Chapter 1

3323 Words
Winter Pov. (Her parents past) Hindi ako mapakali sa loob ng kwarto habang may sinasabi sa akin si calix tungkol sa mga litratong dala niya ngayon. Nakapaloob iyon sa isang kahon habang iniisa-isa niya iyon sa akin. ”You told me earlier about this old photos right?” tumango ako. Nanatili akong nakatayo sa harapan niya dahil hindi ako makaupo sa kama. Iniisip ko si ashong doon, kung kumportable pa ba ito sa tagal na niyang nakayuko. ”Ilagay mo na lang diyan, titingnan ko mamaya..” Iyon ang sinabi ko kay calix na siyang nagpatigil sa paghahalungkat nito sa kahon. Inilapag niya ang hawak bago tumitig sa akin. ”I thought you want to see this?” ”Oo, pero kasi. May gagawin pa ako, mamaya ko na lamang iyan titingnan..” ”Naaabala ba kita?” umiling ako bago ngumiti. ”Hindi naman, maliligo lang ako dahil kakauwi ko lang mula sa farm.” tumango si calix bago tuluyang isara ang kahon na nasa gilid niya. ”Hihintayin na lang ba kita sa rest house?” ”Oo, Doon mo na lamang ako hintayin.” Muli siyang tumango-tango. Itinabi nito ang box sa gilid ng kama bago muling tumingin sa akin. Sa nakikita ko ay may nais siyang sabihin ngunit halatang nag-aalinlangan ito. Bumuntong hininga siya. ”Maaari ba kitang imbitahan sa bahay?” ”Ngayon?” ”No, sa pasko sana. Gusto lang kasi ni mommy na makasama ka sa bahay..” hindi ako nakasagot kay calix. Wala din naman akong gagawin sa pasko dahil mananatili lamang ako rito kasama ang aking pamilya. Ngunit hindi ko pa alam ang kaganapan na mangyayari sa susunod na linggo. Next week na ang pasko, wala pa akong plano at hindi ko alam kung magkakaroon ba ako ng plano. ”Gusto din naman kitang makasama, gabi naman iyon. Ipagpapaalam kita kay tito..” ”Sige. Kung iyon ang gusto mo.” ngumiti siya sa akin. Hinawakan niya ang kamay ko at hinila upang maupo sa tabi niya. Hindi ko alam kung anong iaakto sa harapan ni calix. Hindi ito ang unang beses na nagsama kami sa iisang kwarto. Madalas siya rito, noong nasa highschool pa kami ay magkasama naming tinatapos ang aming takdang aralin dito sa kwartong ito. May tiwala sila mama at erpats kay calix. Ngunit dahil nagbago na ang status namin ngayon ng dati kong kababata ay hindi na ako nagiging kumportable pa. Lalo na ngayong alam kong nasa ilalim ng kama si ashong at baka bigla na lamang siyang topakin at gumawa ng ingay. ”You give me a early christmas gift, wen. Im happy today..” seryoso si calix habang nakatingin sa akin. Kung dati ay namumula ako sa tuwing tinititigan niya ako ng ganito. Ngunit hindi ko alam kung bakit ayos lang sa akin ngayon. Hindi ako naaapektuhan sa malambing niyang boses. Anong nangyayari sa akin? ”We supposed to celebrate our 3rd month this 25th of december. Did you still remember?” Tumango ako. Tatlong buwan na pala kami. Napaka-bilis at hindi ko akalaing aabot kami sa ganitong relasyon. Ito ang gusto ko noon, ngunit napatunayan ko sa aking sarili na bukod tanging paghanga lamang pala ang nararamdaman ko kay calix. Hangga doon lang, dahil ang totoo. Mas gugustuhin ko pang manatili kaming magkaibigan habang hinahanggaan ko ito. Walang love, hindi ko iyon nararamdaman. Ibang feelings ang pumapaloob sa akin para kay calix. ”This is the first christmas we officially inrelationship. Akala ko hindi magiging tayo..” Ngumiti lamang muli ako. Wala naman na akong masabi dahil hindi maayos ang pakiramdam ko dahil nga kay ashong. Naiinis ako dahil nagtatago siya sa ilalim at alam kong naririnig niya lahat ng sinasabi ni calix. Hindi ko alam kung natatawa na ba ito o baka naman nagagalit na ba. ”Dapat pala noon pa ako umamin sayo, edi sana naging tayo na noon pa..” ”Mas mabuting nakapag-focus ka muna sa pag-aaral bago naging tayo, last year muna sa fatima. Iyon na muna ang pagtuunan natin sa ngayon..” Ngumiti siya. Pinisil niya ang aking pisngi bago ako hilain at bigla na lamang yakapin. Napasandal ako sa dibdib nito. Ang kamay niya ay nasa aking likuran habang nasa ulo ko ang kanyang baba. ”Makapag-aaral naman ako kahit girlfriend kita. Hindi ka kailanman naging sagabal sakin..” Hindi na ako sumagot pa. Hinayaan ko itong yakapin niya ako dahil alam kong masaya lamang siya. Subalit hindi ako nagtagal sa yakapan namin dahil bigla na lamang may humaplos sa paa ko. Nagawa kong humiwalay kay calix habang napapalunok sa ginawa ni ashong. Binigyan ako ni calix ng nagtatakang tingin. "What?” nanatili ang titig nito sa akin bago tumayo upang lapitan ako. ”M-masakit y-yung t-tiyan ko..” ”Bakit? Ano bang nakain mo?” concern agad si calix dahil sa sinabi kong dahilan. Ngunit hindi p*******t ng tiyan ang nararamdaman ko. Kundi kabado ako dahil nakikita ko na ang kamay ni ashong sa gilid. ”W-wala akong nakain, p-pwedeng hintayin mo na lang ako sa rest house?” ”Are you sure?” naniniguro siya habang sinusuri ako. Tumango ako bago siya pagbuksan ng pinto. "Pupuntahan na lang kita sa resthouse. Maliligo lang ako..” inakay ko siya palabas. Wala naman din itong ginawa kundi sumunod ngunit huminto rin siya bago ko isara ang pinto. ”Uminom ka ng gamot bago ka bumaba. I'll wait you there, okay?” tumango ako. Nagmamadali ng isara ang pinto ngunit lumapit siya sa akin na siyang nagpabigla sa sistema ko. He gived me a peck of kiss. Sa labi niya ako dinampian ng halik bago tuluyang dumistansya sa pinto.. ”Take your time, Mauuna na ako..” siya na mismo ang humigit sa pinto bago ito tuluyang maglaho sa paningin ko. Nanatili lamang akong nakatayo habang pakurap-kurap. Pakiramdam ko hindi tama ito, feel ko ay nagsisinungaling ako kay calix at may mali sa akin. Hindi ko maipaliwanag ang nararamdaman ko dahil bigla akong nakunsensya. ”S*raulo 'yon ah..” nagulat ako sa biglaang pagsulpot ni ashong sa tabi ko. Madali ko itong sinamaan ng tingin dahil sa kalok*hang ginagawa niya. ”Lumabas ka na, ashong. Pwede ba!” "Tsk..” nag-iwas siya ng tingin. Kunot na ang noo habang nakapamewang. Kalaunan ay kinagat niya ang labi bago muling bumaling sa akin. ”Naghahalik rin pala ang lalakeng 'yon?” kunot ang noo niya. Hinagod niya pa ang buhok bago nito haplusin ang kanyang baba. ”Nagseselos ako..” Natawa ako sa sinabi niya. ”Tigilan muna ito, ashong. Ayoko na, lubayan muna ako..” ”Bakit ko gagawin iyon?” ”Dahil iyon ang nararapat!” “Nararapat ba na ipagtubayan mo ang gusto mo?” nangunot ang noo ko sa sinabi niya. ”Alam ko ang nararamdaman mo kay calix. Kung gusto mo lamang siya ay hindi ka na magdadalawang isip na sumama pa sa kanya ngayong pasko..” Nag-iwas ako ng tingin. ”Hindi mo na dapat pang pasukan yan, ashong. Makontento ka na sa nobya mo. Pinsan ko 'yon, kayat huwag mo na akong talunin pa dahil kailanman hindi tayo magiging talo.” Hindi siya kumibo sa sinabi ko. Nanatili ang mariin niyang titig sa akin bago matawa. ”Sa ngayon, hindi mo na mababago ang gusto ko winter. Kahit ano pa ang sabihin mo..” lumakad na siya patungo sa gilid ko. Hinawakan niya ang doorknob at balak sanang lumabas ngunit lumingon pa muna siya sa akin. Kalaunan ay humakbang siya palapit na naging sanhi ng pag-atras ko. ”Ano na naman ba!” ”May nakalimutan lang ako..” napasandal ako sa pinto ng aking drawer. Huminto ito sa aking harapan at hindi tuluyang lumapit sa akin. Yumuko ito. Hinawakan niya ang aking baba at mabilis na pinunasan ang labi ko gamit ang kanyang daliri. ”Your not allowed to kiss anybody else. Ako lang, ako lang lagi..” Tinalikuran niya ako matapos niyang gawin iyon. Lumabas siya at iniwan akong hindi makapaniwala sa sinabi at ginawa nito. Napahagod pa ako sa buhok bago mailing sa nangyayari. Ano ba talagang totoong gusto ng lalakeng 'yon? Totoo bang wala na siyang nararamdaman para kay trixie? Imposible, Paano mawawala ang feelings niya at mababaling sa akin ng ganon lamang kadali? Napahilamos ako sa mukha bago kumuha ng masusuot upang maligo saglit. Kahit anong pilit kong i-alis si ashong sa isip ko ay hindi ko magawa. Ayoko ng ganitong pakiramdam. Lalo na at may boyfriend ako na totoong nagmamahal sa akin. Si calix lang dapat, wala ng iba. Lumabas ako ng kwarto matapos makaligo. Walang tao sa bahay dahil naroon silang lahat sa rest house malapit sa mismong flower farm. Presko ang hangin doon, mahangin din naman dito ngunit nasisinagan din ng todo kayat hindi maiwasan na pagpawisan ka. Nilakad ko iyon mula bahay hanggang rest house. Naabutan ko sila doon na nagkukwentuhan habang naghahanda ng pagkain si mama. Naroon din si calix katabi ni erpats. Ngunit napapakunot ang noo ko sa presensya ni ashong doon. Pinagigitnaan nila si erpats habang may kanya kanyang sinasabi. Naroon ang mga kalalakihan at sa kabilang banda sila tita raquel at trixie. Lumapit ako kay mama na naghahanda ng pagkain sa mesa. Nilingon niya ako bago nito ibaba ang hawak. ”Masakit daw kamo ang tiyan mo?” Ngumuso ako. ”Hindi na ma, baka nanibago lang ako sa init kanina..” ”Sigurado ka ba? Baka nagugutom ka lang?” Umiling ako. ”Hindi ma. Wala nga akong ganang kumain..” nakatingin ako sa mesa na kung saan ay maraming nakahandang pagkain. Karamihan doon ay paborito ko ngunit wala ako sa mood na kumain ngayon. ”May problema ka ba?” nilingon ko si mama. Naniniguro ang titig nito at todo kung suriin ako kayat nangiti ako ng pilit bago umayos ng upo. ”Wala ma, wala lang talaga akong gana..” ”Kilala kita wen, kahit pagod at tamad ka magkakaroon ka ng gana sa oras na makita mo ang paboritong pagkain mo..” naitikom ko na lamang ang aking labi. Tama si mama, pero hindi ko nais ibahagi kung anong nasa isip ko. Ayokong magalit siya sa akin kung tatapatin ko siyang hindi ako sigurado kung anong nararamdaman ko para kay calix. Ngayon ko lang naisip ang desisyong ginawa ko na sana ay pinag-isipan ko muna ng mabuti. Napabuntong hininga ako. ”May problema ba kayo ni calix?” ”Wala, ma. Huwag mo ako masyadong pansinin, baka napagod lang talaga ako dahil matagal na noong nagtrabaho ako sa farm..” mataman pa rin ang titig ni mama sa akin. Nginitian ko siya bago kumuha ng plato upang kumain na. ”Wala kaming problema ni calix ma. Maayos kami..” ”Siguraduhin mo lang, wen. Ayokong naglalaro ka sa pag-ibig..” napanguso ako. ”Hindi naman ma..” ”Ito ang unang beses na magkaroon ka ng boyfriend. Alam mo ba na ang unang boyfriend ko ay hindi naman ang papa mo, nagkaroon ako ng ilang nobyo bago ko siya makilala dito..” ”Anong pinupunto mo, ma? Na hindi si calix ang mapapangasawa ko?” ”Magbebente uno ka pa lang, si calix bente dos. Sa tingin mo, after five years kayo pa ba? Nasa bente sais ka pa lang 'non, Sa edad na 'yon ay doon mo pa lang maiisip ang mga gusto mong gawin, bata ka pa..” Humalukipkip ako sa sinabi ni mama. Sinulyapan ko pa si calix na ngayon ay siya na lang ang kausap ni erpats. Wala na si ashong roon at hindi ko alam kung saan na ba ito pumunta. ”Masarap po pala ang luto niyo tita..” muntik ko pang mabitawan ang hawak na plato dahil sa pagsasalita ni ashong sa gilid ko. Nilingon ko ito. May hawak itong plato habang kumukuha ng pagkain sa mesa. ”Talaga? Nagustuhan mo ba?” ”Yes. You can be a owner of restaurant, tita. Pang high class ang luto mo..” napasinghal ako sa sinabi ni ashong. Hindi ko alam kung sipsip ito o sadyang totoo ang kanyang sinasabi. Ngunit alam kong masarap ang luto ni mama, Sumusobra lang sa papuri si ashong na siya namang kinagagalak ni mama. ”Ikaw talaga. Hindi bale, sa oras na ikasal kayo ng pamangkin ko ay ako ang magluluto..” natigilan ngayon si ashong sa sinabi ni mama. Sumulyap pa ito sa akin ngunit iniwasan ko ang kanyang tingin. Ayoko sa mata niya, ayokong tingnan ang mata nito dahil nag-iiba bigla ang pakiramdam ko. Hindi ko iyon maipaliwanag. ”Gusto ko kayong maging mama, tita elena..” Namilog ang mata ko sa sinabing iyon ni ashong. Kulang na lang ay sabihin nitong "gusto ko po ang anak niyo" ngunit dinadaan niya sa ibang paraan, abat! ”Pwede naman iyon, hijo. Ako ang magiging ikatlong magulang mo. Natural lamang na maging pamilya tayo dahil nobya mo si trixie.” ”Kung ganon po, gusto niyo akong maging anak?” napahawak na lang ako sa sintido bago sumandal sa aking kinauupuan. Ang sarap niyang sipain upang bumaligtad at mabagok ang ulo para matauhan. Ano bang nangyayari kay ashong? ”Oo naman, ang gwapo mo. Kung ako ang tatanungin ang mga tulad mo ang gusto ko para sa aking winter. Pero dahil may calix na ang anak ko, susuportahan ko na lamang siya..” Pinanlakihan ko ng mata si mama. ”Mama naman!” ”Gusto ko si calix para sayo. Ang kaso lang, ayoko sa kursong tinatahak niya dahil posibleng damay ka sa oras na magkaroon ito ng problema.” ”Hindi din naman ligtas ang kursong bussiness ma..” iyon ang sabat ko na pinupunta ang kurso ni ashong. Nilingon ko ang lalakeng ito na nakangisi lang sa akin. ”Your future is safe and secured if you love a bussiness man.” natawa ako sa sinabi niya. Nailing ako at hinayaan ko kung anong nais nitong likhain sa isip niya. Bakit ba kasi ang hilig niyang umeksena? Hindi na rin nagsalita pa si mama dahil lumapit na sila tita raquel at trixie sa mesa. Kasunod nila si erpats at calix na agarang naupo sa mga bakanteng upuan. Si tito frank ay nagpa-alam na lalabas muna dahil may kausap ito sa cellphone tungkol sa kanyang negosyo. Buy and sell lamang sila sa ibang bansa. Retired Army ito at marami ng pondo sa banko. Ngunit kailangan pa nilang kumita ng pera upang masiguro ang kanilang future. Naupo na si mama sa tabi ko. Pumwesto rin si calix sa aking gilid at hinayaan nitong magtabi sila erpats at ashong. Nginitian ako ni calix bago bumulong sa akin. ”Are you feeling well now?” tumango ako. Maayos naman ang pakiramdam ko. Nagdahilan lamang ako kanina dahil alam kong magpapakita na si ashong kung hindi pa siya lalabas sa kwarto ko. ”Nagpaalam na ako kay tito henry, pumayag siya..” ”T-talaga?” nangingiti ako ng pilit. Hindi ko mapangalanan ang pakiramdam ko dahil sa nagdadalawang isip akong sumama sa kanya sa susunod na linggo. Ngayong pasko. Ngunit hindi ko kayang sirain ang mood ni calix kayat nginitian ko siyang muli. ”Siguradong matutuwa si mommy. Uuwi sila tonight.” ”I-surpresa na lang natin sila, huwag na muna nating sabihin..” nangiti si calix sa sinabi ko. ”You really like surprise hm?” Hindi ako sumagot. Hinayaan ko siyang mangiti habang tinititigan niya ako. May kanya-kanya rin namang usapan ang mga kasama namin sa mesa ngunit iyon ang pumukaw sa interes ko dahil sa narinig kay tita raquel. ”You are a falcon right?” nakatingin siya kay ashong. Tumango ito bago ngitian si tita. ”Yes, tita..” ”Are you related in the falcon group in manila?” Tumango muli si ashong. ”My father is the head of falcon bussiness group..” ”Oh my god..” napatakip sa bibig si tita raquel. ”Kung ganon, ang yaman mo pala..” ”Not totally, tita. Were just having a good bussiness and museum..” ”Who is your father again?” ”Richard Falcon..” Namamangha pa rin si tita bago nito tingnan si erpats na tahimik habang kumakin, tila hindi interesado sa pinag-uusapan kahit na pati si mama ay nagkaka-interes na. ”Kung ganon, anak ka ni Angelina bernardo Falcon?” nilingon ni erpats si tita raquel, natigilan siya sa pagkain maging si mama. Tila malaking rebelasyon bigla sa kanila ang narinig dahil hinintay nilang makasagot si ashong. "Yes, I am the only son of falcon group, My mother is angelina falcon, the painter..” Todo kung magbigay reaksyon si tita raquel na nagbigay sagot sa akin. Ngayon ko lang nakuha ang reaksyon ni erpats dahil sa pinag-uusapan nila. Naalala ko rin bigla ang litratong nasa akin na naglalaman ng pictures ni erpats at angelina. Hindi ko alam kung nagkaroon ba sila ng ugnayanan noon o baka naging magkaibigan lang sila. Hindi ko pa naitatanong iyon ngunit hindi ko rin naman panghihimasukan ang kanilang nakaraan. "Napakaliit talaga ng mundo, akalain mo iyon. Babalik pala dito ang isang falcon..” ”Tigilan muna ito raquel..” natigilan si tita ng magsalita si erpats. Nagtataka si ashong at trixie sa inakto nito. Maging si calix ay nawalan ng imik lalo na si mama. ”Bakit henry? Malalaman din naman ng mga bata sa takdang oras..” ”Alam ko, ngunit huwag mo ng masyadong bigyan ng kahulugan ang pagbisita dito ng batang falcon..” Natawa si tita raquel. ”Ano bang problema? Ngayon lang din naman natin nalaman na anak pala siya ni angelina, ang dati mong nobya..” ”Sinabi ng tumigil ka!” Tumayo si erpats kasabay ng paglapat ng palad niya sa mesa. Kumalampag iyon bago nito samaan ng tingin si tita raquel. ”Respetuhin mo naman sana ang kapatid mong si elena. Huwag mo ng banggitin pa iyon..” Hindi na nagsalita pa si tita raquel. Alam kong galit si erpats bago siya tumalikod at tuluyang lisanin ang mesa. Tumayo rin si mama na agad sinundan si erpats. Samantalang katahimikan ang namutawi sa aming lima dahil sa ibinulgar bigla ni tita raquel. Hindi rin naman nagbigay reaksyon si ashong dahil halata ang pagkabigla sa kanyang ekspresyon. Maging si trixie ay hindi alam ang gagawin. ”Bakit ba masyadong nagagalit ang papa mo wen? Nakaraan naman na 'yon, sigurado akong nakalimutan na niya..” Nag-angat ako ng tingin kay tita raquel. Walang emosyon akong nakatingin dahil hindi ko na gusto ang tabas ng dila niya. Siguradong hindi ito magugustuhan ni lola perla kung narito siya, ngunit alam kong malalaman din niya ito sa oras na makauwi sila mula sa pamamasyal. ”Siguradong may dahilan si papa kaya ganon na lamang ang reaksyon nito. Hindi din naman magandang binubuksan ang nakaraan na..” ”Nakaraan na nga, nangyari na. Ano pa ba ang kinagagalit niya?” hindi na ako sumagot pa kay tita. Hindi ko na nais pang pahabain ang usapan dahil wala naman na akong nalalaman sa nakaraan nila ni erpats. ”Oh baka dahil apektado pa rin ito sa biglaang pagkabuntis ni elena habang magnobya pa sila ni angelina?” ”Mommy..” sumabat na si trixie sa usapan. Halatang nahihiya na ito kay ashong sa pinagsasabi ni tita. Maging ako ay hindi nagustuhan ang huli niyang sinabi. Ngunit hindi na ako nagbigay komento dahil masyadong pribado iyon. Napapaisip pa ako bigla. Nabuntis ni papa si mama habang may relasyon sila ni angelina? Napabaling ang tingin ko sa gilid. Hindi ako sigurado kung totoo ito ngunit nakaramdam bigla ako ng kahihiyan sa harapan ni ashong. ”That's enough, mom. Nakakahiya kay philip..” Bumuntong hininga si tita. Hindi ko na rin pinansin ang kanilang pag-uusap dahil tumayo na ako at nilisan ang mesang kinaroroonan nila. Biglang sumagi sa isip ko ang init ng dugo ni angelina sa akin. Iyon ang luksong dugong naramdaman niya dahil anak ako ng isang villapania. Anak ng lalakeng niloko siya at iniwan. ********* to be continued.....
Free reading for new users
Scan code to download app
Facebookexpand_more
  • author-avatar
    Writer
  • chap_listContents
  • likeADD