(MOTHER FIGHT) Ashton Philip Pov. Alas sais ng gabi bago namin marating ang bahay nila winter, naabutan namin si lola perla na nasa labas ng bahay habang itinatabi nito ang mahabang walis. Nakuha namin ang atensyon niya ng makapasok kami sa kanilang bakuran. Naunang lumapit si winter bago namin segundahan ang pagmamano. Inabot ni lola perla ang kamay bago ito magtanong sa akin matapos kong mag-mano. "Ginabi na kayo?" Ngumiti ako ng pilit. "Hinintay ko pa pong makalabas si winter." lola perla nodded when i answered her, pasado alas singko na kasi ng lumabas si winter. Alam kong marami silang ginagawa at gagawin pa dahil tulad ko ay graduating na rin ito. "Ganun ba? Pumasok muna kayo sa loob." tumango ako kay lola, nauna siyang pumasok kasunod nito si winter na tahimik lamang. Dum

