[ S P A D E ' S P O V ] "Anong s-sabi mo? My brother is in love w-with my w-wife?" garalgal na boses kong sambit nang tuluyang magsink-in sa utak ko ang mga bagay na binunyag niya sa akin. Pero kahit ilang beses ko pa ipa-ulit ulit sa utak ko, parang hindi ko pa rin matanggap. Parang hindi ko pa rin lubos maisip na sa loob ng maraming taon, si Sean ... may gusto kay Alexandria. Tinitigan ko lang ang babaeng nagsiwalat sa akin nito. Pinagmasdan ko kung paano siya muling huminahon at ang pagkalma niya sa sarili niyang emosyon. Hindi ko siya minadala para sa sagot na kailangan ko. Ilang sandali pa ay dahan dahan siyang tumalikod sa akin upang kunin ang isang upuan malapit sa may lamesa at dinala ito sa tabi ng side table. Nabakas ko na talagang nilagyan niya

