[ S P A D E ' S P O V ] "Hey, Liam, what's your dream?" pambasag ni Alex sa katahimikang bumabalot sa buong paligid. Parehas kaming nakahiga sa hood ng kotse ko at prenteng nakatingin sa magandang kalangitan ngayong gabi. Litaw na litaw ang napakaraming bituin ngayon. Para silang mga nagkukumaripas na mga tauhan upang magbigay pugay sa nakakabighaning babae na nasa tabi ko. Napatingin naman ako sa kanya. Nanatili pa rin siyang nakatingin sa taas. She has this sparkly pair of eyes that keeps me attracted to her. I can't believe I fell in love with the same woman twice. "My dream? Bakit mo naman natanong?" I asked. "Wala lang. Naisip ko lang, kung hindi natin ulit nakita ang isa't isa, ano na kayang mangyayari sa atin? Magiging masungit a

