“Sa dami ng mga magagandang damit ay wala akong mapili. Bilhin ko na lang kaya lahat, Ayanna? What do you think?” Lumingon ako sa tabi ko para ipakita iyong kulay pink na dress na hawak ko pero wala naman na pala si Ayanna sa tabi ko. Ibinalik ko iyon sa sampayan para hanapin ang pinsan ko. Ngunit nagulat ako nang biglang may humawak sa pulsuhan ko at hilahin ako sa kung saan. “C-Charlie?” gulat kong tanong nang makita kung sino ang humila sa akin. Bigla niya akong ipinasok sa isang fitting room at ini-lock iyon. Nabaling pa doon ang pansin ko lalo at lumikha ng tunog ang mabilisang pagsasara niya niyon. “I miss you, my lovely flower!” nakangising sambit niya saka biglang siniil ng halik ang mga labi ko. Hindi agad ako nakagalaw sa matinding pagkagulat. Natuod ako sa kinatatayuan ko n

