(INAGAW BA KITA?) Winter Pov. Maraming studyante ang nasa harapan ng biyernes na pumasok ako. Wala akong ideya kung anong meron ngunit nagkakagulo sila, hindi ako nag-usisa bagkus ay nilagpasan ko lamang sila. Hindi pa man ako nakakalayo ng ilang kilometro ay bigla na lamang may humarang sa dinaraanan ko. Hindi ko kilala ang babaeng ito, may kasama siyang dalawang babae at ang isa ay ang classmate kong si patricia. Wala akong pinakitang reaksyon sa kanilang tatlo, medyo marami akong iniisip dahil paparating na ang araw ng linggo kung kailan luluwas sila mama. "Ang linis tingnan ng babaeng ito kumpara kay trixie, pero may tinatago pa lang dumi sa loob." napahinga ako ng malalim sa sinabi ng babaeng nangunguna. Kung ganon, ako pala talaga ang pakay nila? "Anong kailangan mo?" tanong k

