Samantalang sa resort naman ay kanina pa aligaga si Dino dahil hanggang ngayon ay wala pa si Dana. “Can you reach her?” tanong ni Dino sa assistant nitong si Diana.. “Hindi pa nga e..unattended! Naku..ano na kayang nangyrai sa kanya?.” Hindi naman mapakali si Dino at kanina pa pabalik-balik ng lakad. “Ano ka ba Dino...maupo ka nga muna, kanina pa ako nahihilo sayo.” Irita naman ni Icy ang Producer ng music video. “Tumawag ka na ba sa bahay nila? Natanong mo ba kung nakaalis na si Dana?” umupo naman si Dino na di mapakali. “Oo. Ang sabi ng mama niya ay kaninang 4pm pa daw umalis ng bahay nila si Dana…Mare, paano kung may nangyaring masama kay Dana? Naku..papatayin ako ng papa niya..” hinampas naman ni Icy ang balikat nito. “Tumigil ka nga..baka nalowbat lang ang phone niya at papunta na rin yon dito” sambit naman nito at humarap sa kanya si Dino. “Mare kung lowbat ang cellphone niya pwede naman siya mag charge sa sasakyan niya at isa pa 5 hours na simula nang umalis siya ng manila eh dalawang oras lang naman ang biyahe papunta dito pero hanggang ngayon wala pa rin dito si Dana… Mare, kinakabahan na talaga ako.” Kumalma muna tayo. Hindi tayo makakapag-isip ng mabuti kung puro Nega ang naiisip natin. Inutusan naman nila ng ibang staff na pumwesto sa kanto at baka sakaling Makita nila ang sasakyan ni Dana.. “Sana hindi ko na lang hinayaang bumyahe mag-isa si Dana.. ” pagsisisi naman ni Dino at hinimas ni Icy ang likod nito.
*
Sa penthouse naman ni Marco ay binalikan niya ang dalagang natutulog sa kanyang kama at agad na lumabas si Manang Vivian. Lumapit sa kama si Marco at umupo sa gilid nito. Nakatitig lang siya sa magandang mukha ng dalaga. “That day I saw you in the Restaurant and on the fashion show in Dubai, You were indeed pretty. but tonight, you look like an angel without make-up.” Pansin ni Marco sa natutulog na dalaga. Habang himbing na natutulog ang dalaga ay siya namang pag-aalala ng mga staff na nasa resort kung nasaan na ang dalaga. Hindi naman nila mai-report sa police na nawawala si Dana dahil pag nalaman ng papa niya na nawawala siya ay malalagot silang lahat. Kaya kanya-kanya na lang silang hanap kay Dana. Napansin naman ni Marco ang Patay na cellphone ni Dana at sinubukang i-on para sana tawagan ang pamilya nito at baka nag-aalala na ito sa kanya pero battery empty ang cellphone nito kaya agad na tumayo si Marco para i-charge ang cellphone nito. Alas dyes na ng gabi nang i-on ni Marco ang cellphone ni Dana..at sakto namang nag-ring ito dahil kanina pa sinusubukang tawagan ni Diana at sinagot naman agad ni Marco. “Hello Dana.. asan ka na ba? Kanina pa kami nag-aalala sayo.” Sambit ng isang babae sa phone “Akin na nga ako ang kakausap.” Singit naman ni Dino. “Hello dan..Where are you? We’re so worried about you..Asan ka susunduin kita.” “Ahhh Hello.. pasensya na pero hindi po si Dana ang kausap niyo. Natutulog si Dana..” sagot ng binata at napatayo ng tuwid si Dino. “Sino ito? Bakit kasama mo si Dana?” Alalang tanong nito. “I’m Marco.. nadaanan ko kasi sa Daan si Dana na basang-basa sa ulan at hinimatay kaya dinala ko muna siya dito sa bahay ko para ipagamot sa doctor. Masyado kasing malakas ang ulan kaya dinala ko na muna siya dito..pasensiya na ngayon lang nabuksan ang phone niya. Empty battery kasi kaya kinargahan ko muna.” Napasapo naman sa kanyang baba si Dino. “Oh my god! What happened to her? Is she ok now?” “Sumabog ang gulong ng sasakyan niya. Siguro ay dahil na rin sa malayo sa kabahayan ay wala siyang nahanapan ng tulong. Inabutan ko na lang siyang nakatayo sa ilalim ng malakas na buhos ng ulan at hinimatay. But don’t worry she’s ok now. She’s sleeping safe and sound.” Nakahinga naman ng mabuti si Dino sa nalaman. “Maraming salamat sa pagtulong. Tatanawin kong utang na loob ang pagligtas mo kay Dana..sandali, saan ba ang bahay mo para masundo namin d’yan si Dana?.” “Sa may Brgy. Masagana Narra Street. but I’m afraid na hindi na kayo makakapasok dito dahil 9pm ang Curfew. Siguro ay bukas na lang dahil delikado na rin sa daan lalo pa’t malakas ang buhos ng ulan.” I said. “Ganun ba..Osige total e tama ka naman ..isa lang ang hihilingin ko sayo. Please take care of Dana..” suyo naman ni Dino.. “Don’t worry, she’s safe in my house.” Sagot naman ni Dino. “SIge, maraming salamat ulit. Tatawag na lang ulit kami bukas.” At naputol na ang linya. “Anong sabi? Asan daw si Dana?” tanong ni Icy na kanina pa nakikinig sa kausap ni Dino. Napahawak naman sa kanyang dibdib si Dino at nakahinga ng mabuti. “Thanks god, she’s fine.. May nakakita sa kanyang lalake, Marco ang pangalan. Nadaanan niya daw si Dana sa daan na basa ng ulan at hinimatay. Sumabog daw ang gulong ng kanyang sasakyan.” Nagulat naman si Icy pati ang ibang staff. “Oh my.. kawawa naman si Dana. Luckily, may nakakita sa kanya.. Taga saan ba daw yung tumulong sa kanya?” tanong uli ni Icy.. “Ang sabi ay sa Brgy.Masagana Narra street ba yon kung hindi ako nagkakamali.” Sagot naman ni Dino. “Naku Mam..malayo pa po dito ang Brgy. Masagana may 20 kilometers pa po simula dito.” Singit naman ng staff ng resort at napalingon silang lahat. “Ano?” sabay na sabi ni Dino at Icy…
Nagpasya namang bantayan muna ni Marco ang dalaga sa kanyang kwarto. Umupo siya sa kabilang side ng kama at hindi na niya namalayan na nakatulog na siya at sa iisang kama lang sila ni Dana natulog..pagsapit ng umaga ay unang nagising si Dana at kumikirot ang kanyang ulo. Agad siyang bumangon at napasapo sa kanyang ulo. “Ouch! My head..” napapikit siya sa sakit ng ulo niya pero bigla siyang napadilat ng mapansin niyang nasa isang kwarto siya. Napatingin siya sa paligid. “Where am I?. Paano ako napunta dito?” tanong nito sa sarili at yumuko para tingnan ang suot nitong damit sa ilalim ng kumot. “Oh my..sinong nagpalit sa akin?” bigla siyang napatigil at nanigas sa kanyang kinauupuan ng mapansin niyang may katabi siya sa kama. Unti-unti niya itong nilingon at nakita ang natutulog na binata. Nanlaki ang kanyang mata at napasigaw. “Ahhhhhhhh……” sa sobrang gulat sa sigaw ng dalaga ay napadilat at napabangon si Marco at nahulog sa sahig.. “Ouch!..” tumayo agad si Dana at lumayo sa kama. “Who are you? What did you do to me?” singhal nito sabay duro kay Marco. Tumayo naman si Marco habang hawak ang kanyang beywang.. She didn’t recognize me? Ang ibig nitong sabihin ay hindi niya ba ito natatandaan samantalang andoon din sa Dubai si marco noong fashion show at kasama nila sa dressing roon nang magkasagutan sila ni Patsie..dahil na rin sa madaling makalimot si Dana ay hindi nito maalala ang binata. Oo nga pala, hindi nga pala ako naipakilala ni francis sa kanya kaya hindi niya ako maalala. “Calm down! I didn’t do anything to you... I just helped you last night.” Sambit ni Marco na namimilipit sa sakit. Bigla namang natigilan si Dana ng maalala niya ang nangyari sa kanya kagabi hanggang sa may dumating na lalake at hinimatay siya. Napatayo naman siya ng tuwid at kumalma. “Ikaw ang tumulong sa akin kagabi?” tanong nito sa binata. “Yes. And this is my House.” Nagpalinga-linga naman si Dana at napataas ang kilay niya. “Anong ginawa mo sa akin kagabi?” tanong ng dalaga habang nakapameywang ito. “What do you mean?” takang tanong naman ng binata habang hawak pa rin ang kanyang beywang. “Did you harassed me last night? Do you know me?” napatingin naman ang binata “Are you crazy?. Ano naman ang gagawin ko sayo?” at nagcross naman ng kanyang kamay sa dibdib ang dalaga. “Aba malay ko kung hinarass mo ako kagabi.” Dugtong ng dalaga at nainis naman ang mukha ng binata. “Miss..I saw you last night in the middle of the road and is going to die because of coldness, so I offered to help. But instead of thanking me, I got nothing! And now you’re accusing me for….Whatever!” Inis nitong sabi at agad na tumalikod at akmang lalabas ng kwarto. “Hep! hep! Saan ka pupunta?” nilingon naman siya ni Marco. “Lalabas dahil baka kung ano pa ang ibintang mo sa akin.” Nagpatuloy naman sa paglabas si Marco at Naiwang nakatayo lang si Dana na nakatingin sa lumabas na binata. Nakonsensiya naman ito sa mga sinabi sa binata. Napaupo na lang siya ulit sa kama at nilingon ang pintuan. “Masyado ba akong naging harsh? Masisisi niya ba ako? He’s stranger to me.” Napanguso naman siya at napaupo ng maayos. Lumipas ang isang oras ay may kumatok sa pintuan at pumasok ang isang may edad na babae. “Good morning po ma’am. Pinapabigay po ni sir..pagkatapos niyo daw po maligo ay bumaba na lang daw po kayo para mag breakfast.” At nilapag naman nito ang isang box sa kama. “Sige, thank you.” At agad na itong lumabas ng kwarto. Inabot ko naman ang box at tiningnan ang laman. May isang floral longsleeve dress na above the knee at…Bra and Underwear? Napanganga naman ako.. “Siya kaya ang bumili nito? My god! Nakakahiya..” napapikit na lang ako sa hiya at agad na tumayo at pumasok sa banyo para maligo. Pagkatapos ko maligo ay sinuot ko ang pinabigay niyang dress sa akin. And surprisingly, it fits on my body na para bang isinukat sa katawan ko ang size. Tiningnan ko sa salamin ang sarili ko. “In fairness, magaling siya mamili ng damit.” Habang tinitingnan ko sa salamin ang suot ko. Lumabas na rin ako sa kwarto at bumaba na.. The house is so modern, ang disensyo ay pinasadya pa siguro sa architect..I’m so impressed! Pagkababa ko ay sinalubong na ako agad ng may edad na babae na naghatid sa akin ng box kanina sa kwarto. “Naku mam. Bagay na bagay po sa inyo ang binili ni sir..” bigla namang nagulantang ang Sistema ko ng malaman kong siya ang bumili ng suot ko at ng… Oh my God! Napanganga na lang ako at napahawak sa suot ko. Pilit na ngiti naman ang ginanti ko sa babae. “Dito po tayo sa Dining mam para makapag-almusal na po kayo.” Yaya naman nito sa akin at sumunod naman ako. Umupo na ako sa table at nakahanda na rin ang breakfast. Napansin ko namang nakatitig sa akin ang babae at tiningnan ko siya. “Bakit? May dumi ba sa mukha ko?” I ask. Umilling-iling naman siyang nakatingin sa akin. “Naku wala po mam. Di lang po ako makapaniwala na andito kayo sa bahay ng boss ko..napakaganda niyo po pala sa personal. Iniidolo po kasi kayo ng Apo ko. Sayang at wala siya dito ngayon.. siguradong matutuwa yon kapag nakita kayo.” Tugon naman ng babae. Somehow ay nakaramdam ako ng tuwa sa sinabi niya na idolo ako ng Apo niya. Napangiti naman ako. “Talaga po? Asan po ang apo niyo ngayon?” I ask her.. “Nasa kabilang bayan po mam. Nag-aaral pa po kasi siya ng kolehiyo at tuwing bakasyon lang siya nagagawi dito sa penthouse ni sir.” She said. Tahimik namang nakikinig sa labas ng Dining room ang binatang si Marco sa pinag-uusapan ng dalawa. “Ahhh..pwede ko ba malaman kung ano po ang pangalan niyo?” napatuwid naman ng tayo ang babae. “Naku, pasensiya na po at hindi ako agad nakapagpakilala. Ako nga po pala si Vivian, manang Vivian na lang po ang itawag niyo sa akin.” Tumango naman ako at nginitian siya.. “Ok, manang Vivian.. matagal ka na po bang nagtatrabaho dito?” “mahigit sampung taon na po mam.” Napaisip naman ako kung may asawa ba ng boss niya dahil kung meron ay kailangan ko na umalis agad dito dahil ayoko ng eskandalo. Baka isipin ng asawa niya na kirida ako. “ Manang Vivian..curious lang ako. May asawa po ba ang boss mo? I mean baka magalit ang asawa niya dahil andito ako.” Napatawa naman ng konti ang babae. “Wala po mam. Binata pa po si sir..” nakangiting nakikinig naman sa kabila si Marco ng marinig niyang nagtanong si Dana kung may asawa na siya. “That’s good to hear..” lumapit naman ang babae para i-abot sa akin ang ibang pagkain. “Sige na po mam kumain na po kayo para makabawi po kayo ng lakas.” Napalingon naman ako sa paligid at tumingin ulit sa babae. “Manang, hindi ba sasabay kakain ang boss mo?” napalingon naman si Marco habang nakatalikod ito sa pader sa tanong ni Dana.. natutuwa siya dahil may care din pala ito sa ibang tao sa kabila ng ugali niya. Siguro ay mali lang ang pagkakakilala nila sa dalaga at hinusgahan nila agad ang ugali nito. Bigla naman naisip ni Dana ang suot niya kagabi at kung sino ang nagpalit sa kanya ng damit. Hindi kaya yung lalaki ang nagpalit ng damit ko? No,no, no way! “Manang, yung suot ko po kagabi sino po ang nagtanggal at nagpalit sa akin ng damit?” bigla namang napangiti si marco dahil ang akala ng dalaga ay siya ang nagpalit ng damit nito. Napapa-iling na lang ang binata. “Don’t tell me..ang boss mo ang gumawa?” kinakabahan kong tanong sa babae. “Ayy naku hindi po mam. Ako po ang nagpalit sa inyo ng damit. Pasensya na po basang-basa na po kasi kayo kagabi at walang malay kaya pinapalitan po kayo ni sir ng damit.” Nakahinga naman ako ng maluwag sa sinabi nito. “Oh…That’s a relief!” nagpasya namang pumasok na sa Dining room si Marco at kunwaring kakarating lang nito. “Andito na po pala kayo sir..breakfast na po kayo.” Yaya ni manang Vivian at napalingon naman ako sa gawi nito. I was stunned by him when I glance at him. His masculine body and his handsome face. Ang matangos nitong ilong at ang kissable niyang lips. Naka white shirt and gray pajama lang siya but I find him sexy sa simple nito suot. Bumalik naman ang ulirat ko ng maupo siya sa unahang bahagi ng table at nasa right side niya lang ako. Sumandok ito ng kanin at ulam “Kamusta na ang pakiramdam mo?” he ask and I look at him. “I feel better now. Thanks for helping me.” Tugon ko habang hindi nakatingin sa kanya. “Tumawag kagabi ang manager mo. sorry kung pinakialaman ko ang phone mo.” Napatingin naman ako sa kanya. Empty battery ang phone ko kagabi. Kinargahan niya siguro at tinawagan ang family ko. In fairness, may common sense siya.. “Susunduin ka nila dito mamaya at ang kotse mo pinaayos ko na sa mga tao ko at nasa labas na.” seryoso nitong sabi. “Sa Bluespring resort pala ang punta mo?” I look at him again. “Yes, pero biglang sumabog ang tire ng kotse ko at ang lakas pa ng ulan.” He stop eating and look at me. “You’re in the wrong road. Malayo pa dito ang Bluespring resort. 20kms.pa simula dito.” Napatigil naman ako sa pag-nguya at napatingin sa kanya. Kaya pala wala akong mahagilap na kabahayan at puno ng kakahuyan ang nakikita ko kagabi dahil mali ang napasukan kong daan. Gosh! Nakakahiya.. “Hindi mo ba alam ang daan papunta doon at dito ka napadpad?” “Ofcourse I know. Hindi naman ako bi-byahe all the way from manila papunta dito kung hindi ko alam ang pupuntahan ko. Hindi ko lang masyado Makita ang daan dahil sa lakas ng ulan kagabi.“ katwiran ko at tumango naman ito pero mukhang hindi nakumbinse sa sinabi ko. Nakaramdam naman ako ng inis dahil feeling ko ay pinagtatawanan ako nito. “Kumain ka na at baka dumating na rin ang mga kasama mo dito para sunduin ka.” Bigla naman naalala ni Dana ang nangyari kanina. “Sorry for what happened earlier. I was so shocked! I never been slept with a guy on the same bed.” Napatingin naman si Marco. So I was the first man she slept with on the same bed? May tuwa naman sa isang sulok ng puso ng binata. “It’s ok. I understand. Ang importante ay ligtas ka na and you’re Ok.” sagot naman nito. “Masakit pa ba ang beywang mo?” nahihiyang tanong naman ni Dana. “Hindi na. nilagyan ko na ng pain reliever. Don’t worry.” Napayuko naman si Dana. I’ve never been embarrassed like this in my whole life!