Third Person Pov.
(Past And Present)
Biyernes ng umaga sa paaralan ng elementarya ay abalang nag-aayos ng mga test paper si winter. Oras ng recess at halos lahat ng studyante ay abalang kumakain.
Wala itong oras kumain dahil abala siya sa kanyang ginagawa. Nakaupo ito malapit sa teacher desk habang ipinapaloob niya ang mga papel sa hawak niyang long plastik envelop.
Nasa trentang studyante ang kanyang binabantayan ngayon dahil abala rin ang gurong naka-assign sa mga grade three students.
Hindi naman ganoong ka-stress ang dalaga dahil nag-eenjoy pa nga ito sa kanyang ginagawa.
Inilapag niya sa lamesa ang envelop na hawak dahil balak niyang i-uwi iyon upang sa bahay na lamang gawin ang trabaho.
Sa pagtayo nito ay may lumapit na lalakeng studyante sa kanya. Agad niya itong niyukuan dahil halatang may sasabihin ito.
"Pinapatawag po kayo ni kuyang pogi." nangunot ang noo ni winter dahil sa sinabi ng kanyang studyante. Sumulyap ito sa bintana ng ituro ng studyante ang pwesto ni philip malapit sa flagpole.
Napabuntong hininga ang dalaga bago paupuin ang bata upang magpatuloy na sa pagkain.
Lumakad si winter patungong pintuan at doon tinanaw si philip na senesenyasan siyang lumapit.
Umiling si winter. Hindi niya maaaring iwanan ang mga bata dahil siya ngayon ang bantay dito. Idagdag mo pa na ilang minuto na lang ay matatapos na ang recess ng mga bata.
Tanaw ng dalaga kung paano magsalubong ang kilay ni philip. Hindi niya iyon pinansin, sobra kung malukot ang kanyang mukha bago niya makita ang pagdukot nito sa bulsa.
Nagtitipa ang binata sa kanyang cellphone bago makatanggap ng mensahe si winter. Kinuha niya ang cellphone mula sa kanyang suot at doon nga nakita nito ang text message ni philip.
'Wala na kaming klase'
Iyon ang laman ng mensaheng ipinasa ng binata. Nagtipa si winter ng reply na lalong nagpalukot sa mukha ng binata.
'Kung ganon, bakit hindi ka pa umuwi?'
Mabilis siyang nakatanggap ng reply habang nananatiling nakatayo mismo sa pintuan.
'Pinuntahan nga kita, hindi rin naman pala kita malalapitan'
'Busy ako. Hindi ako pwedeng lumabas'
Iyon ang i-sinend ni winter bago niya ibulsa ang cellphone. Binalingan pa muna niya si philip bago silipin ang relo sa kanyang kamay.
Alas nuebe y' medya na at oras na para bigyan ng lessons ang mga bata. Sinenyasan niya si philip na papasok na ito sa loob ngunit wala man lang binigay na reaksyon ang binata.
Nakasimangot pa rin dahil hindi siya nilapitan ng dalaga.
Sa paglalakad ni winter patungong harapan ay sinusulyapan pa nito ang binata. Naroon pa rin siya sa kinatatayuan habang palinga-linga ang ulo. Wala ba siyang balak umalis? Naitanong iyon ni winter sa isip habang naiiling na kinuha ang stick upang i-discuss ang nakasulat sa blackboard.
Buong umaga ay iyon ang ginawa ng dalaga. Nagbigay ito ng short quiz dahil mukhang naiintindihan naman ng mga bata ang kanyang diniscuss sa harapan.
Alas dose ng palabasin niya ang mga bata upang kumain na. Ang mga ibang studyante ay nagsi-uwian na muna dahil may kanya-kanya silang service. Samantalang siya ay naiwan sa loob upang magwalis at ayusin ang mga nagulong upuan.
Abala ito sa pagwawalis ng mapansin niyang may pumasok sa silid na kinaroroonan niya. Nakasimangot na binata ang nabungaran nito na ngayo'y may inilapag na bagay sa table niya.
Isa iyong pagkain na nabili niya sa labas. Kahit hindi niya tingnan ay alam niya kung saan niya iyon nabili. Nasa plastik ang palatandaan na tumungo pa ito ng jollibee upang bilhin lamang ng binata iyon.
"Kumain ka na." doon lamang niya muling sinulyapan si philip na umupo malapit sa kanyang mesa. Pinagkrus niya ang paa habang nakatitig sa dalaga. "Why don't you eat first before you clean the room?"
Nag-iwas ng tingin ang dalaga bago itabi ang hawak na walis. Muli siyang bumaling sa binata na walang ginawa kundi sundan ang kilos ng dalaga.
"Bakit narito ka pa?" nagsalubong ang kilay ni philip, hindi nagustuhan ang pagtatanong ng dalaga.
"Why are you asking me instead of saying thankyou?"
"Naghintay ka lang ba ng buong oras sa labas?"
Umiling ang binata. kunot pa rin ang noo. "Not totally."
"Kumain ka na ba?" lumakad si winter palapit sa mesa upang buksan ang pinamili ni philip. Hindi niya pa man tuluyang nakikita ang laman ng pagkain ay nahuhulaan na niya iyon sa amoy pa lang.
"I'm full, kumain ka na."
"Hindi ko mauubos lahat ng 'to, sabayan mo ako."
"Busog ako, sa'yo lahat yan para mabusog ka. Ang kukulit ng mga studyante mo."
Nilingon niya si philip habang nilalapag iyon isa isa. Tatlong order yata itong binili niya, anong akala niya sa'kin?
"Hindi naman gaanong makukulit ang mga bata, matalino sila at madaling turuan."
"Talaga? You really want to be a teacher?"
"Hm." tumango ang dalaga. Naupo na siya ngayon kasabay ng pagbukas niya sa kanyang pagkain. Kung hindi dumating si philip ay baka umuwi na lamang siya sa bahay upang doon kumain. Ngunit dahil narito na siya at may dalang pagkain mukhang hindi na niya kailangan maglakad pa pauwi.
"Your mom is a teacher too?"
Tumango si winter. "Oo, si mama at tita raquel."
Tumango tango ang binata at hindi na nag-usisa pa. Pansin ni winter ang pag-iiba ng mood ni philip sa pagbanggit nito sa pangalan ng mommy ni trixie.
"Nakapag-usap na ba kayo ni trixie?" nakatitig lamang sa kanya si philip at matagal kung sumagot. Bumuntong hininga pa siya na sinabayan ng pag-iwas ng tingin.
"Hindi kami nag-usap, since noong umalis siya hindi na. Wala kaming naging communication, pero nagsend ako ng email sa kanya."
"Anong sinabi mo?"
"Tinapos ko na kung anong relasyon ang meron kami. Hindi ko na sinabi ang ibang detalye, hindi ko na rin inalam kung nabasa niya iyon o hindi."
Nagbaba ng tingin ang dalaga dahil sa sinabi nito. Medyo hindi siya kumbinsido sa ginawa ng binata. Nais niyang mag-usap silang dalawa upang makapag-bigay ng paumanhin si trixie sa kanyang ginawa. Gusto ni winter na magkaayos sila katulad ng nangyari sa kanilang dalawa ni calix.
"Ako na ang kakausap kay trixie." ani winter na naging dahilan upang magsalubong muli ang kilay ng binata.
"You can talk to her, pero ayokong pinag-uusapan n'yo ang relasyon naming natapos na, kung makakausap ko ng personal si trixie. Sasabihin ko rin sa kanyang ikaw na ang nagugustuhan ko noon pa man."
"Anong ibig mong sabihin?"
"I just want to prove that i'm not hurt. Trixie used me, kung nagkataon na hindi ako nagkagusto sa'yo anong kahahantungan ko?"
Natahimik ang dalaga sa sinabi ni philip. Ganun din naman ang naranasan niya ngayon, kung hindi s'ya nagkagusto kay philip ay tiyak na todo siyang masasaktan sa pagtataksil sa kanya ni calix.
May rason kung bakit nagustuhan nila ang isa't isa. At ang pagkakagusto nila ang nagbigay ng katatagan sa kanilang puso.
"Uuwi na ako." tumayo si philip matapos niyang sabihin iyon, nakapamulsa siya habang nakatingin sa dalaga na hindi nakaka-kain ng maayos. "I just want to check you."
"Sigurado ka bang kumain ka na?"
Ngumisi ang binata dahil sa ilang ulit ng pagtatanong ni winter. "Your really worried to me?"
"Kailangan ba na hindi ako mag-alala sa'yo?" tanong ng dalaga ngunit hindi nawawala ang ngising meron si philip.
"No, pwede kang mag-alala sakin oras oras. Mas gusto ko 'yon."
"Kung ganon, umuwi ka na."
Napabuntong hininga ang binata. "I have a lot's of assignment today. May group thesis kami next week. I'm stressful."
"Pagbutihan mo lang, ashong. Ganyan talaga ang nag-aaral. Pag nagtapos ka, ikaw din naman ang maswerte."
"Your lucky too. Hindi ka ba masaya 'non?"
"Masaya ako kung matatapos mo ang taon na ito."
Ngumiti si philip bago tumango. "Sure. Tayo na sana 'non."
"Tsk." nakangiting nailing ang dalaga. "Umuwi ka na, mag-ingat ka sa pagmamaneho."
"Wala bang?" pinutol ng binata ang nais sabihin habang mataman kung tumingin kay winter. Pinangunutan siya nito ng noo dahil sa ngiti niyang kakaiba. "Wala ba akong I love you?"
"Hindi pa kita sinasagot."
"So, payag kang ligawan kita?"
"Wala akong sinabing hindi, ashong."
"Sh*t." nag-iwas ng tingin ang binata habang kagat ang labi, nagpipigil ng ngiti dahil sa kakaiba niyang nararamdaman kay winter. "Kinikilig ako."
"Huh?"
"I'm going home, baka.."
"Baka?"
"Baka mahalikan kita." naisara na lamang ni winter ang bibig dahil sa sinabi niyang iyon, naiisip nito na ganon ba kiligin ang isang lalake? Masyadong halata ang kilig nitong lalakeng 'to. Sa ngiti at kislap ng kanyang mata ay nababasa na n'ya iyon doon.
Ngumiti pa muna uli ang binata bago tuluyang lumisan, hindi makapaniwala ang dalaga dahil sa asta nitong manliligaw niya. Mas makulit pa s'ya kesa sa mga batang tinuturuan niya.
Lumisan si philip ng oras na 'yon. Doon lamang nakakain ng maayos si winter ngunit isang order lamang talaga ang kanyang naubos. Muli niyang itinabi ang natirang dalawang order pa dahil balak na niyang i-uwi lamang iyon.
Pumatak ang ala una ng hapon kung saan nagsipasukan muli ang mga bata. Gaya ng ginagawa ng nakasama niyang guro ay iyon lamang din ang itinuro niya sa mga studyante.
Ilang oras din ang paglalagi niya doon ng magsilabasan na ang mga kapwa studyante sa kabilang room. Alas kwatro na ng hapon kaya't maaari ng palabasin ang mga bata. Marami ng sundo sa labas kaya hindi na ito nag-atubili pang pauwiin ang kanyang mga studyante.
Nakasanayan na niya ang kanyang ginagawa at hindi nagbibigay pagod iyon sa kanya dahil nga gustong gusto nito ang pagtuturo. Matapos nito sa kanyang training ay agaran na rin siyang dumiretso sa bahay.
Biyernes ngayon at ito ang huling klase ngayong araw. Sabado bukas kaya't mahaba haba ang oras niya para sa mga test paper na dala nito.
Naabutan niya si lola perla na nakaupo sa sala habang nanuuod ng tv. Inilapag niya ang mga dala sa gitnang mesa bago umupo malapit sa kanyang lola.
Kinakalas niya ang kanyang sapatos ng magtanong ang matanda kung kumusta uli ang kanyang training.
"Ayos lang la, nag eenjoy po ako."
"Hindi ka ba napapagod sa mga bata?" Umiling na nakangiti si winter.
"Hindi la, kilala n'yo naman ako. Mahilig ako sa mga bata."
"Alam ko, nag-aalala lang ako dahil baka may studyante kang matitigas ang ulo." Natawa si winter bago muling umiling.
"Wala naman matigas na ulo sa mga studyate la, mababait sila at madaling turuan."
"Mabuti naman at kung ganon." Bumuntong hininga pa ang matanda matapos niyang masulyapan ang mga dala ng kanyang apo. Naagaw ng atensyon nito ang pagkaing ibinili sa kanya ni philip na hindi man lang n'ya naubos.
"Sa labas ka pala kumain kanina, nakapagluto pa naman ako ng pagkain mo."
"Hindi po ako ang bumili d'yan." Iling na anas ni winter. "Binigay lang sa akin ni philip."
Naging seryoso ang mukha ng matanda. Alam na alam ng dalaga na madaling makabasa ang matanda pag dating sa ganitong usapan.
"Malapit talaga sa'yo si philip ngayon?" Nag-iwas ng tingin si winter bago marahan na lumunok. Tumango siya kalaunan ng makabawi din ito.
"Mabait naman pong tao si philip."
"Alam ko iyon, apo. Ngunit iba kasi ang pakiramdam ko sa pakikitungo n'ya sayo. May bagay ba ako na hindi nalalaman tungkol sa inyo?"
Natigilan si winter sa diretsong tanong ng kanyang lola. Alam n'yang noon pa man ay nahahalata na niya iyon. Wala lang siyang lakas na sabihin ang totoo dahil nasa isang relasyon pa s'ya noon.
"Nililigawan po ako ni philip." Buong tapang na sinabi iyon ni winter. Ngunit hindi niya matagalan ang gulat na tingin sa kanya ng matanda kaya't nagbaba na lamang s'ya ng tingin.
"Nanliligaw kamo sa'yo ang nobyo ni trixie?" Mabilis na nag angat ng tingin si winter upang klaruhin na hiwalay na sila philip at trixie.
"Wala na po silang relasyon."
"Paano nangyari 'yon?"
Nag-iwas muli ng tingin si winter dahil nag aalinlangan siyang sabihin ang totoo kung bakit iyon nangyari. Involve ang tiyahin niyang si raquel dito kaya't paniguradong magugulat ng husto ang matanda kung sasabihin niyang inutusan lamang niya si trixie na sagutin si philip.
"Paanong nangyaring nagkahiwalay silang dalawa? Dahil ha iyon sa'yo?" Mabilis na umiling si winter. Doon na n'ya tuluyang nasabi ang rason upang hindi siya maging masama sa paningin ng matanda. Mas mabuting malaman n'ya ang totoo upang maging klaro sa kanya ang lahat ng nangyayari.
"Josko, ano bang iniisip ni raquel? Bakit niya kailangan utusan ang kanyang anak sa masamang bagay?"
Napayuko si winter. "Pasensya na la dahil nasabi ko pa ito sa'yo. Ayoko na lang kasing magtago pa ng sikreto dahil napakabigat sa dibdib."
Napahinga ng malalim ang matanda. "Paano kayo humantong sa puntong ito, apo? Akala ko ba ang gusto mo ay si calix?"
"Iyon din po ang inakala ko, pero nagkamali ako. Hindi ko kayang mahalin si calix na higit pa sa kaibigan."
"Dahil si philip ang gusto mo?" Hindi nakasagot si winter, nahihiya ito sa asal n'ya dahil totoo ngang gusto nito si philip. Mas lalo pa iyong lumalalim sa bawat araw na kinukulit s'ya ng binata. Imbes na mairita at iba pa ang kanyang nararamdaman na hindi niya naranasan kay calix.
"Apo ko, alam mo ba kung gaano kakumplikado ang sitwasyon na pinasukan mo?" Napalunok si winter sa inusal ng matanda. Alam niyang malabo pa sa tubig ng kanal ang posibilidad na magustuhan siya ni angelina, Ang mommy ni philip. Ngunit hindi n'ya kontrolado ang nararamdaman ng kanyang puso. Nakatatak na iyon doon na para bang sinadyang ipaburda. Ang t***k ng puso niya ay walang iba kundi ang binatang pinagbabawal sa kanya.
"Nagugustuhan ko po si philip."
Napabuntong hininga ang matanda sa huling sinabi ng kanyang apo. Wala itong magagawa dahil noon din ay wala siyang nagawa ng magtapat si elena sa nararamdaman niya para kay henry, Ang anak niya. Iyon din ang panahon na magkasintahan pa si henry at angelina ng sabihin ni elena na nagugustuhan nito ang kanilang trabahador.
Ito ang siyang kinakatakutan ng matanda, ang masama niyang panaginip ay tuluyan ng nangyari.
Muling guguhit ang nakaraang nangyari sa kasalukuyang hinaharap. Ngunit sa panahong ito ay hindi lang dakot kundi trahedya na hindi inaasahan ng buong villapania.
*********
to be continued...