[ R E N N E I ' S P O V ] "Pwede ba tumigil na nga kayong mag-ama!" hindi ko na napigilan ang mapasigaw nang makita kong babangon pa sana si Alexei para sugurin ang ama. Alex, ano ba 'tong nangyayari sa mag-ama mo? Ayaw ko man aminin pero ikaw ang nagiging dahilan kung bakit mas lalong nagkakalayo ang dalawang ito sa isa't isa. Kung hindi ka sana namatay ... Tinulungan naman bumangon at tumayo ng maayos ni Finn ang kuya niya. Bara barang pinunasan ni Alexei ang dugo mula sa putok niyang labi gamit ang kamay niya. "Bakit auntie? Hindi ba totoo? Hindi ba't nawalan naman na talaga siya ng pakialam sa amin simula ng mamatay si mom?! Wala siyang ginawa noong mga oras na mamamatay na si mom! Walang nagawa ang trabaho, mga tauhan, at pera niya!" muling pang

