(ANG PAGHAHARAP) Winter Pov. Nang biyernes na dumalo sila ashong dito ay hindi ko na muli siyang nakita. Ang sabi nito, tatawagan niya ako pag nakapag-usap sila ng kanyang ina. Ngunit nang gabing iyon ay hindi na ako nakatanggap ng tawag pa mula sa kanya. Linggo ng umaga sa tapat ng bahay, alas otso pasado ng dumating sila mama. Dala ang hindi kalakihang bag ay bumaba sila ng taxi. Tinulungan ko sila dalhin ang ilang plastic na dala nila matapos kong magmano. Isang mataman na titig ang binigay sakin ni mama ngunit hindi ko ito matagalan, nag-iwas din ako ng tingin at agad lumapit kay papa. "Ang aga n'yo po yatang nagbiyahe?" nilingon ako ni papa matapos nitong makababa, seryosong titig din ang natanggap ko rito kaya't hindi na muli akong nagtanong pa. "Mabuti na lang at hindi traffic

