(Liligawan)
Winter Pov.
Ilang linggo ang lumipas simula ng pag-usapan namin ni calix ang tungkol sa pagbubuntis ni deborah. Iyon din ang araw na tinapos ko na ang aming relasyon, alam kong wala ng patutunguhan pa ang aming pagsasama kung hindi ko na rin naman siya kayang mahalin. Hindi rin maaaring pabayaan niya ang pagbubuntis ni deborah kahit hindi ito sigurado na siya ang ama ng batang iyon.
Hindi ako gaanong nasasaktan, siguro nga ay hindi naman ganoon kalalim ang pagtingin ko kay calix. Nadismaya lamang ako sa ginawa niya, alam kong isang pagkakamali na iyon. Well, I called that cheating. Kumaliwa siya sa isang babae at ginalaw iyon ng walang pag-aalinlangan. Nakukunsensya ako araw-araw dahil sa pagtugon ko sa mga halik ni ashong, ngunit mas may malala pa palang eksenang itinatago sa akin si calix.
Siguro'y ipagpapasalamat ko pa ang araw na narinig ko ang pag-uusap nila ni deborah. Kung nagkataon na wala ako doon, tiyak na hangga ngayon ay hindi ko pa malalaman ang tungkol sa pagbubuntis nito.
Tinatahak ko ang daan patungong public school malapit lang dito sa fatima. Mga elementary ang naroon dahil ngayong araw na ang OJT ko.
Wala akong nakakasabay sa paglalakad, may tatlo akong kaklase na nakasama ko dito sa public school ngunit hindi ko sila gaanong kasundo.
Sila iyong nakasama ko noon sa group project. Si patricia at gemma maging 'yung isang babaeng hindi gaanong nagsasalita. Hindi rin naman kalayuan ang paaralang iyon, kakaliwa ka nga lang upang lumihis ng daan patungong fatima.
Nasa gilid ako ng daan habang bahagyang binibilisan ang paglalakad. May bumusinang kotse sa aking likuran kaya't tumabi ako. Hinihintay kong makalagpas ang kotseng iyon ngunit nanatili siyang nasa likuran ko na may mabagal ng pag-andar.
Nilingon ko iyon at hindi inabalang tingnan kung sino ba ang nasa loob. Tumawid ako sa kabilang kalsada ngunit sumunod ang kotse at tuluyan ng pinantayan ang lakad ko.
Bumaba ang bintana nito at doon na nga bumungad ang lalakeng nakatingin sa akin. Naging abala ako sa mga lessons nitong nagdaang araw kaya't hindi ko gaanong nakakausap si ashong, hindi pa namin napag-usapan ang tungkol sa nalaman nito kay trixie dahil nararamdaman kong hinahayaan na niya muna akong mapag-isa.
"Get in." umiling ako, bahagya ng umaabante sa paglalakad dahil kaya ko naman lakarin iyon. "Sakay na, winter. Ihahatid na kita."
"Kaya kong maglakad, salamat."
"I know. I just want you to get in here."
"Hindi na, ashong. Mauna ka na sa klase mo." binilisan ko ang paglalakad ngunit nakuha niya pa rin pantayan ang lakad ko dahil nakasakay ito ng kotse. Nang lingunin ko ito ay salubong na ang kanyang kilay.
"Bakit hindi ka na lang kasi sumakay, winter? Mapapabilis ang kilos mo kung ihahatid na kita." i sighed for a moment when i stop walking, wala akong mapapala kahit tumanggi pa ako. Sa isang lalakeng makulit na ito ay ikaw na lang ang susuko.
Umikot ako upang maupo sa passengerseat. Isinuot ko ang seatbelt habang nakatingin siya sa'kin. Hindi ito nagbigay imik ng sumandal ako matapos ko siyang lingunin.
Pinaandar na niya ang kotse at ilang minuto lang ng marating namin ang paaralan. May flag ceremony na nagaganap kaya't nanatili muna ako sa labas ng kotse, hindi pa umaalis si ashong kahit ilang beses ko na itong pinagtabuyan.
"How are you?" bahagya ko siyang nilingon habang hinihintay kong matapos ang flagceremony ng mga bata. Nakasandal ito sa kotse habang nakatayo ako malapit sa gate ng paaralan.
"Ayos lang." nakatingin siya sakin na para bang sinusuri nito kung totoo ba ang sinabi ko. Maayos naman na ako, wala akong nararamdaman na kahit ano at parang tuluyan akong nakahinga ng maluwang.
"Are you sure?"
"Hm." tumango ako. "Ikaw?"
"Anong ako?"
"Kumusta ka? Nakapag-usap na ba kayo ni trixie?" nag-iwas siya ng tingin bago umayos ng tayo, inilagay niya ang kamay sa bulsa at hindi na tuluyan pang sumulyap sa'kin.
"Bakit pa kami mag-uusap?"
"Hindi pa kayo nag-uusap?"
"Pag ex na, ex na winter. Hindi na dapat iyon kinakausap." umismid pa ito matapos sabihin iyon. Binuksan na niya ang pinto ng kotse at tuluyan ng sumakay doon. Bago niya pa paandarin ang sasakyan ay sumilip pa muna ito sa akin. "Susunduin kita mamaya, kain tayo sa labas."
"H-hindi ako pwede."
"Why?"
"Hindi lang ako pwede." naging malamya ang titig niya sakin, tila naguluhan pa sa sagot ko bago siya mag-iwas ng tingin.
"You are single, winter. Anytime and anywhere you're free."
"Kaarawan kasi ni lolo ngayon, magluluto si lola at dadalaw kami sa sementeryo mamaya." mabilis niya akong nilingon.
"Pwede akong sumama?"
Nangunot ang noo ko. "Anong gagawin mo doon?"
"Sasamahan ko lang kayo, ako ang magiging driver n'yo."
"Kaya naman naming mamasahe." nangiwi siya sa sinabi ko.
"Alam kong kaya n'yo winter, bakit ba ang hilig mong tumanggi sa grasya?"
"Grasya ka ba?"
"What do you think of me, syempre. Kaya huwag ka ng tumanggi pa."
"Okay, sabi mo e." umamba akong aalis ng bigla ay humiririt na naman ito. Natigilan ako sa paglalakad at naiinip siyang nilingon.
"Susunduin pa rin kita mamaya!"
"Bahala ka kung anong gusto mong gawin."
"Talaga?"
"Papasok na ako."
"Teka lang!" I faced him again, almost losing my patience. "Hindi kita matawagan noong isang araw, kahapon din. Ilang araw ko ng hindi matawagan ang number mo, nagpalit ka na ba?"
"Hindi."
"Bakit hindi kita matawagan?"
"Baka lowbat yung cellphone ko, hindi ko kasi ginagamit."
"Bakit hindi mo gamitin!"
"Hindi ko naman magagamit iyon sa pag-aaral, ashong. Ayoko ng distraction."
Natawa siya sa sinabi ko. "Maaari mo namang gamitin iyon para tawagan ako, hindi ako distraction."
"Baka hindi lang ako makapag-aral."
Nagsalubong ang kilay. "Tatawag lang ako, bakit hindi?"
"Baka kausapin na lang kita, sayang yung oras ko."
Natigilan pa siya dahil sa sinabi ko. Tila iniisip pa nito ng tuluyan kung anong sinabi ko bago siya matawa.
Tsk. S*raulo.
"Nadidistract ka sakin?"
"Bakit hindi ka tumingin sa salamin at ng malaman mo." bumuntong hininga ako. "Mauuna na ako."
"Hey, wait."
Kinaway ko na lang ang kamay habang nakatalikod. Tumuloy na ako sa silid ng grade three kung saan doon ako maglalagi buong maghapon.
Maraming studyanteng nag-aaral dito. Publikong paaralan at karamihan ay hindi gaanong sosyal di tulad doon sa fatima.
May private school din dito ngunit mas pinili kong dito na lang mag training.
Science subject ang gurong kasama ko dahil iyon din naman ang major ko. Mababait ang mga studyante habang nakaupo ako sa gilid dahil pinapanood ko ang gurong nagdidiscuss sa harapan ng klase.
HALOS nakaantabay lamang ako sa mga studyante matapos magdiscuss ng guro. Nagbigay ako ng long spelling tungkol sa mga science words ng umalis ang guro upang magxerox ng mga test paper ng bata.
Naging maayos ang unang internship at nakapag-adjust naman na ako dahil hindi na gaanong matitigas ang ulo ng mga studyante. Hindi tulad ng isang classmate ko na nasa grade one na todo kung sumakit ang ulo.
Alas kwatro ang labas ng mga studyante kaya't iyon rin ang oras ng lumabas ako. May kainitan pa ang araw ng makalabas ako ng gate, maraming mga batang lumalabas at ang karamihan ay halos may sundo.
Nagmamasid ako sa paligid habang pinapanuod ang mga batang sumasakay sa kanilang service. Pagbaling ko sa kaliwa ay may kotse ng nakapark doon, namukhaan ko agad iyon dahil ito 'yung kotseng gamit kanina ni ashong. Hindi gaanong pamilyar ang kotse kaya't hindi ko siya nakilala kaninang umaga, masyado kasing magastos sa kotse at kulang na lang ay gamitin lahat ng kotseng nasa bahay nila.
Napailing ako habang pababa ito ng driverseat. Pinagtitinginan siya ng mga studyante maging ng mga classmate kong mapanuri.
Hindi ko alam kung anong pinag-uusapan nila. Ngunit tiyak naman na akong mababahong salita lamang ang alam ng dalawang yan.
"Ang aga mong lumabas?" kunot ang noo ko matapos niyang huminto sa harapan ko. Umiling lang ito.
"Gusto ko lang maagang lumabas."
"Huwag mong sabihing nag cutting ka?"
"Huh?" natawa siya. "Hindi, wala ang last subject namin kaya maaga akong narito."
"Sigurado ka ba?"
"Hindi ako magsisinungaling, winter."
Bumuntong hininga ako. "Huwag mong pabayaan ang pag-aaral mo, ashong. Huling taon na ito, dapat makapag-graduate ka."
"Magtatapos ako, winter. Magiging mahusay na bussiness man ako para sa'yo."
Napairap ako bago dumapo ang mata ko sa dalawang babaeng nagbubulungan pa rin. Nang lingunin sila ni ashong ay doon lamang sila mabilis na umalis, napabuntong hininga muli ako. Siguro ang pagkaka-alam nila ay magkasintahan pa sila ashong at trixie, well. Magkasintahan pa rin naman sila dahil wala silang maayos na paghihiwalayan, naguguluhan din ako kay trixie kung bakit hangga ngayon ay hindi pa niya kinakausap si ashong.
"Ilan taon ng namatay si lolo?" nakasakay na kami sa kotse ng itanong iyon ni ashong, si lolo?
"Sino ang tinutukoy mo?"
"Lolo natin."
"Ibig mo bang sabihin lolo ko?" ngumisi siya bago tumango.
"Lolo ko rin naman na ang lolo mo, what is his name again?"
"Lolo ricardo."
"Anong ikinamatay ni lolo ricardo?"
Napabuntong hininga ako habang nakatingin sa dinadaan namin, ang bagal niyang magmaneho at tila walang balak na bilisin ang pagpapatakbo nito. Ano bang ginagawa niya?
"May sakit si lolo sa likod, mahilig kasi itong manigarilyo noon hangga sa pagtanga niya."
Tumango tango ito. "Kaya pala hindi ka sang-ayon sa paninigarilyo ko?"
"Hm." tumango ako. "Iyon kasi ang ikinamatay ni lolo, ayoko talaga sa mga bisyong ganon."
"Kung ganon, ayaw mo akong mamatay?"
Masamang tingin ang ipinukol ko sa kanya ng lingunin ko ito. "Wala ka bang matinong maitatanong?"
Imbes na magseryoso ako dahil sa tanong niya ay gusto ko pang matawa sa itsura nito. Parang bata talaga.
"Ang sama mo talaga, winter. Matino naman ang tanong ko."
"Paanong naging matino ang pagtatanong sa bagay na'yon?"
"Wala, nagtatampo na ako sayo."
"Tsk." napailing ako, bahagyang nakangiti. "Magtampo ka lang diyan, take your time."
"What?" hindi ko na siya hinarap pa. Nagfocus na lang ako sa bintana at sinenyasan siyang magpatuloy na lang sa pagmamaneho. May nalalaman pang patampo tampo, ibang klase talaga.
Ipinarada ni ashong ang kotse sa tapat ng bahay. Nauna akong bumaba at nagmadaling pumasok sa loob. Naabutan ko ng naghahanda na si lola sa mesa kung saan inilalagay niya sa paperbag ang mga pagkaing dadalhin namin doon.
"Tapos na po ba kayo?" tanong ko, binuhat ko ang maliit na jar upang ipatong iyon sa mesa. Tumango si lola bago itabi ang malaking paperbag.
"Oo, nakaligo na ako. Hinihintay na lang kita."
"Aalis na po ba tayo?" tumango si lola bago magawi ang tingin nito sa likuran ko. Hindi pa man ako nalilingon ng makita ko ng lumakad si ashong papunta kay lola upang magmano.
"Magandang araw po." napaiwas ako ng tingin habang bahagyang natatawa. Magalang talaga siya pagdating kay lola, kahit mukhang badboy may matinong side naman.
"Napadalaw ka, hijo? Kumusta na ang sugat mo?"
"Maayos na po." ngumiti si ashong. "Nasabi sa akin ni winter na kaarawan ngayon ni lolo ricardo, balak ko sanang sumama sa pagbisita."
Muli ay binalingan ko ng tingin si ashong, pinanlalakihan ko siya ng mata ngunit napa-ayos din ng tingnan ako ni lola.
"Nabanggit na niya pala sa'yo?"
"Opo, ito ba ang dadalhin natin?"
Tumango si lola ng kunin ni ashong ang mga dadalhin doon. Hindi na siya naghintay ng utos dahil kusa na itong lumabas dala ang paperbag at jar na naglalaman ng inumin.
Napailing ako bago maramdaman ang presensya ni lola sa gilid ko.
"Mabuti pa iyang si philip ay napadalaw dito, samantalang si calix ay hindi ko na nakikita." naisara ko ang bibig dahil sa sinabing iyon ni lola. Hindi ko pa kasi nabanggit na hiwalay na kami ni calix, nagkikita naman na kami sa fatima noong isang linggo ngunit hindi kami gaanong nag-uusap. Pero nakasabay ko siya isang beses sa lunch, nagtanong ito kung kumusta na ba ako. Naitanong ko rin kung kumusta na ba si deborah ngunit wala siyang naisagot.
Wala din naman akong balita kay deborah dahil hindi ko na ito nakikita pa.
"Hiwalay na po kami ni calix, la." mabilis ang paglingon sa akin ni lola dahil sa sinabi ko. Napaiwas ako ng tingin dahil sa ekspresyon niyang may gulat at pagtataka.
"Hiwalay na kayo kamo?"
Tumango ako. "Opo."
"Bakit apo? Anong dahilan?"
Napayuko ako dahil hindi ko nais sabihin ang dahilan. Ayokong masira ang tingin niya kay calix dahil alam kong matindi ang paghanga nito sa kababata ko.
"Hindi ko po mahal si calix, la. Nakipaghiwalay ako sa kanya dahil iyon ang nararamdaman ko."
"Ano? Paanong hindi mo siya mahal?"
"Iyon po ang nararamdaman ko, pasensya na po." mabigat na paghinga ang pinakawalan ni lola. Hindi na ako muling tumingin dito dahil alam kong dismayado lamang siya sa akin.
"Kaya pala hindi na dumadalaw ang binatang iyon dito, nakakalungkot ang sinabi mo apo. Hindi ko alam na iyon ang nararamdaman mo kay calix."
Nag-angat ako ng tingin kay lola bago sumagot. "Masyado lang po akong nabigla sa pagsagot ko sa kanya. Hindi ko pa muna pinag-isipan."
Hinagod ni lola ang likuran ko. Tila doon pa lang ay pinaparamdam niyang ayos lang, na naiintindihan niya ako.
"Mabuti lamang ang ginawa mo, naging tapat ka lang sa kanya."
"Hindi po ba kayo nagagalit sakin?"
"Hindi, apo. Wala akong magagawa pagdating sa bagay na'yon."
Ngumiti ako dahil sa sinabing iyon ni lola. Muli akong nabunutan ng tinik dahil hindi ko na iisipin pa si lola dahil nalaman na niyang hiwalay na kami ni calix.
Lumabas kami ng bahay habang naghihintay si ashong sa labas. Saktong binaba niya ang tawag ng makalapit kami sa kanya. Ngumiti ito matapos ibulsa ang cellphone.
"Nakapag-paalam ka ba kay angelina?" hindi agad nakasagot si ashong sa tanong ni lola. Ngunit nakabawi rin at tumango.
"Opo."
"Hindi naman kami gagabihin doon, sisindihan lang namin ang kandila at maglalapag ng mga paboritong pagkain ni ricardo."
Tumango si ashong. "Ayos lang po, pinayagan ako ni mommy." umangat ang nguso ko dahil sa sinabing iyon ni ashong. Hindi ako kumbinsido dahil kilala ko ang ugali ng mama niya. Mabanggit niya lang ang pangalan ko paniguradong uusok na ilong niya.
"Mabuti naman at pinayagan ka ni angelina.." ngumiti si ashong bago niya kami pagbuksan ng pinto. Sa likuran kami sumakay habang nasa harapan ang paperbag.
Katamtamang bilis lamang ang takbo ng kotse at tila hindi nais pabilisin ni ashong ang pagpapatakbo dahil kay lola.
Ilang minuto ang naging biyahe namin matapos maraming ang sementeryo. Nauna akong bumaba kasabay si ashong, pinagbuksan niya ng pinto si lola at tinulungan bumaba. Kinuha ko naman na ang pagkain na agad niyang inagaw sa akin.
"Ako na." kunot pa ang noo niya habang kinukuha iyon sa akin. Isinara niya ang pinto at sinenyasan akong lumakad na dahil nakatingin lang ako dito. "Mauna ka, nauna na si lola sa loob." tumango ako. Nauna akong lumakad habang nakasunod siya sakin..
Nadidinig ko ang mahina niyang pagbungisngis na tila natatawa sa bagay na ginawa ko. Nilingon ko ito at nakita ngang nakangiti habang dala ang mga pagkain.
"Anong nakakatawa?" umiling siya sa tanong ko.
"Wala."
"Hindi ka tatawa ng walang dahilan, ashong."
"Yun naman pala, bakit mo pa tinatanong? Alam mo naman ang dahilan kung bakit ako masaya, winter."
Inilingan ko ang pagngisi niya at muling nagpatuloy sa paglalakad. Naabutan na namin si lola sa tapat ng puntod ni lolo. Nagsisindi na ito ng kandila matapos kong maupo sa tabi niya. Inilapag ni ashong ang mga pagkain sa gilid ko at nanatiling nakatayo malapit sa akin.
May sinabi si lola tungkol sa pagbisita ni kay lola. Binati niya ito habang pinapagpagan ang pangalan ni lolo na nagkaroon ng dumi. Nanatili akong nakaupo malapit kay lola, nakakamiss si lolo lalo na sa tuwing bibisita siya sa probinsya na may dalang pasalubong sa akin.
Spoiled man akong apo at anak ay hindi ko iyon sinanay sa sarili ko. Kuntento na akong kasama sila kahit na alam kong makukuha ko ang aking gusto sa oras na humihingi ako sa kanila.
Nagsindi ako ng isang kandila at binati si lolo. Kumain din kami doon kasabay si ashong, nakaupo kami malapit sa puntod ni lolo habang pinagsasaluhan ang niluto ni lola.
Nagtataka nga ako dahil nakuhang maubos ni ashong ang kanyang pagkain, nagawa niyang kumain sa ganitong lugar. Ang isang tulad niyang mayaman ay alam kong may pagka-sosyal. Pero nakuha niya kaming sabayan na hindi nag-iinarte.
"Huwag mo na kaming ihatid, hijo. Pagabi na, baka hanapin ka na ni angelina." umiling lamang din si ashong sa sinabing iyon ni lola. Alam kong ipipilit niyang ihatid pa rin kami dahil iyon ang gusto n'ya.
"Ihahatid ko po kayo, la. Huwag n'yo na pong alalahin si mommy."
"Sigurado ka ba?"
"Opo, mabilis lang naman. Uuwi din ako matapos ko kayong ihatid."
"Sige. Ikaw ang bahala, salamat." muli ay pinagbuksan niya kami ng pinto. Marahan ang pagsara niya matapos naming makaupo. Umikot ito sa driverseat at agarang binuhay ang makina.
May itinanong si lola tungkol sa OJT ko habang nagmamaneho si ashong. Nakikinig siya sa amin habang isinasalaysay ko ang buong maghapon na nangyari sa training ko.
Hindi naman na mahirap sa akin dahil nasa basic lessons pa muna kami. Binalak ko rin na munang magturo sa elementarya matapos kong mag graduate. Saka na ako lilipat sa sekondarya sa oras na makakuha ako ng karanasan sa pagtuturo.
Alas sais pasado na ng makauwi kami. Nagpa-alam si lola na maliligo muna habang inililigpit ko ang mga gamit na dinala namin.
Nakaupo si ashong sa sala. Nakapandekwatrong pagbabae ng abutan ko siya ng kape, naitanong ko kasi kung anong nais niyang inumin at iyon ang sinabi niya.
"What is this?" naka-angat ang tasa ng itanong niya iyon.
"Kape yan, ashong."
"Anong inilagay mo?"
"Asukal." pumaling ang ulo niya matapos nitong tikman muli ang kapeng hawak n'ya.
"May iba ka pang inilagay dito, winter. Bakit hindi mo sabihin?"
"Kape at asukal lang yan, ashong. Hinaluhan ko lang ng creamer."
"Wala bang pagmamahal?"
Sumama ang tingin ko sa sinabi niya. Ngunit humalakhak lang ang mok*ng habang nakatingin sa akin.
"Akala ko hindi ka maaasar."
"Hindi lang ako natawa sa biro mo." naupo ako sa harapan niya at isinandal ng todo ang likuran. Hindi niya nilubayan ang mukha ko ng tingin kahit na iniwas ko na ang aking paningin.
"By the way, kumusta ex mo?"
Nangunot ang noo ko sa pagbigkas niya ng term na ex. Hindi ko siya sinagot kundi nag-iwas na lang ako ng tingin at doon nakita ko ang cellphone kong nakalapag sa side table malapit sa sofang kinauupuan niya.
Tumayo ako at kinuha iyon, nakasunod ang tingin niya sa akin hangga sa maupo akong muli.
"Kinakausap kita winter, bakit hindi mo ako sagutin? kinakausap ka pa ba ng ex mo?" nag-angat ako ng tingin sa kanya.
"Nag-uusap pa kami."
Sumama ang tingin niya dahil sa sagot ko. "Bakit mo pa kinakausap ang gag*ng 'yon!"
"Bawal ba kaming mag-usap?"
"Oo dahil mag ex na lang kayo!" kumikibot pa ang labi niya sa pagsagot nito.
Napabuntong hininga ako.
"Magkaibigan pa rin kami ni, calix. Ashong. Walang mali kung mag-usap man kami."
"Hindi ako pabor diyan sa pag-uusap n'yo, baka magbalikan kayo kahit may anak na siya."
"Bakit ba napaka-praning mo?"
"A-anong sabi mo? Ako praning!" namimilog ang kanyang mata. "Sinasabi ko lang naman ang totoo! Sinaktan ka na ng lalakeng 'yon! Deserve niyang hindi kausapin ng tulad mo!"
"Kilala mo ako, ashong. Hindi ako ganoong tao, umuwi ka na."
"Tsk. Pinapauwi muna ako agad? Tatawag ba yang ex mo sayo?"
Sumama na ang aking tingin ko dahil sa paulit-ulit na pagbanggit nito sa salitang ex. Sa sobrang inis ko'y binato ko sa kanya ang hawak na cellphone na nakuha naman nitong saluhin.
"Sh*t!"
"Oh ayan! Mag-usap kayo ng ex ko!"
"Bakit ba nagagalit ka? Ako, hindi ko na kakausapin pa si trixie dahil ex ko na lang ito!"
Muli akong bumuntong hininga.
"Wala kayong maayos na paghihiwalay ni trixie, ashong. Kailangan n'yo pa rin mag-usap."
"Tsk, matapos ng mga nalaman ko sa tingin mo kakausapin ko pa rin siya?"
"Kailangan n'yong magkaroon ng closure. Para din iyon sa inyong dalawa, pakawalan n'yo ang isa't isa na walang sama ng loob. Alam kong napilitan lang si trixie na gawin iyon, hindi niya talaga gustong sagutin ka."
"So alam mo?"
Napalunok ako habang kunot noo siyang nakatingin sa akin. Sa sobrang seryoso ng titig niya ay hindi ko na magawang kumurap pa.
Natawa siya bago mag-iwas ng tingin. "May nalalaman ka rin pala ngunit hindi mo man lang sinabi sa akin, alam mo palang nagmumukha na akong tang* ngunit hindi ka gumawa ng paraan."
"Ayoko lang makialam sa bagay na 'yon, ashong. Gusto ko sa kanya mismo manggaling ang salitang iyon at hindi sa akin." tumayo siya matapos sabihin iyon. Kunot na kunot ang kanyang noo bago muling ibalik ang cellphone sa akin.
"Hindi pa rin kita maintindihan, winter." bumuntong hininga siya. Lumakad ito palabas na walang lingon sa akin. Tumayo ako upang sundan siya, nasa bungad ito ng pinto at natigilan, naramdaman niya ang presensya ko sa likuran nito ngunit hindi niya na ginawang tingnan ako.
"Galit ka ba?" hindi ito sumagot sa tanong ko. Pinanatiling niyang nakatalikod ito sa akin at hindi na gumawa ng kilos pa. "Nagagalit ka ba dahil hindi ko sinabi sa'yo?"
"Ano pa ba ang mangyayari kung magagalit ako? Alam ko na rin naman."
Natahimik ako sa sagot n'ya. "Ang importante hindi ka katulad ng pinsan mo, mas mabuting nagpapaka-totoo ka sa sarili mo." nilingon niya ako matapos sabihin iyon. Bumuntong hininga siya bago ako ngitian.
"Hindi man lang tumagal ng sampung minuto ang pagtatampo ko. Hindi ko pala kaya."
"Tsk." napaismid ako. Ibang klase talaga.
"Pwede ba tayong magkita ngayong linggo?"
Muli akong bumaling sa kanya, kunot ang noo dahil sa biglaan niyang pag-iimbita.
"Anong meron?" tanong ko. Nanatiling nakatayo sa tapat niya habang naghihintay ng sagot.
"I just want to treat you. Alam mo na, masyado ng marami ang pera ko."
"Tch, ang yabang mo."
"Payag ka ba?"
"Kaya ko naman kumain sa bahay."
Napangiwi ito. "Iyan ka na naman sa kaya ko, bakit hindi ka na lang pumayag ng walang s*******n?"
"Okay."
Napakurap siya habang nakatingin sa akin. "Payag ka?"
"Hindi ako tumatanggi sa grasya."
Natawa siya bago mag-iwas ng tingin, ibinulsa niya ang mga kamay bago muling tumingin sa akin. Binasa nito ang labi sa pamamagitan ng kanyang dila, kinagat niya ang pang ibabang labi habang nakangiti na parang ewan.
"I don't know how to court a girl. Hindi ko naman kasi gaanong binigyan ng effort si trixie. Pero sana maging magandang umpisa ito."
Nagsalubong ang kilay ko. "Anong ibig mong sabihin?"
"Liligawan kita.."
********
to be continued.....