[ D E R E E N ' S P O V ] "K-kakayanin niyo i-to. A-andito p-pa si Alex. Po-protektahan n-niya k-kayo. Huwag t-tayong mawawala--n ng pag-asa. Mabubuhay tayo --" Ang napakaamo niyang mukha na nagpapakita na ng senyales ng puyat, pasakit, hirap, pangungulila, at takot. Hinding hindi ko nga siguro makalilimutan iyon. Kahit na ba pinupuno ng droga at ng kung ano anong gamot ang katawan ko, kahit na ba hirap na hirap na ako noong mga panahong iyon, makita ko lang ang pagningning ng mga mapupungay niyang mata ay sapat na. Sapat na ang ningning ng mga iyon para yakapin ako ng pag-asa at tapang na balang araw makakatakas din ako sa seldang iyon. Paano ko nga ba makalilimutan ang babaeng nagpalakas din ng loob ko? Lorraine, ikaw nga ba ang n

