17 Years Passed ... "Ms. Martin, maaari po bang kayo na ang mag-abot ng mensahe ko kay master? Ayoko po kasi siyang abalahin sa pagbisita niya kay Lady Alexandria eh. Pakisabi naman pong kailangan na po niyang bumalik sa mansyon." pagpapaabot sa akin ng mensahe ni Dash nang malapitan niya ako. Tumingin ako sa kanya ng sandali at tumango bilang pagtugon sa kanyang pakiusap. Napabuntong hininga na lang ako. Labing pitong taon na ang nakalilipas. Ang daming ng nagbago. Habang dala dala ang aking nakabukas na payong ay humakbang ako papasok sa mausoleum kung nasaan si Spade. Marahan kong isinara ang aking payong at saka tuluyang lumapit sa kanya. Tahimik lamang siyang nakatayo sa harapan ng lapida ng pinakamamahal niyang asawa. Kahit kail

