Chapter 3

1595 Words
Komportable kong inihiga ang sumasakit kong likod sa malambot at malaki kong kama. Inilatag ko rin ang tila kumikirot kong mga binti at mga braso na kung malalaman mo lang ay hindi naman talaga nagamit ng husto. Para kasing nanghihina ang buong katawan ko sa lahat ng nalaman ko kanina. Hindi ko na alam kung ano ang una kong iintindihin. Ang kaligtasan ng lahat o ang buhay ni Alex na nangangambang matapos sa loob lang ng twenty years.   Imposibleng makuha nila si Alex sa ganitong panahon at sitwasyon. Ngayon na kailangan mo pang daanan ang hindi mabilang na mga tauhan ng pamilya nila at ng amin, ngayon na mas dumami ang mga mafia na sumusuporta at nagpapasakop sa pamamahala ng mga Vantress at Cromello, imposibleng makalapit sila. Isa pa, tiniyak ng ama ni Spade na mas humigpit ang seguridad sa pamamahay nila. Pinapalitan nila lahat ng salamin into bulletproof glass para lang masiguro na kahit man i-ambush sila mula sa labas ay walang masasaktan sa loob. Pinayagan din ni kuya Xander na manatili ang mga personal reapers niya sa tabi niya. Kapag pinagsama sama mo ang lahat lahat ng pwersa na ito, ni isang hibla ng buhok ni Alex ay hindi nila mahahawakan kahit kailan. Hindi kaya ...   "There's another method that they can use if they can't get their target. I don't know what kind of experiment they did pero one day, when I was on a mission, I found her drawing her sword against me. Hindi niya na ako nakikilala. Wala kang mababakas na kahit anong emosyon sa mukha niya. Nagbago ang kulay ng mata niya. Pinapalibutan siya ng mga makabagong gamit at sandata. Nag-iba din ang tono ng pananalita niya. But what really surprised me is that, she somehow mastered swordmanship, driving, archery, martial arts, etc. You see, my mom is a damsel in distress. She's even physically weak eversince she was born. That time, naisip ko na ... hindi na siya ang nanay ko. Para bang ni-reformat nila ang utak niya. Damn that council."   Ibig sabihin ba noon, may posibilidad na maging ganoon si Alex? No ... no way in hell. Nawala na sa kanya dati ang alaala niya for almost 11 years tapos mawawala ulit 'yun sa kanya ng dahil lang sa pesteng blood disease na iyon? f**k.           Napabalikwas naman ako at napabangon kaagad ako nang tumunog ang cellphone ko na nakapatong side table ko. Napabuntong hininga naman ako at iniabot ito para tignan kung sino ang nagpadala ng message.           Marc           Tinap ko ang inbox icon sa phone ko at saka binasa ang kakapasok pa lang na message. "Go out a bit. The usual." tanging ang mga salitang ito lamang ang laman ng message. Gayunpaman ay tumayo ako para kunin ang jacket ko upang lumabas tulad ng pinapagawa niya sa akin.           Marami siguro ang di nakakaalam at sa tingin ko wala ring nakakapansin sa mga kaibigan namin na malapit kami sa isa't isa. Masasabi kong mas nakilala ko si Marc ng lubusan noong mga panahon na binantayan ko siya nang dahil sa sobrang pagod niya sa pag-eensayo sa swimming noong may kompetisyon sa pagitan ng mga elite schools.           Alam ko rin na may natatago siyang feelings para kay Alex noon pa. Ang kwento niya sa akin ay nagsimula daw ang nararamdaman niya sa paghanga. Hinangaan daw niya sa may isang babae na naglakas loob na kumalaban sa leader ng ten heads. Idagdag pa raw na ni hindi man lang ito natakot na makipagtagisan ng tingin sa taong isa sa mga pinakakinakatakutan niya. When he told this to me, I can't believe at first. I mean, a casanova like Marc Joe Llanes? Heh.           Hanggang tingin lang daw siya talaga noon dahil nga sa may namamagitan na iringan sa pagitan ng mga grupo namin pero noong araw na sumama kami sa kanila para kumain at nakapag-usap ang lahat ay nagawa na niyang makipagkaibigan dito ng malaya at legal daw ba kumbaga. Tinakbo pa nga nila ang counter noon para lang sa order ni Alex, di ba? Natorpe raw siya kaya never siyang nagconfess. Isingit pa na nagkakaroon ng hinala ang mga heads dati na iba ang trato ni Spade kay Alex kaysa sa iba. He doesn't want to interfere nor to get on his king's way. Hindi naman siya manhid. Alam niyang wala na talaga siyang pag-asa nang makita niyang hinagkan ni Spade si Alex nang mailigtas ito. Naisip niya na kung ikaliligaya ito ng taong lubos niya nirerespeto ay handa siyang magparaya kahit na ba kapansin pansin pa rin ang pag-aalaga at pag-aalala ni Marc sa tuwing may nangyayaring masama kay Alex.           "Yo!" narinig kong tawag sa akin ni Marc na nakaupo sa isa sa mga matataas na sanga sa punong hindi kalayuan sa akin. Itong lalaking ito napakatigas talaga ng ulo. Kapag nahuli siya dito ng mga guwardiya namin, siguradong bugbog ang aabutin niya.           Napailing na lang ako at sumulyap sa ilang direksyon kung may mga rumorondang guwardiya bago ko nilapitan at inakyat ang puno kung saan lumalagi si Marc. Saktong may sanga na kasing taas lang at kasing pantay ng sa kanya akong nakita at doon na ako nagdesisyon na umupo. Naaalala ko tuloy kung gaano ako kahilig tumakas noon at umakyat ng puno para lang hindi ako makita ng mga bantay ko. When I was a little kid, that is.           "Bakit ka na naman nandito, casanova?" I asked. It's not that I don't like him being near to me, it's just that my mind is so occupied right now. Baka hindi ko masagot ang mga tanong niya o di kaya'y hindi ako makapagbigay ng mabuting pag-uusap sa kanya. Honestly, I want to tell him the real situation. Pero alam kong tulad ng iba, hindi niya rin kakayanin ang dalamhati na pwedeng dalhin nito sa kanya.           Kahit papaano ay ipinakita ko pa rin na wala akong problema. Just the usual face. This straight and cold face is my best mask. Nilambitin niya ang mga paa niya at nilaro laro ito na parang bata na ngayon lang sa nakaakyat ng puno. Pumorma ng ngiti ang mga mapupulang labi niya na hindi ko tiyak kung para saan.           "I know what you are thinking. Why am I smiling? Well, kasi masaya na 'yung babaeng minahal ko once. They went to Maldives for their honeymoon, right? Sana pagdating nila dito ---" may kutob na ako kung ano ang susunod niya sasabihin kaya naman binali ko ang isang maliit na sanga na nasa tabi ko lang at inihagis sa mukha niya. Nagdadrama na naman ang loko.           "Aray! Kayong mga babae talaga mga mapanakit!" angal niya at nilabas niya ang cellphone niya para magsalamin. He checked his face's every detail. Akala mo naman mamamatay kapag nagkaroon ng kaunting gasgas sa mukha. Isa pang kinaiinis ko ay iyang mga banat niya. Sa tuwing magbabato nga 'yan ng kadramahan niya ay binabatukan ko na siya kaagad o di kaya ay sasalpakan ko ng kung anong bagay ang bibig niya eh.           Sinamaan ko naman siya ng tingin. "Huwag mo kong binabanatan ng ganyan ah at baka gusto mo na talaga dumiretso sa morgue!" pagbabanta ko sa kanya. Ewan ko ba sa lalaking ito at lagi siyang may paraan para pagsalitain ako ng ilang beses.           Umayos naman na siya ng upo at ibinalik ang cellphone niya sa bulsa niya. Sumeryoso ang mukha niya habang nakatingin sa maliwanag at bilog na bilog na buwan na nakasabit sa langit kasama ang mga makikinang na bituin. "Ikaw ... at saka sina Fiacre at Dereen, bakit niyo kasama sina Axel at Alyssa Horwaide kanina?" napaalerto ang mga mata ko at I looked at him fiercely. Paano niya nalaman? Ni hindi ko naman naramdaman ang presensya ng kahit na sino kanina. I remembered what Juno told me before ...           "The heads were ranked based on their abilities, wealth, intelligence, and skills. Kung tutuusin, makakaya niyang makapasok sa unang lima pero hindi niya pinakita ang tunay na husay niya. Even the other heads knew this but they keep their silence about this. For me, and for them, he is wind."           Iyan ang sabi sa akin ni Juno noong isang beses na napag-usapan namin si Marc habang binibisita ko siya sa ospital. Wind? Kaya ba hindi kita napansin? Is it because you can fly and pass through like the wind?           Matapos ng ilang segundo ay binaba ko ang tingin ko mula sa kanya. Hindi ko alam kung sasabihin ko ba sa kanya o hindi. Pinagkakatiwalaan ko siya pero hindi ko pinagkakatiwalaan ang mga pwede niyang gawin kapag nalaman niya. May pagkadalos dalos din kasi ang isang ito.           "Nothing. Marc, I need to go back." tugon ko at tumalon na ako mula sa sangang kinauupuan ko. I landed safely to the ground at pinagpagan ang suot ko. It is better to escape this time. He'll find it mysterious, of course but hiding it from his will be the best choice.           "I've been telling you all my secrets hanggang ngayon. Bakit hindi mo magawang ibahagi naman sa akin ang iyo?" tanong niya kahit na nakatalikod ako sa kanya. I don't want to see him.           Napakuyom naman ang mga kamay ko. "I didn't ask to tell me those. Isa pa, alam kong may tinatago ka pa rin sa sarili mo. Sikreto na hindi mo gustong malaman ng marami." sagot ko sa kanya at sinimulan ko na ang paghakbang papunta sa may gate namin.           Medyo malayo na ako pero alam kong maliwanag ang pagkakasabi niya. Nang dahil sa 'Escape', alam kong hindi mali ang pagkakarinig ko sa biglaan niyang pagsasalita.     "One of those secrets is about my feelings for you." 
Free reading for new users
Scan code to download app
Facebookexpand_more
  • author-avatar
    Writer
  • chap_listContents
  • likeADD