[ S P A D E ' S P O V ] "Master! Master! Masamang balita po! Ang inyong asawa! Sumusuka na naman po siya ng dugo!" balita sa akin ng isa sa mga tauhan ko. Kasalukuyan akong nakaupo rito sa aking opisina sa aming mansyon at nag-aayos ng mga papeles nang mapakinggan ko ito. Agad ko namang naitapon ang mga hawak kong papeles at napatayo mula sa aking pagkakaupo. Walang anupama't dali-dali akong kumilos papunta sa kwarto namin ni Alex. Diyos ko po, bakit po ba nagkakaganito ang asawa ko? Masyado nang marami ang napagdaanan niya para bigyan niyo pa po siya ng karamdaman. Ito na ba ang kabayaran sa lahat ng pagpatay na ginawa ko? Pero ginawa ko lamang ang mga pagpatay na iyon upang mapagtanggol ang mga mahal ko sa buhay. Nakarating ako sa pangalawang palap

