Chapter 10

2084 Words
Maaga akong gumising para pumunta sa shop ng kaibigang kong designer para isukat ang mga dress na gagamitin ko sa charity fashion show at nadatnan ko na sa shop si Dino doon na naghihintay sa akin. “Hey Dan.. finally you’re here..magpahinga ka na muna bago natin isukat ang dress sayo.” sambit ni Dino at umupo naman muna ako sa couch. “Nagdala ka ba ng gamit mo para sa pagpunta natin ng batangas mamaya?” he asked at nilingon ko sayo. “Nope! Babalik muna ako sa bahay mamaya para makapagpaalam ng maayos kila papa. Mamaya pa kasi sila darating..mauna ka na lang mamaya sa batangas. Alam ko naman ang resort na yon. Susunod na lang ako.” He looked at me. “Are you sure? Pwede ka naman namin hintayin para sabay na tayo.” “No, mauna na lang kayo dahil baka matagalan ako sa bahay. Susunod na lang ako.” Pilit ko. at hindi na rin siya nagpumilit pa. Isinukat ko na rin ang mga dress at may isa lang na kailangang i-adjust.. “Dana...gusto mo bang sumali sa event ng isang jewelry sa makati next month? The owner is my friend.” Tanong ni Allison ang kaibigan kong designer. “I’m not sure since puno ang schedules ko until next month.. Right Dino?” nilingon naman ako  nito habang inaayos niya ang Dress sa manniquin. “I’ll check your schedule..anong petsa ba?” he ask Allison. “2nd week next month.” He check his phone para tingnan ang schedules ko. “Actually, wala kang schedule that week next month..pwede kang sumali. “ i looked at him. “Ang totoo n’yan ay ikaw ang gusto ng kaibigan ko sa finale ng kanyang Jewelry Collection but he doesn’t know how to contact you.” She said.. “Pwede rin naman..” tugon ko. “Really? I’ll let him know..” masaya naman si Allison sa sagot ko. “O siya..ayusin mo na lang yong dress at aalis na kami mare..magkita na lang tayo sa Friday dahil may video shoot pa itong alaga ko sa batangas.” Paalam ni Dino habang kinukuha ang kanyang bag at lumapit na kay Allison para magbeso. “o sige mare..mag-iingat kayo sa daan.” Tumayo na rin ako at nagbeso kay Allison. Lumabas na rin kami ni Dino at tinungo ang sasakyan. “Tawagan mo ako kapag papunta ka na ng batangas. Sigurado ka bang hindi ka na namin hihintayin?” he ask again.. “Yeah..mauna na kayo. I’ll call you kapag on the way na ako.” “Ok. Ingat ka sa pagmamaneho.” Sumakay na rin ako agad at nagmaneho pauwi ng mansyon. Inabutan ko sa bahay sila mama na mukhang kararating lang din nila ng bahay. “Anak, ang aga mo naman nakauwi ng bahay..” mama said at lumapit ako sa kanila ni papa para humalik. “Actually, kukuha lang ako ng gamit ma. May video shoot ako sa Batangas bukas so kailangan ko pumunta doon ngayon.” napaupo naman si papa ng tuwid. “At sino ang kasama mong pupunta doon?” umupo ako sa tabi niya. “Ako lang pa. Pinauna ko na sila Dino doon. Alam ko rin naman ang daan papunta doon.” Hinimas naman ni mama ang buhok ko dahil katabi ko lang siya. “Are you sure anak?” sumandal naman ako sa shoulder ni mama. “Ofcourse ma. Don’t worry i’ll take care of myself. Alam ko naman ang daan papunta doon.” Sagot ko. “Ipapahatid na lang kita sa driver doon para safe ka.” Dugtong ni papa. “hindi na pa. Wala na magmamaneho dito kung ipapahatid niyo pa ako kay Manong Rene..Promise, i’ll take care.” And i smile at him. “Ok, OK...basta tatawagan mo kami ng mama mo kapag dumating ka na sa pupuntahan mo.” Bilin ni papa. “Yes pa..I love you pa,ma..” and they hugged me tight.. “We love you too anak.” Sabay nilang sabi..i really missed moments like this. Bumitaw naman sila sa akin agad. “Akyat na po muna ako sa kwarto. Kukuha lang po ako ng dadalhin kong gamit.” Paalam ko sa kanila. “Osige anak..” sambit ni mama habang himas ang likod at tumayo na rin ako at tinungo ang kwarto ko. kumuha lamang ako ng ilang gamit at inilagay sa bag. Bumaba rin ako agad para makaalis din dahil 4pm na rin ng hapon at baka ma-traffic ako at malayo pa ang batangas. Pagkababa ko ay agad na akong nagpaalam kila papa at hinatid nila ako sa sasakyan ko. “Mag-iingat ka anak, tawagan mo kami kapag dumating ka na sa batangas.” I kiss them both. “Opo. Alis na po ako. “ kumaway naman si papa at mama sa akin at inistart ko na ang car at umalis na. Nagpasya namang umalis ng batangas si Marco para umuwi sa kanilang bahay sa manila. Dalawang araw na rin siya sa site at hindi pa siya nakakauwi sa kanilang bahay simula nang bumalik siya galing ng Dubai.  Ipinagkatiwala muna niya kay Miko at sa engineer ang itatayo ulit na building.  Habang nasa biyahe ay Binuksan naman ng dalaga ang radio sa kanyang sasakyan at nakinig nang balita..  “Ayon sa PAGASA ay uulan ng malakas ngayong araw.  Kaya ingat-ingat po tayo mga kababayan..bago po tayo lumabas ng bahay ay siguraduhing magdala ng payong para iwas po tayo sa sakit.” Sambit ng news anchor.  “Naku! Mukhang wala akong dalang payong..nagpatuloy lang sa pagda-drive si Dana..  Ilang sandali pa ay bumuhos na ang malakas na ulan. At mas lalong dumilim sa paligid.  Binagalan ko ang takbo ng kotse ko para tingnan kung ito na ba yung kanto papasok sa resort. Sa sobrang lakas ng ulan ay hindi ko na maaninag ang daan. Lumiko ako sa kanto at dumiretso lang. ilang minuto pa ang lumipas ay biglang pumutok ang gulong ng sasakyan ko.  “Oh my God! “ napasigaw siya sa lakas ng pagsabog ng gulong.  “s**t! Flat ang tire ko? Anong gagawin ko dito? Hindi pa naman ako marunong magpalit ng tire and It’s raining cats and dogs.. Urgggh!  Pag minamalas ka nga naman.” I grab my phone to call Dino but my phone is running out of battery, it’s only 1%.  Sinubukan kong i-dial si Dino baka sakaling makayanan pa.  “Pick up, pick up, pick up!” pero biglang namatay na ang phone ko.  “What?! Aaaaaaah.. Nakakainis!  Paano ako aalis nito dito? Ang lakas pa ng ulan” tumingin ako sa bintana at bigla akong natakot.  Bukod sa madilim ang lugar at tanging ang light lang ng sasakyan ko ang umiilaw ay wala pa akong makitang mga kabahayan.  Napasabunot na lang ako sa buhok ko.  “Ano na ang gagawin ko?  ” inis kong sambit habang hinahampas ng manibela.  Sinubukan kong hintaying tumila ang ulan saka ako bababa at hihingi ng tulong pero lumipas ang dalawang oras ay hindi pa rin tumitila ang ulan.  “Gosh, nagugutom na ako.. Magpaulan na lang kaya ako?  Mukhang walang balak tumila ng ulan.” Naglakas loob na lang akong lumabas ng sasakyan kahit malakas ang ulan para makahingi ako ng tulong. Una kong tiningnan ang gulong ng kotse ko at ang laki ng butas. “My god! Sa laki ng butas impossibleng makakaalis ako dito. Lumingon-lingon ako baka sakaling may dumaan na sasakyan o di kaya ay tao para makahingi ng tulong pero wala akong nakikita. Naglakad ako ng konti sa unahan para maghanap ng bahay at magbakasali at makigamit ng telepono para tawagan si Dino. Naglakad ako sa daan para maghanap ng pwedeng tumulong sa akin pero wala kong mahagilap na kahit isang bahay.  Medyo maraming kahoy sa paligid at ang lakas pa ng buhos ng ulan. Yakap-yakap ko ng sarili ko sa sobrang lamig ng ulan. “hooooo..It’s so cold...” at nagpatuloy lang ako sa paglakad. Si marco naman ay patuloy sa pagmamaneho para umuwi ng maynila kahit na malakas ang buhos ng ulan. Tumawag naman ito sa kanyang daddy na uuwi siya kahit na gabi na. ang dalagang si Dana naman ay kanina pa naglalakad pero wala pa rin siyang makitang kabahayan. “What the hell? Kanina pa ako naglalakad ah..tama ba tong nadaanan ko? Dati naman maraming bahay dito.” Inis na ako dahil wala pa rin akong Makita. “Ouch..” Biglang sumakit ang paa ko at mukhang nasugatan na sa kakalakad ko dahil sa suot kong sandal na 2 inch ang heels. Tinanggal ko na lang ito at nagpaa na lang ako. “I feel better.” Pero bigla akong nakaramdam ng takot dahil sa kulog at napansin na puro kakahuyan ang both sides ng road. “Oh no!..mukhang mali nga ang nadaanan ko.” Umatras na lang ako at bumalik sa kotse ko. Ilang minute pa akong naglakad pabalik sa sasakyan ko ay hindi ko na namalayan na malayo na nga masyado ang nilakad ko. Ilang minute pa akong naglakad at natanaw ko na ang kotse ko. Nanghihina na ako dahil sa sobrang lamig at gutom. Lumiko naman galing sa isang kanto ang sasakyan ni Marco at may natanaw siyang babae sa ilalim ng ulan. Nagtaka ito at binagalan ang takbo ng kanyang kotse para kilalanin ang babae. “Who is she? What is she doing in the middle of the road?” sambit ni Marco pero bigla siyang nagulat ng bumagsak ang babae sa daan sa gitna ng malakas na buhos ng ulan. Agad niyang tinanggal ang kanyang seatbelt at di nagdalawang-isip na suungin ang malakas na ulan para tulungan ang babae. Humarap naman ang dalaga sa dumating na sasakyan. Tumakbo papalapit si Marco, Blurry na ang paningin ng dalaga pero naaninag pa rin niya ang mukha ng lalake. Biglang naman hinimatay ang dalaga dahil lamig,pagod at gutom. agad naman siyang hinawakan ni marco sa braso at ibinangon pero laking gulat niya ng tamaan ng ilaw ang mukha ng babae. “Dana?” agad niyang binuhat ang dalaga at nahagilap ang gulong ng kotse nitong butas. Agad niyang dinala si Dana sa kanyang kotse at isinakay sa front seat, naisip naman niyang balikan sa kotse ni Dana ang kanyang purse at cellphone at ini-lock muna ang kotse ng dalaga. Dali-dali siyang bumalik sa kanyang kotse at sumakay. Sinubukan niyang gisingin ang dalaga. “Dana..?” tinapik-tapik nito ang pisngi ng dalaga pero wala pa rin itong malay. Kinuha naman niya agad ang kanyang coat sa likod ng kanyang sasakyan at isinuot kay Dana para mabawasan ang lamig at pinatay na muna nito ang Aircon. Inistart nito ang kanyang sasakyan at bumalik muna sa kanyang Bahay para gamutin si Dana… mabilis siyang lumiko at pinatakbo ng mabilis ang kanyang sasakyan. Pagdating sa kanyang penthouse ay agad niyang binuhat ang dalaga papasok sa kanyang bahay at agad na sinalubong ng katulong nitong si Manang Vivian na nagulat sa kanyang amo na basang-basa at may buhat na babaeng walang malay. “Manang pakitawagan naman po si Dr.Soles, sabihin mo emergency lang.” agad namang tumugon ang matanda at tinawagan ang Doctor. Malapit lang naman ang bahay ng doctor sa kanyang penthouse kaya mabilis itong makakarating sa kanyang bahay. Inilapag naman ni Marco si Dana sa kanyang kama at tinawag si Manang Vivian para alisin at palitan ng damit si Dana dahil basang-basa ang suot nitong damit. Kumuha naman ng damit pamalit si Marco dahil basa rin ito at lumabas ng kwarto. Maya-maya pa ay dumating na ang Doctor at saktong papalabas siya ng Guest room. “Doc Louie...i’m sorry kung pinatawag kita ng ganitong oras at malakas pa ang ulan. Emergency lang talaga..” paghingi ko naman ng pasensya..”It’s Ok..It’s my duty and hindi ka naman iba sa akin Marco..Saan ang pasyente?” “Nasa kwarto ko.” at sinamahan ko siya papunta doon. Pagpasok ni Doc louie ay bahagya pa siyang nagulat ng Makita niya si Dana.. “Is that Dana Marie Dela Fuente?” turo ni doc kay dana. Napalingon naman ako sa kanya. “Yes doc...bakit?” napalitan naman ng tuwa ang mukha ni Doc.. Does he like Dana? Nagtataka lang akong nakatingin sa kanya at agad na lumapit si Doc sa kama. “What happened to her?” he ask me. “Hinimatay siya sa daan. I don’t know what exactly the reason pero sa tingin ko ay dahil sa lamig.” Pinagpatuloy naman ni Doc ang kanyang pag-tingin kay Dana.. “Ok naman ang vitals niya at normal lang din ang blood pressure niya.baka masyado lang siyang nilamig dahil na rin sa buhos ng ulan. Kailangan lang niya ng pahinga and she will be fine.” Nakahinga naman ako ng maayos dahil sa sinabi ni Doc. “My Daughter really loves her. Kaya nagulat ako ng Makita ko siya dito.” Natuwa naman ako sa sinabi ni Doc. At napatingin ako sa natutulog na si Dana.. Everybody loves her work kahit na may katarayan siya. Nagpaalam na rin ito at hinatid ko na sa pintuan dahil hindi pa rin tumitila ang ulan. Dala rin naman ni Doc ang kanyang sasakyan. Pagkaalis niya ay agad akong bumalik sa taas para balikan si Dana na nagpapahinga sa aking kwarto.
Free reading for new users
Scan code to download app
Facebookexpand_more
  • author-avatar
    Writer
  • chap_listContents
  • likeADD