasa biyahe ay tahimik lang kami ni Dino. “Are you ok Dan?” hinawakan niya ako sa kamay at napalingon ako sa kay dino. “Yeah, I’m ok.” at tahimik lang ulit kaming nagbiyahe.. Ilang sandali pa ng umalis sila Dana ay umakyat naman sa kanyang kwarto si Marco para maligo dahil babalik pa ito ng maynila. Pagbukas niya ng pintuan sa kanyang kwarto ay napahinto siya at napatingin sa kanyang kama at napangiti. Di pa rin siya makapaniwala na nakahiga sa kama niya at magkatabi silang natulog ni Dana Dela Fuente. Napailing na lang siya sa kanyang naisip. Agad naman siyang pumasok at dumiretso sa banyo para maligo. Pagdating namin sa Resort ay nagpahinga lang ako sandali. “kaya mo ba mag taping ngayon? Kung hindi ay pwede naman natin ipagpaliban muna.” Tanong ni icy na nag-aalala sa akin. “Yes. I can do it now. Ayokong magsayang ng oras.” Sagot ko naman at hindi na rin nila ako pinilit pa at inayusan na rin nila ako. Matapos ang ilang oras ay natapos din ang trabaho namin at nagpasya muna kaming mag merienda sa restaurant sa loob ng resort. Hindi na rin namin napag-usapan ang tungkol sa nangyari kagabi dahil napansin nilang hindi ako nagsasalita. Hanggang sa pag-uwi namin ay tahimik lang ako dahil medyo masama ang pakiramdam ko.
*
Dumating naman ng kanilang bahay sa manila si Marco ng 5pm dahil dumaan muna ito sa site bago nagpasyang umuwi ng manila. ipinark ko ang sasakyan ko sa garahe at bumaba na. agad akong sinalubong ng Pinsan kong si ella. “Kuya...” sabay yakap nito sa akin. “Ella. It’s nice to see you again. Mabuti nakauwi ka dito sa pinas..sinong kasama mo?” bumitaw naman siya sa akin. “Sumama ako kay ate Maxine umuwi dito. Dumaan siya sa bahay sa hongkong kaya pinasama na lang ako ni mama pauwi dito para Makita ang guapo kong kuya..” masaya nitong sabi. Kinurot ko naman ang pisngi niya. “Ang cute!” “Araaaay kuya..hindi na ako bata.” Ginulo ko naman ang buhok niya. “To me, you’re still my cute little cousin..” at ngumiti naman siya sa akin. Ella is now 19 yrs.old.. sobrang close siya sa amin ni Maxine and she’s like a sister to us. Sabay naman kaming pumasok sa bahay habang nakayakap siya sa braso ko. “Kuya..buti at nakauwi ka.” Salubong ni Maxine sa akin sabay halik at agad na pumasok sa kitchen. Si daddy naman ay nakaupo sa couch. Lumapit ako at nagmano. “Anong nangyari kagabi at hindi ka nakauwi dito?” daddy ask at umupo naman ako sa tabi niya. “May biglaang emergency lang dad kaya di ako natuloy.” Nilingon naman ako ni daddy. “Anong emergency naman yon?” tumabi naman si Ella sa akin. “Baka Love emergency po tito.” Tukso ni ella sa akin at niyakap ko naman siya sa ulo. “Ano ka ba...hindi! ikaw puro ka kalokohan.” Natawa naman si daddy sa sabi ni ella. “Asan si mommy?” “Nasa kitchen. Naghahanda ng Dinner kasama si Maxine.” Tumango-tango naman ako at binalingan ko naman ang pinsan ko. “Kailan pa kayo dumating?” sumandal naman ito sa couch. “Kanina lang kuya mga 2pm.” “So, kailan ka babalik ng Hongkong?” napatingin naman siya sa akin na nakanguso. “Gusto mo na ata ako bumalik ng hongkong..grabe ka kuya di mo ba ako na-miss?” “Ito naman matampuhin. Nagtatanong lang ako para maipasyal kita habang andito ka sa pilipinas.” Napa-upo naman ng maayos si Ella at humarap sa akin. “Talaga kuya..?” tumunog naman ang cellphone ni daddy at umalis muna sa tabi namin para sagutin ang tumatawag. “Oo naman. Basta ikaw, malakas ka sa akin e.” humawak naman ito sa braso ko. “Kuya gusto ko manood nung Charity Fashion Show sa sabado. narinig ko kay ate Maxine kasali sa Show si Dana Dela Fuente..Sige na kuya nood tayo. makakatulong pa tayo sa mga nangangailangan. Kasali din sa show ang mga designs ni Ate Maxine kaya lang ay ayaw niya akong isama dahil magiging busy daw siya..sige na kuya..pleaaaaase!” napatingin naman ako sa kanya. “Mukhang idol mo si Dana Dela Fuente ah.” Bumitaw naman siya sa pagkakayakap sa akin at tumayo. “Oo naman kuya..ang galing-galing niya kaya at ang ganda-ganda pa. Gusto ko maging katulad niya balang araw. Tsaka lahat ng account ng mga fans niya pina-follow ko para lang Makita ang new works niya. She’s a goddess of beauty…” sambit ni Ella habang naka-kumpas pa ang kanyang kamay. “Ok. Pupunta tayo.” I said at napaupo siya at tumabi sa akin. “Really kuya? Oh my god… I can get to see Dana in personal.” Napayakap naman siya sa akin sa sobrang saya. Nakakatuwa isipin na ang idolo ng pinsan ko ay sa penthouse ko natulog kagabi at katabi ko pa sa kama ko. Nangingiti na lang ako sa tuwing naaalala ko ang reaksiyon niya nang makitang magkatabi kami sa iisang kama. Dumating naman ng kanilang bahay si Dana pasado alas Sais na ng gabi. Hinatid na rin siya ni Dino at si Diana ang nag drive ng sasakyan niya. Lumipat lang ito sa sasakyan ni Dino pagdating sa bahay nila Dana… sinalubong ako agad ni Jelly sa Pintuan at kinuha ang mga gamit ko. “Asan sina Mama?” tanong ko kay jelly habang nakasunod siya sa akin. “Kakaalis lang po nila mam. May dinner meeting daw po kasama sila Mr. Cheng.” Sagot naman nito. At diretso na akong umakyat sa kwarto ko. Ipinasok naman ni jelly ang gamit ko at nahiga ako sa kama ko dahil sobrang pagod ang katawan ko. “Sige po mam. Bababa na po ako para ihanda ang dinner niyo.” Paalam nito. “No, hindi na ako magdi-dinner. Wala akong ganang kumain. Gusto ko na magpahinga.” Napatingin naman siya sa akin. “Sige po mam.” At agad na lumabas ito sa aking kwarto. Sa tingin ko ay hindi maganda ang pakiramdam ko dahil mabigat ang ramdam ko sa katawan ko ngayon. Dahil na rin siguro sa nangyari sa akin kagabi. Nagpasya na lang akong matulog ng maaga para makabawi ng lakas. Sa mansion naman ng mga Sandoval ay Masayang naghain ang kanilang ina kasama si Maxine ng kanilang hapunan. Umupo naman agad sila marco, ella at ang kanyang Daddy. “Hmmm..ang bango naman po ng luto niyo tita..” takam ni ella. “Oo naman..minsan ka lang magbabakasyon dito kaya dapat masarap ang ulam.” Tugon naman ni mommy. “Naku, mukhang magseselos ata ako nito kay ella.” Singit naman ni Maxine at nagtawanan kaming lahat. Nag-umpisa na rin kaming kumain at biglang nagsalita si dad. “Maxine anak..kamusta na ang plano niyo sa engagement niyo ni Alfred?” dad ask. “Pag-uusapan pa namin bukas dad..” “Mabuti at nang ma-engage na kayo at makasal.” Tumingin naman ako kay daddy “Dad, give them some time. Alam naman natin na parehong busy si Alfred at Max. Huwag natin silang madaliin.” Payo ko at kinindatan naman ako ni Max. “Oo nga dad..doon din naman ang punta namin eh. Di natin kailangan magmadali.” Dugtong naman ni Maxine. “Paano kong may biglang umagaw d’yan kay Alfred o di kaya ay magkagusto sa iba?” napatigil naman sa pagsandok si Maxine pati si Marco at ella at napatingin sa kanyang ama. “Dad… Alfred loves me and hindi niya ako kayang lokohin. It won’t happen.” Sagot naman nito sa ama. “O siya-siya.. Kayo na ang bahala. Hala kumain na tayo.” Utos ni dad at kumain na rin kami. Puno ng kwentuhan at tawanan ang hapunan namin ngayong gabi. Kahit papaano ay na-miss ko ang ganitong eksena lalo na ng tumira ako sa Italy. Sa loob ng 10 yrs ay dalawang beses lang ako sa isang taon nakakauwi dito sa pilipinas kaya minsan lang kami nabubuo. Madalas ay busy si Daddy at si Max..at madalas ay kami lang ni mommy ang kumakain. Times like this is Priceless! Kinabukasan ay nagising si Dana na mabigat ang kanyang katawan at masakit ang kanyang ulo. Nagpasya siyang bumangon at maupo muna pero nahihilo siya kaya bumalik na lang siya sa pagkakahiga. Kumatok naman si Jelly sa door para gisingin ako. Pumasok si Jelly at tiningnan ako. “Mam gising na po kayo. Nakahanda na po ang breakfast niyo.” “Anong oras na ba?” tumingin naman sa relo nito si Jelly. “Alas dyes na po ng umaga mam.” Napadilat naman ako sa sinabi nito “Sina mama?” I ask again. “Maaga pa po silang umalis mam. May shareholders meeting daw po.” Napahawak naman ako sa ulo ko at parang gusto ko umiyak. They’re always busy. Hindi man lang nila alam kung may sakit ba ako o kung okay lang ako. Maaga namang umalis ng kanilang bahay si Maxine para pumunta sa kanyang opisina. Pagdating nito sa kanyang opisina ay agad niyang tinawagan ang kanyang secretarya para ihanda ang mga gagamitin sa fashion show sa sabado. Nag beep naman ang kanyang phone at may isang mensahe galing kay Kamila. Binuksan niya ito upang basahin at nagulat siya sa nakita niyang litrato na nasa isang tabloid. Si Dana at ang kanyang boyfriend na magkasama sa opening ng restaurant nito at nakahawak pa ito sa waist ni Dana. Napatayo si Maxine sa gulat at Inis. “This can’t be happening.” galit na galit na sambit ng dalaga at itinapon ang kanyang cellphone. Buong araw namang nakahiga lang si Dana sa kanyang kwarto at masama ang pakiramdam. Wala itong kamalay-malay na may issue na palang nangyayari sa kanya dahil sa litrato nila ni Alfred.