Ashton Philip Falcon Pov.
Maalwalas ang lupain ng mga villapania dito sa kanilang probinsya. Ang lahat ng kanilang lupain ay pinupunluan ng mga magagandang bulaklak.
Ang buong kapaligiran ay napaka-sarap sa mata. Ang kanilang flower farm ay dinarayo ng ilang turistang nakaka-alam sa lugar na ito. Karamihan ay nagmula pa sa ibang lungsod na talagang sinadyang mamasyal dito.
Hindi nga naman maitatangging maganda ang kanilang negosyo. Hindi ko alam na ganito kalaki ang kanilang pag-aari. Hindi mo iyon makikita kay winter dahil hindi siya tulad ng ibang babae na may kaya sa buhay.
Simple lamang siya. Kung hindi mo ito makikilala ay hindi mo matutuklasan ng lubusan ang kanyang ugali.
She's not attractive when i meet her. Isang makalumang pananamit ang karaniwan niyang sinusuot. Hindi nasusunod sa uso at kung titingnan mo ito ay para siyang may sariling mundo.
She's wearing a thick glasses too. Her bangs is almost covering her half face. Ang buhok nito ay makapal noon at hindi mo alam kung nagsusuklay ba siya o hindi.
She didnt even know the word beauty, beauty cares, efforst for her own self.
Ngunit nitong mga nakaraang buwan ay tila umusbong bigla ang kanyang tinatagong ganda. Winter is look like more than her mom, She had a simply beauty. Hindi mo siya mapapansin sa una dahil hindi ito nagbibihis ng tulad kay trixie.
Trixie know's how to get a man attention. She's wearing a new fashion clothes. Trending bags and accessories. She's putting a make up, her perfume is covering a seduction smell.
Thats how i like her before. Yeah, before. Hindi ko alam kung paano nangyaring nawala na lang bigla. Pwede pala iyon? Ang isang babaeng todo kung magustuhan mo ay maaaring mawala na lang bigla ang nararamdaman mo para sa kanya.
When she's with me. I can't feel any excitement like i feel towards on winter.
Paanong nangyaring nagkagusto ako sa kinaiinisan ko noon?
Sa tuwing ngingiti siya madadala na lamang ako. Gusto ko na lamang siyang tingnan sa oras na nagsasalita siya. Nagseselos ako kung may lalakeng lumalapit o kumakausap sa kanya. Iyon ang nararamdaman ko, when i kissed her that time we stock on rest room. Doon ko napatunayang gusto ko itong babaeng 'to. Hindi ko ma-control ang feelings ko. Nababal*w ako kakaisip ng tumungo kami ni daddy sa negros.
Inabala ko talaga ang sarili dahil baka mali lang ang nasa isip ko. Baka nagkakamali lang ako ng nararamdaman at si trixie pa rin ang gusto ko.
Kaya't agaran kong tinawagan si trixie ng makauwi kami mula negros. Ilang linggo ko itong nakasama at binuhos ko ang mga natitirang oras ko para sa kanya. But myself failed, iyong tipong nabasang uling bigla at nawalan spark. Hindi na sisindi ang init, hindi na nagliliyab. Dahil kahit anong gawin kong pagpupumilit na gusto ko pa rin si trixie ay hindi na epektibo.
I didn't like her anymore.
Every night i think more than on winter. Kahit hindi ko siya isipin ay kusa siyang pumapasok sa isip ko.
The way she cares for me. When she help about my studies. Specially when she give a advice for me about my dad. To show my interest on arts, siya lang halos. Sa kanya ko lang naramdaman na may nag-aalala pala sa akin. Na kaya pala akong tulungan ng isang taong simple lang. Kaya niyang buksan ang mata ko kung saan dapat patungo ang aking tamang landas.
Wala na akong masabi pa.
Basta eto na, nandito na. Ito na 'yon e!
I falled. I accidentally, fall. At sana hindi lang ako ang may ganitong nararamdaman.
I hope winter had feelings on me too.
”Hindi ka ba sasamang mag-iikot?” I Looked at tito henry when he spoke on my side. Hes carrying a basket of flowers. Ang daddy ni winter.
"No tito, I'll stay here..” tito henry nod before he look the girl who walking towards on us while she's a big hat.
Hinubad niya iyon at binaba ang basket na wala ng laman. Pawisan siya bago nito punasan ang noong namasa dahil sa pawis.
”Napa-ubos mo?” natatawa si tito henry habang nakatingin sa anak. Kay winter, tumango ito. Nalingon pa siya sakin ngunit iniiwas rin niya ang tingin bago buhatid muli ang walang lamang basket.
”Kukuha pa ako ng isa, Sasabay na ako sa inyo..” tumango si tito henry.
”Hihintayin na kita..” tumaliko si winter dala ang bulaklak. She's wearing a black pants and longsleeve to cover her arms. Pero kahit ganon ay kanyang ayos ay nag-iiba ang dating niya sakin.
”I'll go with you, tito..” nilingon ako ni tito henry. Mas mabuting sumama na lang din dahil may inaasikaso sila trixie at kanyang mga magulang. Naiwan ako rito kasama si tito na nagligpit muna bago tumulong sa farm.
”Sige. Maiinip ka lang dito, mas mabuting maglibot ka na lang doon..” tumango akong nakangiti. Sakto lamang na namamataan ko na si winter papalapit habang may dalang basket na may mga nakaayos na bulaklak.
Humakbang ako palapit sa kanya. Natigilan siya at nag-angat ng tingin sa akin.
”Tabe..” kumaliwa siya upang iwasan ako. Ngunit hinarangan ko ito upang agawin ang dala niyang basket.
”Tara na, tito.” iniwan ko si winter na may kunot ang noo. Natawa si tito henry bago magpa-una sa paglalakad.
Hindi ko lang alam kung sumunod ba si winter o hindi. Nagsusungit kasi ang babaeng iyan, ilang araw na simula ng halikan ko siya sa likod bahay nila. Hindi ko iyon napigilan. Ilang gabi ko ba iniisip ang labi niyang kay lambot noong hinalikan ko rin siya sa rest room. Hangga sa ngayon ay hindi nawawala iyon sa isip ko.
Sampung minuto lamang ang aming paglalad ng marating ang flower farm. Animoy magandang resort ito na pinalilibutan ng bulaklak at bahay kubo na dinesenyohan.
Malinis ang buong paligid at may sariling rest house ang flower farm kung saan namin inilapag ang basket.
May naghihintay na ilang costumer doon na inasikaso ni winter. Bumibili sila ng bulaklak habang kumukuha ng litrato sa paligid.
”Ang pogi ni kuya..”
”Taga rito ba iyan?”
”Mukhang taga syudad, ang kinis..”
Nagbubulungan ang mga kababaihan habang itinatapat ng ang camera sa akin. I tried to smile but winter handed the boquet of flowers to cover the camera.
”Bayad na ba kayo?” napanguso ang dalaga sa tanong ni winter. Tumango ang isa bago pasulyap-sulyap sa gilid.
”Nakapag-bayad na kami. Pwede naman bang magpa-picture sa kasama nyo?” nilingon ako ni winter dahil itinuro ako ng kausap niya. Nag-iwas siya ng tingin.
”Bahala kayo..” pumasok na siya sa loob. Maging ang isa ay natawa at napasabi ng 'ang sungit naman' bago lumapit sa akin.
Naroon na si tito henry sa gilid dahil may mga bagong costumer na nais pumasok sa flower farm. Naagawa lamang ng camera ang tingin ko dahil sa biglaang flash nito sa harapan.
”Dayo ka ba dito kuya?” ngumiti ako bago tumango.
”Kaya pala iba ang dating mo kuya. Pwede ba kaming magpa-picture, Myday ko lang.” pumayag ako sa ganoong bagay. Ngiting-ngiti ako sa camera habang napapansin ko si winter na nasa terrace na ng rest house.
”May girlfriend ka na ba?”
Umiling ako sa tanong ng isa. ”I dont have girlfriend.” kilig na kilig sila sa sagot. Pansin ko ang pasimpleng pag-iling ni winter bago nito maisipang lumabas ng rest house.
Nasa kanya ang paningin ko habang naglalakad siya palayo. Ngunit bago siya tuluyang lumisan ay muli kong sinagot ang mga kababaihan.
”May boyfriend na kasi 'yung babaeng gusto ko..”
I saw her stop for a moment when i told them. Maging ang mga ito ay napapanguso at nagbibigay pagkadismaya sa mukha.
”Sayang naman kuya. Pero, pwede ka naman magtapat sa babaeng gusto mo..” lumakad na si winter bago ako tuluyang makasagot. Nginitian ko lang ang tatlo bago ako magpa-alam na may gagawin lang.
Sinundan ko si winter kung saan ito papunta. Lumalakad siya sa diretsong daan na pinalilibutan ng malalaking sunflower.
Kitang kita ko mula sa kinatatayuan ko kung paano tangayin ng hangin ang mahaba niyang buhok. Ang simpleng lakad niya ay nagpapakabog sa puso ko. Huminto siya sa isang malaking bato, pinalilibutan iyon ng d**o maging ng magagandang sunflower.
Umupo siya roon. Walang gaanong tao rito at bukod tanging mga huni ng ibon ang iyong naririnig.
Naging banayad ang aking paglalakad. Huminto ako sa gilid bago siya tabihan sa batong kinauupuan nito.
Doon lang siya napalingon sa akin. Pansin kong nagulat siya ngunit hindi na niya ginawang lumayo.
”Anong ginagawa mo dito?”
Bahagya akong natawa. Walang pinagbago. Daig pa ang gangster kung maghamok ng katanungan.
”Sinundan kita. Naiinip ako doon.”
”Naiinip ka pa sa lagay ng ngiti mo kanina?”
Kunot ang noo ko ngunit natatawa. ”Napipilitan lang akong ngumiti. Sa totoo lang, mas gusto ko pa ngayon ang nakaupo dito kasama ka..”
Ngumisi siya bago mag-iwas ng tingin.
”Kung kayat ihulog kita diyan at ng gumulong ka..”
”Matagal na akong nahulog winter, ngunit hindi mo ako sinalo..”
Tumayo siya. Masama na ang tingin sa akin. ”Bakit ba hangga ngayon ay hindi mo tinitigilan ang pagsasalita mo ng ganyan?”
”Ano bang masama sa sinasabi ko?”
”Iyang ginagawa mo. Ang kilos mo, ayoko niyan. Tigilan mo ako.”
Bumuntong hining ako bago tumayo. ”Paano kung ayaw ko?”
”Sinabihan na kita, ashong. Hindi pwedeng magkagusto ka sakin, malayong mangyari ang nais mo. Iyang nararamdaman mo, lilipas din yan. Hindi yan totoo!”
Tinalikuran niya ako. Lumihis siya ng daan ngunit heto ako at muli siyang sinundan.
”Alam kong may nararamdamam ka rin sa akin, winter. I feel it..” huminto siya sa paglalakad. Nanatili itong nakatalikod at ni hindi man lang ako tiningnan. ”You wont let me to kiss you. Hindi ka pipikit, hindi mo iyon patatagalin kung hindi mo nagugustuhan..”
”Pwede ba!” hinarap niya ako, nagagalit na. ”Nabigla ako, hindi ko alam ang gagawin kaya iyon ang nangyari. Kaya please lang, utang na loob, huwag mo ng banggitin pa iyan dahil baka may makarinig sayo!”
Hindi ako sumagot. Nanatili ang titig ko sa kanya at ni hindi man lang nagbago ang t***k ng puso ko kahit pa iyon ang sinabi niya.
”Ikaw ang gusto ko. Hindi na si trixie.”
Napapikit siya. Hinagod niya ang buhok bago nito ako talikuran. Ngunit hindi na niya nagawang lumayo. Hinawakan ko ang kamay nito at muling hinarap sa akin.
”Bitawan mo ako!”
”Alam mo bang mas nagugustuhan ko ang pagtataray mo ngayon?” nagpumilit siyang agawin ang kamay nito ngunit hindi ko iyon binitawan. Ngumisi ako. ”Tarayan mo lang ako. Gusto ko yan..”
Nanlisik na ang tingin niya sakin. Imbes na masindak, lalo pang lumulukso ang puso ko.
Ngunit lumayo rin siya sa akin dahil sa boses ni trixie na naririnig kong palapit sa pwesto namin.
”Philip!” nilingon ko ito. Tumatakbo siya palapit sa akin habang nakangiti. Maganda ang suot niyang dress habang naka-ipit ang buhok nito sa mataas na ayos.
She hug me tight when trixie reach me. Hindi agad ako nakagalaw dahil sa gulat.
”Sa states na ako mag-aaral next year. Sa gusto kong school..” hindi ako nakapag-bigay reaksyon. Hindi rin ako nagkaroon ng pagkadismaya dahil sa states na siya mag-aaral.
Ngumiti lamang ako bago siya kumalas sa pagkakayakap ngunit ang kamay nito ay nananatili sa batok ko.
”I want us to be official, philip. Mommy like you so much, pumayag na siyang sagutin kita..”
Wala akong nagawa kundi tumitig lamang kay trixie. Ngunit ang isip ko ay nasa babaeng nakatayo sa gilid namin na nanonood.
”And winter is the witness for my answer. My answer is yes. Im your girlfriend now..”
Napalunok ako. Maganda ang ngiti ni trixie bago siya lumingon kay winter na nakangiti na rin.
”Congratulations sa inyo..” nilingon ko siya sa sinabi nito. Hindi siya tumingin sa akin ngunit saksi ako kung paano makita ang pekeng ngiting iginagawad niya sa kanyang pinsan.
Gusto kong umapila. Gusto kong sabihin ang nararamdaman ko but i dont want to hurt trixie feelings. Ngunit hindi ko alam na aabot sa ganito. Wala akong ideya na sasagutin ako ni trixie sa ganitong sitwasyon.
”Im happy for you too, winter. Alam kong noon pa man ay may gusto na sayo si calix, congratulations to the both of you..”
Ngumiting muli si winter.
Hindi ko alam kung paano sasabihin ang nasa isip ko. Ayokong isipin niya na nagbibiro lamang akong gusto ko siya.
”B-babalik lang ako sa rest house. P-pwede mo siyang ilibot sa farm..” tumalikod si winter. Gusto ko siyang tawagin at nais pigilan ang pag-alis niya.
Ngunit hinarap ako ni trixie na may malalaking ngiti.
”Hey, what happen?” agaran akong ngumiti kay trixie.
”Wala. Maglalakad ba tayo?”
Napanguso siya. ”Im not in the mood to walked, gusto ko sanang magpahinga muna sa rest house..” tumango ako. Pinilit kong lumayo bago lumanghap ng hangin.
Pansin ko ang pagtitig ni trixie sa akin. Nagtataka ito at hindi ko mabasa kung anong nasa isip niya.
”Are you happy, philip?” kunot noo ang naging reaksyon ko bago matawa.
”I-im happy?” hinawakan ko ang kanyang kamay upang pakalmahin ang pakiramdam nito. "Masaya ako, oo naman.”
”Payag ka na bang sa ibang bansa ako mag-aral?”
”Ofcourse, I support you for what you want..”
”Hindi ka na ba tutol? Sigurado ka?”
Tumango ako. ”Next year pa naman hindi ba? Marami pang araw para magsama tayo, and besides this is for your future..”
Ngumiti siya sa sinabi ko. Kung gusto ko lang ngayon si trixie ay hindi ako papayag na umalis siya. Ngunit ngayon, walang pagtutol sa damdamin ko. Ang iniisip ko lang ay kung paano muling makakausap si winter.
Bumalik kami sa rest house upang magpahinga saglit si trixie. Naroon na ang kanyang mga magulang na masayang nakatingin sa amin.
Trixie told the news about us. Binalita nito sa kanyang magulang na official na ang aming relasyon. Napuno ng tukso ang rest house na iyon bago dumapo ang tingin ko kay winter na umiinom lang ng kape sa gilid.
Tahimik at malayo ang tingin. Ni hindi man lang nakikinig patungkol sa pinag-uusapan ng kanyang bisita.
”Maam wen!” pumasok ang isang binatilyo na tinatawag ang pangalan ni winter. Isa iyong trabahador dito na lumapit pa talaga kay winter. "May bisita po kayo..”
Tumayo si winter, nagtataka at ngayon lang niya binitawan ang hawak na tasa.
”Sino?”
Hindi na nakasagot ang binata ng biglang sumulpot si calix habang may dalang pamilyar na bulaklak. Dalawang beses ko ng nakitang ibinibigay niya iyon kay winter.
”Wow. May tulips ang ating dalaga..” si tita raquel. Tinutukso ang pamangkin na ngayon ay biglang nahiya.
Ngunit ng marinig ang sinabi nito ay napatanong na lang ako sa sarili.
Its that a tulips?
A purple and red tulips.
”GoodMorning, love..” I want to laugh hard because of what calix say. Love?
Anong special sa love?
Lahat ng may endearment na love ay naghihiwalay. Much better if baby, or babe. Tsk.
Ngumiti lamang si winter..Inabot ni calix ang mga bulaklak bago halikan sa pisngi ang babaeng gusto ko.
Gusto kong magwala.
Nagseselos ako kahit nasa tabi ko si trixie na tuwang tuwa sa dala.
I cant stand them seeing sweet. Nagpaalam ako kay trixie na babalik muna sa bahay at maliligo lang saglit.
Pumayag ito at sinabing maghihintay na lamang siya. Ngunit ang katotohanan lamang ay hindi ko nais makita kung paano angkinin ni calix ang babaeng nais kong mapasa-akin sana.
Pumasok ako sa bahay nila winter ng mag-isa. Tumuloy ako sa nakalaang kwarto ko at doon hinubad ang aking tshirt maging pantalon. Nakaboxer lamang akong humiga sa kama at hindi binalak maligo.
Ilang minuto akong tulala bago makatulog. Nagising na lamang ako ng biglang may kumagat na lamok sa aking mukha.
Napabalikwas ako sa pagbangon dahil sa init ng sinag nitong araw. Luminga ako sa paligid upang hanapin ang wallclock. At doon nakita kong pasado alas dose na.
Sh*t. Nakatulog ako?
Napamasahe ako sa noo. Tumayo ako at sumilip sa bintana. Ngunit ganun na lamang ang pagkadismaya ko ng makita si calix roon. Hindi ko alam kung bakit nasa ilalim siya ng puno. May kausap siya sa cellphone, hindi ko marinig. Ngunit napahilamos siya bago marahas na ibaba ang tawag.
Kalaunan ay sumakay siya sa kotse at doon may kinuha. Isa iyong box na bahagya lamang ang laki. Ipinasok niya iyon dito sa loob kaya lumabas ako.
Nasa second floor ako habang minamanmanan ko ang kanyang kilos. Pumasok siya sa kusina dala ang box, dahil sa kuryusad ang bumaba ako. Walang tao sa sala at halatang nasa rest house pa ang lahat. Ngunit anong ginagawa ng lalakeng ito dito?
”Will you stop calling me!” natigilan ako ng binalak kong pumasok sa kusina. Galit si calix sa kausap. Hindi ko alam kung sino iyon at kung bakit ayaw na niyang tumawag pa iyon sa kanya. ”I already have girlfriend, deborah. Stop making this worst. Hindi kita gusto..”
Nangunot ang noo ko. Deborah? Shes familliar. Narinig ko na ang pangalang iyon.
”Alam kong nagkamali ako, alam mo rin iyon. Kaya pwede ba, huwag mo na akong guluhin pa!”
Binaba niya ang tawag ng sumilip ako. Lumabas siya ng kusina at sa kaliwa dumaan kayat hindi ako nito nakita.
Pumasok siya sa labasan na sa tingin ko ay patungong likuran. Nais ko man siyang sundan ay narinig ko na ang yapak ng isang tao na papaloob dito sa sala.
Dahil sa suot ko ay nagmadali akong umakyat patungong hagdan. Si tita raque ang nakita ko na may dalang tupperware. Nagmamadali akong pumasok sa kwarto ng lumingon siya pataas.
Binagsak ko pa ang pinto ng sa wakas ay makaupo ako sa kwartong hindi ko alam kung kanino.
”F*ck!” napasabunot ako sa buhok. Hindi ko alam kung kaninong kwarto ito at baka kay tita raquel pa itong napasukan ko. ”Ano bang nangyayari sakin?” akma kong hahawakan ang doorknob ng makita kong umikot yon. Pumihit iyon pabukas at halos magdasal ako na hindi si tita raquel ang papasok ng kwarto.
”Anong ginagawa mo dito!” nanlaki ang mata ko ng sumigaw si winter. Hinila ko ito at tinakpan ang bibig. Ayokong makita ni tita raquel na ganito ang ayos ko, nagkakaroon pa rin ako ng hiya sa mommy ni trixie.
”Sh*t!” nabitawan ko si winter na bigla niyang kagatin ang aking kamay. Nanlalaki pa rin ang mata niya ngunit napamura rin ng makita kung ano ang ayos ko.
”Ano na naman ba 'yan ashong! Bakit nakahubad ka..”
”I explain later, okay. Huwag ka munang maingay..”
”Lumabas ka na!”
”No, nasa labas si tita raquel!”
Hindi siya makatingin sa akin bago nito hagilapin ang kumot upang ihagis iyon sakin.
”Ibalot mo iyan sa katawan mo!”
Sinunod ko ang gusto niya. Ibinalot ko iyon sa akin dahil hindi ko siya nais mailang. Doon lamang siya bumaling sa akin bago bumuntong hininga.
”Anong ginagawa mo dito sa kwarto ko?” umupo ako sa kama habang dumidistansya sa akin. Sumandal siya sa pinto, masama ang tingin.
”Nagkamali lamang ako dahil sa pagkakataranta..”
Muli siyang nagpakawala ng mabigat na hininga bago mag-iwas ng tingin. Ngunit gumaan na ang pakiramdam ko dahil nakita ko siyang muli. Kung ganon, ito ang kwarto niya. Dito siya natutulog.
”Anong nginingiti-ngiti mo diyan?” nilingon ko ito dahil sa tanong na binabalot ng katarayan. Nagtataray na ngayon ang babaeng ito.
”Nahuhulog ka ba sa ngiti ko?”
”Asa ka!”
”Umaasa ako, Villapania..” tumayo ako at nilapitan siya. Narito na naman ang kanyang reaksyon na hindi ko na makakalimutan kailanma. Ang kanyang kilay na nagsasalubong, ang mata nitong nag-gagandahan ay nanlilisik sa akin. Ang labi niyang kay pula na tumikom habang nakatitig sa akin.
”Balang araw magugustuhan mo rin ako, hindi ako mabibigo dahil malakas ang kumpyansa ko. Sa akin ka, dahil gusto ko..”
Nakita ko ang kanyang paglunok. Gusto ko iyon, natetense siya sa presensya ko. Hindi siya mapakali at hindi makatingin ng diretso sa akin.
”Ayoko lang pinagseselos ako, Villapania. Baka sa sobrang selos ko tuluyan na kitang angkinin..”
”Nasayo na si trixie, ashong. Tama na, ayokong maging daan ng paghihiwalay niyo. Ayokong masira ang pagsasama naming magpinsan..”
Nag-iwas ako ng tingin. Isinandal ko ang palad sa pagitan nito bago yumuko.
”Sasabihin ko kay trixie ang totoo. Aamin ako ngunit hindi ko siya bibiglain.”
Matunog siyang natawa.
”Wala kang aaminin, ashong. Panindigan mo ang pinasukan mo!”
Hindi ako sumagot. Hindi ko alam ang sasabihin dahil hindi ko rin naman alam kung paano lalabasan itong pinasukan ko.
Bakit hindi na lang si winter ang una kong nakilala?
Bakit ang pinsan pa nito ang unang kumuha ng atensyon ko?
”Iisang tao lamang ang nararapat sa isang tao, ashong. Dahil ang puso ng tao ay isa lamang, huwag mong pagsabayin ang dalawa..” seryosong titig ang ibinigay ko rito. Kalaunan ay nangisi bago ilapit ang mukha sa kanya.
”Iisa lang naman ang nasa puso ko, villapania..” natigilan siya, napamaang habang magalaw ang bilog ng kanyang mata.
....”Ikaw lang..”
Muli lamang siyang lumunok bilang reaksyon. Ngunit wala na akong sagot na nakuha dahil sa isang katok na nagpalingon sa aming dalawa.
”Nasa loob ka ba, wen?” nilingon ako ni winter dahil sa boses ni calix. Namimilog ang mata nito dahil sa biglaang pagkatok ni calix.
”Papasok na ba ako?”
”Sandale!” sumigaw si winter bilang sagot. Natataranta siya habang prente akong nakatayo at nanonood sa reaksyon niya.
Mas mabuting makita kami ni calix dito.
”Doon ka, yumuko ka!”
”W-what?” nalukot ang mukha ko sa sinabi niya.
”Yumuko ka! Magtago ka diyan sa ilalim ng kama!”
”What the f*ck, No!”
”Babalian kita ng buto, ashong!”
”SH*T!”
Wala akong nagawa kundi yumuko. s*******n rin niya akong pinaupo at itinago sa ilalim ng kanyang kama.
”Pasalamat ka, gusto kita..” sinamaan niya lang ako ng tingin bago siya umayos ng tayo.
Kalaunan ay lumakad siya at pinagbuksan ng pinto si calix na agad inupuan ang malambot na kama kung saan naroon ako sa ilalim.
Wtf!
******
This is Adonis series 3 ❤️
After, We Fall (SEASON2)
All right reserved
2022
Date Started: October 30, 2022
Date Finished:
Don't expect too much from the story because the author is not very heroic, sorry for the errors and grammatical .
This story is just a fiction, if there is a name that resembles or a place, the event is just an incident, all the events told in the story are only from the mind of the writer.
If you don't like the story, you are free to switch to another story.
The writer's attitude is bad sometimes, she is also spoiled on f*******: and you should join her group if you support it.
The story is suitable for ages 18 and up, there are violent words here and retad often, if you continue to support, please refrain from voting and feedback on each chapter.
Thankyou,
hope you enjoy the story even though my update is a bit slow.
Follow me on f*******:: Labzaza WP
Facebook page: Zazalab
Facebook Group: Zazalab Stories
__
This is season 2
Tapusin muna ang season 1 bago mag jump sa story na ito ❤️