[ R E N N E I ' S P O V ] "You mean, walang ibang paraan para makausap o mapuntahan ang judge?" hindi ko na naiwasan ang pagtaas ng boses ko. Nandirito kami sa laboratory na pinagawa ko exclusively para sa Onyx Blood Disease na 'yan. "Malungkot man sabihin pero oo." bagsak na mga balikat na tugon sa akin ni Axel na kararating lang mula sa pag-iimbestiga niya ukol sa judge. Brooven Family. Dahil sa kanila nanggaling ang lahat ng nagdaan na judge, sigurado akong napag-isipan na nila ang isang matibay na estratehiya para hindi matagpuan ng kahit na sino. Napabuntong hininga na lang kami ng sabay sabay nina Dereen at Fiacre. Wala na ba talaga kaming magagawa? Pero ayoko. Ayokong aminin na wala na talaga. Napapikit ako na naiisip ko.

